Mateo 1
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Talaan ng mga Ninuno ni Jesu-Cristo(A)
1 Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.
2-6a Mula kay Abraham hanggang kay Haring David, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: Abraham, Isaac, Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid; Juda na ama ni Fares at Zara kay Tamar; Fares, Esrom, Aram, Aminadab, Naason, Salmon, Boaz na anak ni Salmon kay Rahab; Obed na anak ni Boaz kay Ruth; at Jesse na ama ni Haring David.
6b-11 Mula(B) naman kay Haring David hanggang sa naging bihag ang mga taga-Juda sa Babilonia, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: David, Solomon na anak ni Haring David sa asawa ni Urias, Rehoboam, Abias, Asa, Jehoshafat, Joram, Ozias, Jotam, Acaz, Ezequias, Manases, Ammon, Josias, Jeconias at ang mga kapatid nito.
12-16 At pagkatapos na sila'y maging bihag sa Babilonia hanggang sa ipanganak si Jesus, ang mga ninuno niya ay sina: Jeconias, Salatiel, Zerubabel, Abiud, Eliakim, Azor, Sadoc, Aquim, Eliud, Eleazar, Matan, Jacob, at si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang ina ni Jesus—ang tinatawag na Cristo.
17 Samakatuwid, may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia at labing-apat din mula sa pagkabihag sa Babilonia hanggang kay Cristo.
Isinilang si Jesu-Cristo(C)
18 Ito(D) ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 19 Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan[a] si Maria nang palihim.
20 Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. 21 Magsisilang(E) siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
23 “Maglilihi(F) ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki,
    at tatawagin itong Emmanuel”
(ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”).
24 Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. 25 Ngunit(G) hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol.
Footnotes
- 19 HIWALAYAN: Sa kulturang Judio, ang babae't lalaking nagkasundo nang pakasal ay itinuturing nang mag-asawa kahit hindi pa sila lubusang nagsasama .
马太福音 1
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
耶稣基督的家谱
1 耶稣基督是亚伯拉罕的子孙、大卫的后裔,以下是祂的家谱:
2 亚伯拉罕生以撒,
以撒生雅各,
雅各生犹大和他的兄弟,
3 犹大和她玛生法勒斯和谢拉,
法勒斯生希斯仑[a],
希斯仑生兰,
4 兰生亚米拿达,
亚米拿达生拿顺,
拿顺生撒门,
5 撒门和喇合生波阿斯,
波阿斯和路得生俄备得,
俄备得生耶西,
6 耶西生大卫王。
大卫和乌利亚的妻子生所罗门,
7 所罗门生罗波安,
罗波安生亚比雅,
亚比雅生亚撒,
8 亚撒生约沙法,
约沙法生约兰,
约兰生乌西雅,
9 乌西雅生约坦,
约坦生亚哈斯,
亚哈斯生希西迦,
10 希西迦生玛拿西,
玛拿西生亚们,
亚们生约西亚,
11 约西亚生耶哥尼雅和他的兄弟,
那时以色列人被掳往巴比伦。
12 被掳到巴比伦以后,
耶哥尼雅生撒拉铁,
撒拉铁生所罗巴伯,
13 所罗巴伯生亚比玉,
亚比玉生以利亚敬,
以利亚敬生亚所,
14 亚所生撒督,
撒督生亚金,
亚金生以律,
15 以律生以利亚撒,
以利亚撒生马但,
马但生雅各,
16 雅各生约瑟。
约瑟就是玛丽亚的丈夫,
那被称为基督[b]的耶稣就是玛丽亚生的。
17 这样,从亚伯拉罕到大卫共有十四代,从大卫到被掳至巴比伦也是十四代,从被掳至巴比伦到基督降生也是十四代。
耶稣的降生
18 以下是耶稣基督降生的经过。
耶稣的母亲玛丽亚和约瑟订了婚,还没有成亲就从圣灵怀了孕。 19 约瑟是个义人,不愿公开地羞辱她,便决定暗中和她解除婚约。 20 他正在考虑这事的时候,主的一位天使在梦中向他显现,说:“大卫的后裔约瑟,不要怕,把玛丽亚娶过来,因为她所怀的孕是从圣灵来的。 21 她将生一个儿子,你要给祂取名叫耶稣[c],因为祂要把自己的子民从罪恶中救出来。”
22 这一切应验了主借着先知所说的话: 23 “必有童贞女怀孕生子,祂的名字要叫以马内利,意思是‘上帝与我们同在’。” 24 约瑟醒来,就遵从主的天使的吩咐和玛丽亚结婚, 25 只是在她生下孩子之前没有与她同房。约瑟给孩子取名叫耶稣。
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.