马太福音 4:1-11
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
耶稣受试探
4 后来,耶稣被圣灵带到旷野,去受魔鬼的试探。 2 耶稣禁食了四十昼夜后,很饥饿。 3 试探者前来对祂说:“如果你是上帝的儿子,可以叫这些石头变成食物。”
4 耶稣回答说:“圣经上说,‘人活着不是单靠食物,乃是靠上帝口中的每一句话。’”
5 魔鬼又带祂进圣城,让祂站在圣殿的最高处, 6 说:“如果你是上帝的儿子,就跳下去吧!因为圣经上说,‘上帝会差遣祂的天使用手托住你,不让你的脚碰在石头上。’”
7 耶稣回答说:“圣经上也说,‘不可试探主——你的上帝。’”
8 魔鬼再带耶稣到一座极高的山上,把世上万国及其荣华富贵展示给祂看, 9 说:“如果你俯伏敬拜我,我就把这一切都给你。”
10 耶稣说:“撒旦,走开!圣经上说,‘要敬拜主——你的上帝,单单事奉祂。’”
11 于是魔鬼离开了耶稣,这时有天使前来伺候祂。
Read full chapter
Mateo 4:1-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagtukso kay Jesus(A)
4 Pagkatapos nito, dinala ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2 Doon ay nag-ayuno si Jesus ng 40 araw at 40 gabi, kaya nagutom siya. 3 Dumating ang Manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, gawin mong tinapay ang mga batong ito.” 4 Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Dios.’ ”[a]
5 Dinala naman siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, doon sa pinakamataas na bahagi ng templo. 6 At sinabi niya kay Jesus, “Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, tumalon ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel na ingatan ka. At aalalayan ka nila upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.’ ”[b] 7 Pero sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Dios.’ ”[c]
8 Pagkatapos, dinala pa siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok, at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kayamanan at kadakilaan ng mga ito. 9 At sinabi ng diyablo kay Jesus, “Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung luluhod ka at sasamba sa akin.” 10 Pero sinagot siya ni Jesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Dios at siya lamang ang iyong paglingkuran.’ ”[d]
11 Pagkatapos nito, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel ng Dios at naglingkod sa kanya.
Read full chapterChinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®