Mateo 12
Ang Biblia, 2001
Ang Katanungan tungkol sa Sabbath(A)
12 Nang(B) panahong iyon ay dumaan si Jesus sa bukirin ng mga trigo nang araw ng Sabbath. Nagutom ang kanyang mga alagad at nagsimula silang pumitas ng mga uhay at kumain.
2 Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi ipinahihintulot na gawin sa Sabbath.”
3 Subalit(C) sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasamahan niya;
4 kung(D) paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kumain siya ng tinapay na handog, na hindi ipinahihintulot na kainin niya o ng mga kasamahan niya, kundi ng mga pari lamang?
5 O(E) hindi ba ninyo nabasa sa kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabbath ay winalang-galang ng mga pari sa templo ang Sabbath, at hindi sila nagkasala?
6 Ngunit sinasabi ko sa inyo, isang higit na dakila kaysa templo ang narito.
7 Ngunit(F) kung nalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala.
8 Sapagkat ang Anak ng Tao ay panginoon ng Sabbath.”
Ang Lalaking Tuyo ang Isang Kamay(G)
9 Umalis si Jesus[a] doon at pumasok sa kanilang sinagoga.
10 At doon ay may isang taong tuyo ang isang kamay. Siya ay tinanong nila, “Matuwid bang magpagaling sa araw ng Sabbath?” upang siya'y maparatangan nila.
11 Sinabi(H) niya sa kanila, “Sino kaya sa inyo, na kung mayroon siyang isang tupa, at nahulog ito sa isang hukay sa araw ng Sabbath, ay hindi ba niya ito aabutin, at hahanguin?
12 Gaano pa ngang higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath.”
13 Pagkatapos ay sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” At iniunat nga niya, at naibalik ito sa dati, magaling na gaya ng isa.
14 Ngunit umalis ang mga Fariseo at nagpulong laban sa kanya kung papaano siya pupuksain.
Ang Lingkod na Hinirang
15 Nang malaman ito ni Jesus ay umalis siya roon. Sinundan siya ng marami at pinagaling niya silang lahat,
16 at ipinag-utos niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ipamamalita.
17 Ito ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias, na sinasabi:
18 “Narito(I) ang lingkod ko na aking hinirang,
ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu,
at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil.
19 Hindi siya makikipagtalo, o sisigaw,
o maririnig ng sinuman ang kanyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi niya babaliin ang tambong nasugatan,
o papatayin ang nagbabagang mitsa,
hanggang ang katarungan ay dalhin niya sa tagumpay;
21 at aasa ang mga Hentil sa kanyang pangalan.”
Paglapastangan sa Espiritu Santo(J)
22 Pagkatapos ay dinala kay Jesus[b] ang isang bulag at pipi na inaalihan ng demonyo, at kanyang pinagaling ito kaya't ang dating pipi ay nakapagsalita at nakakita.
23 At ang lahat ng tao ay namangha at nagsabi, “Ito na kaya ang Anak ni David?”
24 Ngunit(K) nang marinig ito ng mga Fariseo ay sinabi nila, “Ang taong ito'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan lamang ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.”
25 Ngunit nalalaman niya ang mga iniisip nila, at sinabi niya sa kanila, “Ang bawat kahariang nahahati laban sa kanyang sarili ay mawawasak; at ang bawat lunsod o bahay na nahahati laban sa kanyang sarili ay hindi makakatayo.
26 Kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, siya ay nahahati laban sa kanyang sarili; paano ngang makakatayo ang kanyang kaharian?
27 At kung sa pamamagitan ni Beelzebul ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, sa pamamagitan nino sila pinalalayas ng inyong mga anak? Kaya't sila ang magiging mga hukom ninyo.
28 Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, dumating na nga sa inyo ang kaharian ng Diyos.
29 O paano bang makakapasok ang sinuman sa bahay ng malakas na tao at nakawin ang mga ari-arian nito, kung hindi muna gagapusin ang malakas na tao? At saka pa lamang niya mapagnanakawan ang bahay nito.
30 Ang(L) hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay nagkakalat.
31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang bawat kasalanan at paglapastangan ay ipatatawad sa mga tao; ngunit ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.
32 At(M) ang sinumang magsabi ng isang salita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin maging sa panahong ito o sa darating.
Sa Bunga Nakikilala(N)
33 “O(O) gawin ninyong mabuti ang puno at mabuti ang bunga nito o gawin ninyong masama ang puno at masama ang bunga nito; sapagkat ang puno ay nakikilala sa pamamagitan ng kanyang bunga.
34 Kayong(P) lahi ng mga ulupong! Paano kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay gayong kayo ay masasama? Sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
35 Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabuting kayamanan, at ang masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa kanyang masamang kayamanan.
36 Subalit sinasabi ko sa inyo, na sa araw ng paghuhukom ay pananagutan ng mga tao ang bawat salita na binigkas na walang ingat.
37 Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay pawawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong salita ay mahahatulan ka.”
Hinanapan si Jesus ng Tanda(Q)
38 Pagkatapos,(R) ilan sa mga eskriba at mga Fariseo ang nagwika sa kanya, “Guro, ibig naming makakita ng isang tanda mula sa iyo.”
39 Ngunit(S) sumagot siya sa kanila, “Humahanap ng tanda ang isang masama at mapangalunyang lahi; ngunit walang tanda na ibibigay sa kanya, liban sa tanda ng propeta Jonas.
40 Sapagkat(T) kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng isang dambuhala sa dagat[c] sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing mapapasailalim ng lupa.
41 Ang(U) mga tao ng Ninive ay tatayo sa paghuhukom na kasama ng lahing ito at hahatulan nila ito, sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas; at masdan ninyo, may isang higit na dakila kaysa kay Jonas ang narito.
42 Ang(V) reyna ng timog ay tatayo sa paghuhukom na kasama ng lahing ito, at hahatulan niya ito, sapagkat nanggaling siya sa mga dulo ng daigdig upang makinig sa karunungan ni Solomon; at masdan ninyo, may isang higit na dakila kaysa kay Solomon ang narito.
Ang Pagbabalik ng Maruming Espiritu(W)
43 “Kaya't nang makalabas mula sa isang tao ang maruming espiritu, nagpagala-gala ito sa mga dakong walang tubig na humahanap ng mapapagpahingahan, ngunit wala siyang matagpuan.
44 Kaya't sinasabi niya, ‘Babalik ako sa aking bahay na pinanggalingan.’ Pagdating niya ay natagpuan niya iyong walang laman, nawalisan at naiayos na.
45 Pagkatapos ay umalis siya, at nagsasama pa ng pitong espiritu na higit na masasama kaysa kanya, at sila'y pumapasok at naninirahan doon; at ang huling kalagayan ng taong iyon ay naging masahol pa kaysa una. Gayundin ang mangyayari sa masamang lahing ito.”
Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus(X)
46 Samantalang nagsasalita pa si Jesus[d] sa maraming tao, ang kanyang ina at mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas at ibig nilang makausap siya.
47 [May nagsabi sa kanya, “Narito, ang iyong ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, at ibig ka nilang makausap.”][e]
48 Ngunit sumagot siya at sinabi sa nagsabi sa kanya, “Sino ang aking ina at sinu-sino ang aking mga kapatid?”
49 Itinuro niya ang kamay niya sa kanyang mga alagad, at sinabi, “Narito ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50 Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking mga kapatid na lalaki at babae, at ina.”
Footnotes
- Mateo 12:9 Sa Griyego ay siya .
- Mateo 12:22 Sa Griyego ay sa kanya .
- Mateo 12:40 o balyena .
- Mateo 12:46 Sa Griyego ay siya .
- Mateo 12:47 Ang ibang mga kasulatan ay walang talatang 47.
马太福音 12
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
安息日的问题
12 那时,耶稣在安息日经过一片麦田。祂的门徒饿了,便随手搓麦穗吃。 2 法利赛人看见后,对耶稣说:“你看,你的门徒做了在安息日不准做的事!”
3 耶稣回答说:“你们没有读过大卫的事迹吗?当时他和部下饿了, 4 进入上帝的殿,吃了献给上帝的供饼。这饼只有祭司才可以吃,大卫和部下是不准吃的。 5 此外律法书又记载,安息日,祭司在圣殿里触犯了守安息日的规条也不算有罪。你们没有读过吗? 6 我告诉你们,这里有一人比圣殿更伟大, 7 如果你们明白‘我喜爱怜悯之心,而非祭物’这句经文的意义,就不会冤枉无辜了。 8 因为人子是安息日的主。”
9 耶稣离开那里,走进会堂, 10 里面有个人,一只手是萎缩的。法利赛人企图找借口控告耶稣,就问祂:“安息日可不可以医病呢?”
11 耶稣回答说:“如果你们有一只羊在安息日掉进坑里,难道你们不把它拉上来吗? 12 人比羊要贵重多了!所以在安息日行善合情合理。”
13 于是,耶稣转过身来对那人说:“把手伸出来!”那人一伸手,手就复原了,跟另一只手一样健康。 14 法利赛人却走了出去,策划怎样除掉耶稣。
上帝的仆人
15 耶稣知道了,就离开那个地方。很多人跟随祂,耶稣医好了其中所有患病的人, 16 吩咐他们不要泄露祂的身份。 17 这是要应验以赛亚先知的话:
18 “看啊!我所拣选、
所眷爱、所喜悦的仆人,
我要将我的灵赐给祂,
祂要向万邦宣扬正义。
19 祂不争竞,不喧嚷,
街上也听不见祂的声音。
20 压伤的芦苇,祂不折断;
将残的灯火,祂不吹灭;
祂终必使正义得胜。
21 普世都要仰望祂的圣名。”
22 有人带一个被鬼附身、又瞎又哑的人来见耶稣,耶稣便医好他,使他能说能看。 23 众人都很惊奇,就说:“这人会不会是大卫的那个后裔?” 24 法利赛人听见后却说:“祂不过是靠鬼王别西卜赶鬼罢了。”
25 耶稣知道他们的心思,就说:“一个国内部自相纷争,必然灭亡;一座城、一个家内部自相纷争,必然崩溃。 26 若撒旦驱逐撒旦,就是自相纷争,它的国怎能维持呢? 27 若我是靠别西卜赶鬼,你们的子弟又是靠谁赶鬼呢?为此,他们要审判你们。 28 若我是靠上帝的灵赶鬼,就是上帝的国已降临在你们中间了。
29 “人如何进入壮汉家中抢夺他的财物呢?除非先把那壮汉捆绑起来,才有可能抢劫他的家。
30 “不与我为友就是与我为敌;不助我召集就是故意拆散。 31 所以我告诉你们,一切的罪和亵渎的话都可以得到赦免,但亵渎圣灵的罪必得不到赦免。 32 说话得罪人子的,还可以得到赦免;但那些说话冒犯圣灵的,今生永世都得不到赦免。
树与果
33 “好树结好果子,坏树结坏果子,看果子就能知道树的好坏。 34 你们这些毒蛇的后代!你们心里邪恶,又怎能讲出好话呢?因为心里充满的,口里自然会说出来。 35 善人心存良善,就从他里面发出良善;恶人心存邪恶,就从他里面发出邪恶。 36 我告诉你们,在审判之日,人将为自己所说的每一句闲话负责, 37 因为将来要凭你口中的话来判断你是否有罪。”
求神迹
38 当时,有几个律法教师和法利赛人对耶稣说:“老师,我们想要看你行个神迹。” 39 耶稣回答说:“一个邪恶淫乱的世代想看神迹,可是除了约拿先知的神迹以外,再没有神迹给他们看。 40 约拿在大鱼腹中三日三夜,人子也要在地里三日三夜。 41 在审判的日子,尼尼微人和这世代的人都要起来[a],尼尼微人要定这个世代的罪,因为他们听到约拿的宣告,就悔改了。看啊!这里有一人比约拿更伟大。 42 在审判的日子,南方的女王和这世代的人都要起来,她要定这个世代的罪,因为她曾不远千里来听所罗门王的智言慧语。看啊!这里有一人比所罗门王更伟大。
乘虚而入
43 “有一个污鬼离开了它以前所附的人,在干旱无水之地四处游荡,寻找安歇之处,却没有找到。 44 于是它说,‘我要回到老地方。’它回去后,看见里面空着,打扫得又干净又整齐, 45 就去带来了七个比自己更邪恶的鬼一起住在那里。那人的下场比从前更惨了。这个邪恶的世代也会这样。”
真正的亲属
46 耶稣还在和众人说话的时候,祂的母亲和兄弟站在外面,想要跟祂说话。 47 有人告诉祂:“你的母亲和兄弟在外面有话要跟你说。”
48 耶稣说:“谁是我的母亲?谁是我的兄弟?” 49 祂伸出手来指着门徒说:“你们看!这些人就是我的母亲和我的兄弟。 50 凡遵行我天父旨意的人都是我的弟兄、姊妹和母亲。”
Footnotes
- 12:41 “起来”或作“复活”。
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
