Marcos 11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Matagumpay na Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem(A)
11 Nang malapit na sina Jesus sa Jerusalem, tumigil sila sa Bundok ng mga Olibo malapit sa mga nayon ng Betfage at Betania.[a] Pinauna ni Jesus ang dalawa niyang tagasunod. 2 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali, na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito. 3 Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon at ibabalik din agad.” 4 Kaya lumakad ang dalawa, at nakita nga nila ang asno sa tabi ng daan, na nakatali sa pintuan ng isang bahay. Nang kinakalagan na nila ang asno, 5 tinanong sila ng mga taong nakatayo roon, “Hoy! Ano ang ginagawa ninyo riyan? Bakit ninyo kinakalagan ang asno?” 6 Sinabi nila ang ipinapasabi ni Jesus, kaya pinabayaan na sila ng mga tao. 7 Dinala nila ang asno kay Jesus. Sinapinan nila ng kanilang mga balabal ang likod ng asno at sinakyan ito ni Jesus. 8 Maraming tao ang naglatag ng mga balabal nila sa daan, at ang iba naman ay naglatag ng mga sangang pinutol nila sa bukid. 9 Ang mga nauuna kay Jesus at ang mga sumusunod sa kanya ay sumisigaw, “Purihin ang Dios! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon![b] 10 Pagpalain nawa ng Dios ang dumarating na kaharian ng ninuno nating si David. Purihin natin ang Dios!”
11 Pagdating ni Jesus sa Jerusalem, pumunta siya sa templo. Pinagmasdan niyang mabuti ang lahat ng bagay doon. At dahil sa gumagabi na, pumunta siya sa Betania kasama ang kanyang 12 apostol.
Isinumpa ni Jesus ang Puno ng Igos(B)
12 Kinabukasan, nang umalis sila sa Betania pabalik sa Jerusalem, nagutom si Jesus. 13 May nakita siyang isang madahong puno ng igos. Kaya nilapitan niya ito at tiningnan kung may bunga. Pero wala siyang nakita kundi mga dahon, dahil hindi pa panahon ng mga igos noon. 14 Sinabi ni Jesus sa puno, “Mula ngayon, wala nang makakakain ng bunga mo.” Narinig iyon ng mga tagasunod niya.
Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo(C)
15 Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapating inihahandog sa templo. 16 Pinagbawalan niya ang mga taong may paninda na dumaan sa templo. 17 Pagkatapos, pinangaralan niya ang mga tao roon. Sinabi niya, “Hindi baʼt sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa’?[c] Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan.”[d]
18 Nabalitaan ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang ginawa ni Jesus. Kaya humanap sila ng paraan upang mapatay siya. Pero natatakot sila sa kanya dahil hangang-hanga ang mga tao sa kanyang mga turo.
19 Kinagabihan, umalis si Jesus sa Jerusalem kasama ang mga tagasunod niya.
Ang Aral Mula sa Namatay na Puno ng Igos(D)
20 Kinaumagahan, nang pabalik na silang muli sa Jerusalem, nadaanan nila ang puno ng igos at nakita nilang tuyong-tuyo na ito hanggang sa ugat. 21 Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, “Guro, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!” 22 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumampalataya kayo sa Dios! 23 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ At kung hindi kayo nag-aalinlangan kundi nananampalatayang mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo. 24 Kaya tandaan ninyo: anuman ang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo. 25 At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo para ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. 26 [Sapagkat kung ayaw ninyong magpatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit.]”
Ang Tanong tungkol sa Awtoridad ni Jesus(E)
27 Pagdating nila sa Jerusalem, bumalik si Jesus sa templo. At habang naglalakad siya roon, lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at mga pinuno ng mga Judio. 28 Tinanong nila si Jesus, “Ano ang awtoridad mo na gumawa ng mga bagay na ito?[e] Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?” 29 Sinagot sila ni Jesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito. 30 Kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Dios[f] o sa tao? Sagutin ninyo ako!” 31 Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Dios, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’ 32 Pero kung sasabihin nating mula sa tao, magagalit sa atin ang mga tao.” (Takot sila sa mga tao dahil naniniwala ang mga tao na si Juan ay propeta ng Dios.) 33 Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”
Footnotes
馬 可 福 音 11
Chinese New Testament: Easy-to-Read Version
进入耶路撒冷
11 耶稣和门徒们离耶路撒冷越来越近了,他们到了橄榄山 [a]附近的伯法其和伯大尼,耶稣派出两个门徒, 2 对他们说∶“你们到前边的那个村子里去。一进村,你们就会看见一匹驴驹拴在那里,它从未被人骑过。你们解开缰绳,把它牵到我这里来。 3 如果有人问你们为什么牵驴,你们就说∶‘主人要用它,但他会很快把它送回来的。’”
4 于是,那两个门徒就去了。他们果然看见一头驴驹拴在街上的一座房门附近,就过去解缰绳。 5 旁边有人问道∶“你们解开驴驹做什么?” 6 他们就照耶稣的话回答了他们,那些人就让他们牵走了驴驹。 7 他们把驴驹牵到耶稣面前,把自己的衣服垫在驴背上,让耶稣骑在上面。 8 许多人把衣服铺在路上,还有人从田间砍来树枝铺到路上。 9 他们前呼后拥地喊着:
10 祝福即将来临的我们祖先大卫的王国吧,
和撒那,高居天之巅的上帝!”
11 耶稣来到耶路撒冷,走进大殿院,把里边的一切看了个遍。因为天色已晚,耶稣和十二使徒出城到了伯大尼。
耶稣诅咒无花果树
12 第二天,当他们离开伯大尼时,耶稣觉得很饿。 13 这时他远远看见一棵枝繁叶茂的无花果树,就走过去想看看树上有没有果实。他来到树下,却发现树上只有叶子,因为现在还不到结果的季节。 14 耶稣对树说∶“从今以后再不会有人吃到你的果实了。”他的门徒们都听见了这话。
耶稣去大殿
15 耶稣他们来到了耶路撒冷。当他们走进大殿院之后,耶稣开始撵走了在那里做买卖的人,推倒了兑换钱币的人的桌子,掀翻卖鸽子人的凳子。 16 他不许任何人拿着东西穿过大殿院。 17 然后耶稣开始教导人们说∶“《经》上不是写着∶‘我的大殿将被称作万国祷告的大殿’ [c]吗?可是你们却把它变成贼窝了。 [d]”
18 那些祭司长和律法师们听说了这些事,都开始寻找杀害耶稣的办法。因为众人都惊叹耶稣的教导,所以这些人又害怕他。 19 那天夜里,耶稣和门徒们离开了耶路撒冷。
信仰的力量
20 第二天早晨,耶稣和门徒们又上路了。他们看见那棵无花果树已经连根枯萎了。 21 彼得想起昨天的事,对耶稣说∶“拉比(老师),您瞧,昨天您诅咒过的那棵树已经枯萎了。”
22 耶稣回答说∶“信仰上帝吧! 23 我实话告诉你们,一个人对这座山说∶‘起来,投到海里去。’当他说这话时,只要心中没有疑虑,相信自己的话一定会实现,上帝就会为你们成全此事。 24 所以我告诉你们:在祷告中请求,只要相信你们已经得到它,那么它就会属于你们。 25 当你们祈祷的时候,如果想起和某人为某事有气,就宽恕他吧。你们在天之父也会宽恕你们的罪过。” 26 [e]
犹太人首领怀疑耶稣的权威
27 耶稣和门徒们又来到了耶路撒冷。当耶稣在大殿院里行走时,祭司长、律法师和年长的犹太首领走过来 28 对他说∶“你凭什么权力做这些事情呢?谁给了你这种权力的呢?”
29 耶稣说;“我问你们一个问题,如果你们回答了我,我就告诉你们我凭什么权力做这些事情。 30 告诉我,约翰所施的洗礼 [f]是来自天上还是来自人间呢?”
31 他们彼此议论说∶“如果咱们说‘来自天上,’他就会说‘那么你们为什么不相信他呢?’ 32 但是,如果咱们说‘来自人间,’那么众人会愤怒的。”(这些人都害怕大众,因为人们都相信约翰是先知。)
33 于是他们回答说∶“我们不知道。”
这时耶稣对他们说∶“那我也不会告诉你们我凭什么权力做这些事。”
Footnotes
- 馬 可 福 音 11:1 橄榄山: 位于耶路撒冷附近的一座山。
- 馬 可 福 音 11:9 和撒那: 赞美,希伯来语用在请求上帝帮助的祈祷中。此时也许是用于赞美上帝或他的弥赛亚的欢乐的高呼。
- 馬 可 福 音 11:17 参见旧约《以赛亚书》56:7。
- 馬 可 福 音 11:17 引自《耶利米书》7:11。
- 馬 可 福 音 11:26 一些早期希腊版本增有第26节:但是如果你们不宽恕别人,那么你们在天之父也不会宽恕你们的罪。
- 馬 可 福 音 11:30 洗礼: 或浸礼,希腊文意思是把人或东西暂短地浸在或没入水中。
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center