Add parallel Print Page Options

Nagpakasal si Boaz kay Ruth

Pumunta si Boaz sa pintuang bayan[a] at naupo roon. Nang dumaan ang sinasabi niyang mas malapit na kamag-anak ni Elimelec, sinabi ni Boaz sa kanya, “Kaibigan, halikaʼt maupo ka.” Lumapit naman ang lalaki at naupo. At tinipon ni Boaz ang sampung mga tagapamahala ng bayan at pinaupo rin doon. At nang nakaupo na sila, sinabi ni Boaz sa kamag-anak niya, “Bumalik na si Naomi mula sa Moab, at gusto niyang ipagbili ang lupa ng kamag-anak nating si Elimelec. Naisip kong ipaalam ito sa iyo. Kaya kung gusto mo, bilhin mo ito sa harapan ng mga tagapamahala ng mga kababayan ko at ng iba pang mga nakaupo rito. Pero kung ayaw mo, sabihin mo at nang malaman ko. Kung tutuusin, ikaw ang may tungkuling tumubos nito, at pangalawa lang ako.” Sumagot ang lalaki, “Sige, tutubusin ko.” Pero sinabi ni Boaz, “Sa araw na tubusin mo ang lupa kay Naomi, kailangang pakasalan mo si Ruth, ang Moabitang biyuda,[b] para kapag nagkaanak kayo, mananatili ang lupa sa pamilya ng kamag-anak nating namatay.”[c]

Nang marinig ito ng lalaki, sinabi niya, “Kung ganoon, hindi ko na tutubusin ang lupa dahil baka magkaproblema pa ako sa sarili kong lupa dahil pati ang magiging anak namin ni Ruth ay may bahagi na sa lupa ko. Ikaw na lang ang tumubos, hindi ko kasi magagawa iyan.”

Nang panahong iyon sa Israel, para matiyak ang pagtubos ng lupa o ang paglilipat ng karapatan sa pagtubos ng lupa, hinuhubad ng isa ang sandalyas niya at ibinibigay sa isa. Ganito ang ginagawa noon sa Israel bilang katibayan ng kanilang transaksyon.

Kaya nang sabihin ng lalaki kay Boaz, “Ikaw na lang ang tumubos ng lupa,” hinubad agad niya ang kanyang sandalyas at ibinigay kay Boaz.[d] Sinabi ni Boaz sa mga tagapamahala ng bayan at sa lahat ng tao roon, “Mga saksi kayo ngayong araw na bibilhin ko na kay Naomi ang lahat ng lupain ni Elimelec, na minana nina Kilion at Mahlon. 10 At bukod pa rito, pakakasalan ko si Ruth na Moabita, na biyuda ni Mahlon, para kapag nagkaanak kami, mananatili ang lupain ni Mahlon sa kanyang pamilya,[e] at hindi mawawala ang lahi niya sa kanyang mga kababayan. Saksi nga kayo sa araw na ito!”

11 Sumagot ang mga tagapamahala ng bayan at ang lahat ng tao roon sa pintuan, “Oo, mga saksi nga kami. Nawaʼy ang magiging asawa mo ay gawin ng Panginoon na katulad nina Raquel at Lea na nagkaanak ng mga naging mamamayan ng Israel. Nawaʼy maging mayaman ka sa Efrata at maging tanyag sa Betlehem. 12 Nawaʼy magpatanyag sa pamilya mo ang mga anak na ibibigay sa iyo ng Panginoon sa iyo sa pamamagitan ng babaeng iyon ay magpatanyag sa pamilya mo katulad ng pamilya ni Perez, ang anak ni Juda kay Tamar.”

Ang mga Ninuno ni David

13 Kaya nagpakasal si Boaz kay Ruth, at niloob ng Panginoon na magdalantao si Ruth at manganak ng isang lalaki. 14 Sinabi ng mga kababaihan kay Naomi, “Purihin ang Panginoon! Binigyan ka niya ngayon ng apo na mag-aaruga sa iyo. Nawaʼy maging tanyag siya sa Israel! 15 Palalakasin at aalagaan ka niya kapag matanda ka na, dahil anak siya ng manugang mo na nagmamahal sa iyo ng higit pa sa pagmamahal ng pitong anak na lalaki.”

16 Palaging kinukuha ni Naomi ang bata at kinakalong. At siya ang nagbabantay nito. 17 Sinabi ng mga babaeng kapitbahay ni Naomi, “May apong lalaki na si Naomi!” Pinangalanan nila ang bata na Obed. At nang malaki na si Obed, nagkaanak siya na Jesse ang pangalan. At si Jesse ang naging ama ni David.

18 Ito ang mga angkan ni Perez hanggang kay David:

Si Perez ang ama ni Hezron, 19 si Hezron ang ama ni Ram, si Ram ang ama ni Aminadab, 20 si Aminadab ang ama ni Nashon, si Nashon ang ama ni Salmon, 21 si Salmon ang ama ni Boaz, si Boaz ang ama ni Obed, 22 si Obed ang ama ni Jesse, at si Jesse ang ama ni David.

Footnotes

  1. 4:1 pintuang bayan: Dito ginaganap ang pagtitipon ng mga tao kung may mga bagay sila na kailangang ayusin.
  2. 4:5 Sa araw … biyuda: Ganito ito sa ibang teksto, pero sa Hebreo, Sa araw na bibilhin mo ang lupa kay Naomi at kay Ruth na Moabita, kinakailangang kunin (sa literal, bilhin) mo bilang asawa ang biyuda.
  3. 4:5 Kapag nagkaanak ang lalaki kay Ruth, ang anak niya ay ituturing na anak ni Mahlon, ang unang asawa ni Ruth na namatay. Si Ruth at ang anak niya ang magmamay-ari ng lupa at hindi ang taong nagpakasal sa kanya. Sa ganitong paraan mananatili ang lupa sa pamilya ni Mahlon.
  4. 4:8 at ibinigay kay Boaz: Ito ang nasa Septuagint, pero wala sa Hebreo.
  5. 4:10 Tingnan ang “footnote” sa 4:5.

At that same time, Boaz went to the city gate and he sat down. Just then, the kinsman-redeemer of the family he had told Ruth about walked by.

Normally the city gate is where the business of the city is conducted.

Boaz: My friend, come and sit down with me for awhile. We have some business.

So the man came and sat down beside Boaz. Before he spoke further to the man, he gathered together 10 elders from the city and asked them to preside there, which they did.

Boaz (to the kinsman-redeemer): You have heard of Naomi? She is the woman who recently returned from Moab. She is transferring her rights to the plot of land belonging to her deceased husband—our relative—Elimelech. I wanted you to know about it because as a close family member, you have the first right to purchase it. If you want to do so, we have enough elders sitting here to witness the transaction. If you want to become the guardian and redeem this land, it is yours. But if you[a] are not interested in doing this, tell me now. The right belongs to you, but if you refuse it, I am next in line.

Kinsman-Redeemer: Of course, I exercise my option to redeem this land.

Boaz: Now, just so you know, on the day you buy this plot of land [from Naomi, you will also acquire Ruth the Moabitess; she is][b] the dead man’s widow. It will be your responsibility to make sure she has children so that they can carry on her dead husband’s name with the inheritance.

Kinsman-Redeemer: Then I will not be able to redeem it. I will not put my own property at risk. I relinquish my right to redeem the land. You do it.

Now in the old days of Israel when this story was playing out, land was redeemed and property was transferred legally when a man involved in the sale removed one of his sandals and gave it to the other. This was how contracts were sealed in Israel. So the kinsman-redeemer took off his sandal and handed it to Boaz.

Kinsman-Redeemer: It’s now your responsibility.

Boaz (to the elders and all the people): Every one of you have witnessed what happened here today. I secured the rights to everything that belonged to Elimelech and his sons, Mahlon and Chilion, from Naomi. 10 I have also taken responsibility for Ruth—the woman from Moab who was married to Mahlon. She will become my wife. I will see to it that his family and this city remember Mahlon. I will raise children who will bear his name and make sure his property stays in the family. You are all witnesses to this today.

Elders and People: 11 We are witnesses of what has happened here today. May the Eternal take this woman who is becoming a part of your family today and make her like Rachel and Leah, the two women responsible for building the nation of Israel with their children. And may your reputation become well known and well respected throughout Ephrathah and Bethlehem. 12 May the children the Eternal gives you and this woman make your family like the family of Perez, who was born from a Levirate union between Judah and Tamar.[c]

13 Then Boaz took responsibility of Ruth, and they married. After they came together, Ruth conceived by the Eternal’s provision, and later she gave birth to a son.

Women (to Naomi): 14 Praise the Eternal One. He has not abandoned you. He did not leave you without a redeeming guardian. May your offspring become famous all through Israel. 15 May this child give you a new life. May he strengthen you and provide for you in your old age. Look at your daughter-in-law, Ruth. She loves you. This one devoted daughter is better to you than seven sons would be. She is the one who gave you this child.

16 Then Naomi held the child tightly in her arms and cared for him. 17 All around her, friends cried out, “Naomi has a son!” They named the child Obed because he would provide for his grandmother. Obed grew up and became the father of Jesse. Jesse, too, became a father one day, the father of David.

18 Here is the genealogy of Perez’s family: Perez was Hezron’s father. 19 Hezron was Ram’s father. Ram was Amminadab’s father. 20 Amminadab was Nahshon’s father. Nahshon was Salmon’s[d] father. 21 Salmon was Boaz’s father. Boaz was Obed’s father. 22 Obed was Jesse’s father. And Jesse was the father of David.

Footnotes

  1. 4:4 Most Hebrew manuscripts read, “he.”
  2. 4:5 Hebrew manuscripts read, “from Naomi and Ruth the Moabitess, you will acquire.”
  3. 4:12 Genesis 38
  4. 4:20 Most Hebrew manuscripts read, “Salma.”