Lucas 1
Ang Salita ng Diyos
Panimulang Salita
1 Marami ang nagsagawa ng pagsusulat ng isang salaysay patungkol sa mga bagay na lubos na pinaniwalaan sa atin.
2 Ito ang mga ibinigay sa atin ng mga saksing nakakita at mga lingkod ng Salita buhat pa sa pasimula. 3 Kagalang-galang na Teofilo, ako ay may wastong kaalaman sa lahat ng mga bagay dahil ito ay maingat kong binantayan mula pa nang una. Dahil dito, minabuti kong sumulat sa iyo nang maayos. 4 Isinulat ko ito upang malaman mo ang katiyakan ng mga bagay na itinuro sa iyo.
Ipinahayag ng Anghel ang Kapanganakan ni Juan na Tagapagbawtismo
5 Sa mga araw ni Herodes, ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang pangalan ay Zacarias. Kasama siya sa pangkat ni Abias. Ang kaniyang asawa ay isa sa mga anak na babaeng mula sa angkan ni Aaron na nagngangalang Elisabet.
6 Sila ay kapwa matuwid sa harapan ng Diyos. Namumuhay silang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga tuntunin ng Panginoon. 7 Wala silang anak sapagkat si Elisabet ay baog at sila ay kapwa matanda na.
8 Dumating ang panahon upang ganapin ni Zacarias ang paglilingkod bilang saserdote sa harapan ng Diyos ayon sa kaugalian ng kaniyang pangkat. 9 Ayon sa kaugalian ng paglilingkod bilang saserdote, nakamit niya sa palabunutan ang magsunog ng kamangyan nang siya ay pumasok sa banal na dako ng Diyos. 10 Ang buong karamihan ng mga tao ay nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng kamangyan.
11 At isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan. 12 Pagkakita ni Zacarias sa anghel, siya ay naguluhan at natakot. 13 Sinabi ng anghel sa kaniya: Huwag kang matakot, Zacarias, sapagkat ang iyong daing ay dininig na. Ang iyong asawang si Elisabet ay manganganak ng isang lalaki. Ang ipapangalan mo sa kaniya ay Juan. 14 Siya ay magiging kaligayahan at kagalakan sa iyo at marami ang magagalak sa kaniyang kapanganakan. 15 Ito ay sapagkat siya ay magiging dakila sa harapan ng Panginoon. Kailanman ay hindi siya iinom ngalak at ng matapang na inumin. Siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula pa sa bahay-bata ng kaniyang ina. 16 Marami sa mga anak ni Israel ang papapanumbalikin niya sa Panginoon na kanilang Diyos. 17 Siya ay yayaon sa harapan ng Panginoon sa espiritu at kapangyarihan ni Elias upang ibalik ang mga puso ng mga ama sa mga anak. Gayundin, upang ang suwail ay ibalik sa karunungan ng matuwid at upang maghanda siya ng mga taong inilaan para sa Panginoon.
18 Sinabi ni Zacarias sa anghel: Papaano ko ito malalaman? Ito ay sapagkat ako ay lalaking matanda na at ang aking asawa ay matanda na rin.
19 Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Ako ay si Gabriel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang makipag-usap sa iyo at ipahayag sa iyo ang mabuting balitang ito. 20 Narito, mapipipi ka at hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito. Ito ay sapagkat hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na ang mga ito ay matutupad sa kanilang tamang panahon.
21 At ang mga tao ay naghihintay kay Zacarias. Namamangha sila sa kaniyang pagtatagal sa loob ng banal na dako. 22 Nang lumabas siya, hindi siya makapagsalita sa kanila. Napag-isip-isip nila na siya ay nakakita ng pangitain sa banal na dako sapagkat siya ay nakipag-usap sa kanila sa pamamagitan ng mga senyas at siya ay nanatiling pipi.
23 Pagkatapos na maganap ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, umuwi siya sa kaniyang bahay. 24 Pagkalipas ng mga araw na iyon, ang kaniyang asawang si Elisabet ay naglihi. Siya ay nagtago ng limang buwan. 25 Kaniyang sinabi: Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw na ako ay kaniyang isinaalang-alang upang alisin ang aking kahihiyan sa mga tao.
Ang Kapanganakan ni Jesus
26 Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea.
27 Isinugo siya sa isang dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose. Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay Maria. 28 Paglapit ng anghel ay sinabi sa kaniya: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan.
29 Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa kaniyang salita at pinag-isipan niya kung ano kayang uri ng bati ito. 30 Sinabi ng anghel sa kaniya: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. 31 Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. 32 Siya ay magiging dakila at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni Davidna kaniyang ninuno. 33 Siya ay maghahari sa tahanan niJacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.
34 Sinabi ni Maria sa anghel: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki?
35 Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos. 36 Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kaniyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. 37 Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.
38 Sinabi ni Maria: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.
Dumalaw si Maria kay Elisabet
39 Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagmamadaling pumunta sa lupaing maburol sa lungsod ng Juda.
40 Pumasok siya sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. 41 At nangyari, nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, ang sanggol sa kaniyang sinapupunan ay napalundag. At si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu. 42 Sa isang malakas na tinig, siya ay sumigaw na sinasabi: Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. Kapuri-puri ang bunga ng iyong sinapupunan. 43 Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay pumunta sa akin? 44 Narito, sa pagdinig ko ng iyong tinig ng pagbati, ang sanggol sa aking sinapupunan ay napalundag sa kagalakan. 45 Ikaw na sumampalataya ay lubos na pinagpala sapagkat magkakaroon ng kaganapan ang mga bagay na sinabi sa iyo ng Panginoon.
Ang Awit ni Maria
46 Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon.
47 Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. 48 Ito ay sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng kaniyang aliping babae at mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi. 49 Ito ay sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa akin ng mgadakilang bagay at Banal ang kaniyang pangalan. 50 Ang kaniyang kahabagan ay sa lahat ng saling lahi, sa kanila na may pagkatakot sa kaniya. 51 Nagpakita siya ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang mga bisig. Ikinalat niya ang mapagmataas sa haka ng kanilang mga puso. 52 Ibinaba niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga mabababang-loob. 53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom. Ang mgamayaman ay pinaalis niyang walang dala. 54 Tinulungan niya si Israel na kaniyang lingkod bilang ala-ala ng kaniyang kahabagan. 55 Ginawa niya ito ayon sa sinabi niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang lahi magpakailanman.
56 Si Maria ay nanatiling kasama ni Elisabet ng halos tatlong buwan at pagkatapos nito, umuwi siya sa sarili niyang bahay.
Isinilang si Juan na Tagapagbawtismo
57 Dumating na ang panahon ng panganganak ni Elisabet at siya ay nagsilang ng isang lalaki.
58 Narinig ng mga kapitbahay at ng kaniyang mga kamag-anak na dinadagdagan ng Panginoon ang habag niya sa kaniya. At sila ay nakigalak sa kaniya.
59 Nangyari, nang ika-walong araw, sila ay dumating upang tuliin ang sanggol. At siya ay tinatawag nilang Zacarias alinsunod sa pangalan ng kaniyang ama. 60 Ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi: Hindi. Siya ay tatawaging Juan.
61 Sinabi nila sa kaniya: Wala kang kamag-anak na tinawag saganiyang pangalan.
62 Sila ay sumenyas sa ama ng sanggol kung ano ang nais niyang itawag sa kaniya. 63 Pagkahingi niya ng isang masusulatan, sumulat siya nasinasabi: Juan ang kaniyang pangalan. At silang lahat ay namangha.
64 At kaagad nabuksan ang kaniyang bibig at nakalag ang kaniyang dila at siya ay nagsalita na nagpupuri sa Diyos. 65 Natakot ang lahat ng mga naninirahansa kanilang paligid. At ang lahat ng mga bagay na ito ay pinag-usap-usapan sa buong lupain sa burol ng Judea. 66 Isinapuso ng mga nakarinig ang mga bagay na ito. Kanilang sinasabi: Magiging ano kaya ang batang ito? At ang kamay ng Panginoon ay sumakaniya.
Ang Awit ni Zacarias
67 Si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Banal na Espiritu. Nagsalita siyang tulad ng propeta.
68 Sinabi niya: Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel sapagkat dumating siya at tinubos ang kaniyang mga tao. 69 Siya ay nagbangon ng isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ni David na kaniyang lingkod. 70 Ito ay ayon sa kaniyang sinabi sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang pasimula. 71 Kaniyang sinabi na tayo ay ililigtas mula sa ating mga kaaway. Gayundin, mula sa kamay ng lahat ng mga napopoot sa atin. 72 Ito ay upang tuparin ang kaniyang kahabagan sa ating mga magulang at alalahanin ang kaniyang banal na tipan. 73 Ito ang panunumpa na kaniyang sinumpaan sa ating amang si Abraham na ibibigay sa atin. 74 Ginawa niya ito upang tayo ay maglingkod sa kaniya nang walang takot, pagkatapos niya tayong iligtas mula sa kamay ng ating mga kaaway. 75 Tayo ay maglilingkod sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya habang tayo ay nabubuhay. 76 Ikaw, maliit na bata, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan sapagkat yayaon ka sa harapan ng Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daan. 77 Ikaw ay yayaon upang magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao, para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. 78 Ito ay sa pamamagitan ng taos-pusong kahabagan ng ating Diyos, kung saan ang bukang-liwayway mula sa kataasan ay dumating sa atin. 79 Ito ay upang magliwanag sa mga nakaupo sa kadiliman at sa anino ng kamatayan at upang patnubayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.
80 At ang bata ay lumaki at pinalakas sa espiritu. At siya ay nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.
Luke 1
King James Version
1 Forasmuch as many have taken in hand to set forth in order a declaration of those things which are most surely believed among us,
2 Even as they delivered them unto us, which from the beginning were eyewitnesses, and ministers of the word;
3 It seemed good to me also, having had perfect understanding of all things from the very first, to write unto thee in order, most excellent Theophilus,
4 That thou mightest know the certainty of those things, wherein thou hast been instructed.
5 There was in the days of Herod, the king of Judaea, a certain priest named Zacharias, of the course of Abia: and his wife was of the daughters of Aaron, and her name was Elisabeth.
6 And they were both righteous before God, walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.
7 And they had no child, because that Elisabeth was barren, and they both were now well stricken in years.
8 And it came to pass, that while he executed the priest's office before God in the order of his course,
9 According to the custom of the priest's office, his lot was to burn incense when he went into the temple of the Lord.
10 And the whole multitude of the people were praying without at the time of incense.
11 And there appeared unto him an angel of the Lord standing on the right side of the altar of incense.
12 And when Zacharias saw him, he was troubled, and fear fell upon him.
13 But the angel said unto him, Fear not, Zacharias: for thy prayer is heard; and thy wife Elisabeth shall bear thee a son, and thou shalt call his name John.
14 And thou shalt have joy and gladness; and many shall rejoice at his birth.
15 For he shall be great in the sight of the Lord, and shall drink neither wine nor strong drink; and he shall be filled with the Holy Ghost, even from his mother's womb.
16 And many of the children of Israel shall he turn to the Lord their God.
17 And he shall go before him in the spirit and power of Elias, to turn the hearts of the fathers to the children, and the disobedient to the wisdom of the just; to make ready a people prepared for the Lord.
18 And Zacharias said unto the angel, Whereby shall I know this? for I am an old man, and my wife well stricken in years.
19 And the angel answering said unto him, I am Gabriel, that stand in the presence of God; and am sent to speak unto thee, and to shew thee these glad tidings.
20 And, behold, thou shalt be dumb, and not able to speak, until the day that these things shall be performed, because thou believest not my words, which shall be fulfilled in their season.
21 And the people waited for Zacharias, and marvelled that he tarried so long in the temple.
22 And when he came out, he could not speak unto them: and they perceived that he had seen a vision in the temple: for he beckoned unto them, and remained speechless.
23 And it came to pass, that, as soon as the days of his ministration were accomplished, he departed to his own house.
24 And after those days his wife Elisabeth conceived, and hid herself five months, saying,
25 Thus hath the Lord dealt with me in the days wherein he looked on me, to take away my reproach among men.
26 And in the sixth month the angel Gabriel was sent from God unto a city of Galilee, named Nazareth,
27 To a virgin espoused to a man whose name was Joseph, of the house of David; and the virgin's name was Mary.
28 And the angel came in unto her, and said, Hail, thou that art highly favoured, the Lord is with thee: blessed art thou among women.
29 And when she saw him, she was troubled at his saying, and cast in her mind what manner of salutation this should be.
30 And the angel said unto her, Fear not, Mary: for thou hast found favour with God.
31 And, behold, thou shalt conceive in thy womb, and bring forth a son, and shalt call his name Jesus.
32 He shall be great, and shall be called the Son of the Highest: and the Lord God shall give unto him the throne of his father David:
33 And he shall reign over the house of Jacob for ever; and of his kingdom there shall be no end.
34 Then said Mary unto the angel, How shall this be, seeing I know not a man?
35 And the angel answered and said unto her, The Holy Ghost shall come upon thee, and the power of the Highest shall overshadow thee: therefore also that holy thing which shall be born of thee shall be called the Son of God.
36 And, behold, thy cousin Elisabeth, she hath also conceived a son in her old age: and this is the sixth month with her, who was called barren.
37 For with God nothing shall be impossible.
38 And Mary said, Behold the handmaid of the Lord; be it unto me according to thy word. And the angel departed from her.
39 And Mary arose in those days, and went into the hill country with haste, into a city of Juda;
40 And entered into the house of Zacharias, and saluted Elisabeth.
41 And it came to pass, that, when Elisabeth heard the salutation of Mary, the babe leaped in her womb; and Elisabeth was filled with the Holy Ghost:
42 And she spake out with a loud voice, and said, Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb.
43 And whence is this to me, that the mother of my Lord should come to me?
44 For, lo, as soon as the voice of thy salutation sounded in mine ears, the babe leaped in my womb for joy.
45 And blessed is she that believed: for there shall be a performance of those things which were told her from the Lord.
46 And Mary said, My soul doth magnify the Lord,
47 And my spirit hath rejoiced in God my Saviour.
48 For he hath regarded the low estate of his handmaiden: for, behold, from henceforth all generations shall call me blessed.
49 For he that is mighty hath done to me great things; and holy is his name.
50 And his mercy is on them that fear him from generation to generation.
51 He hath shewed strength with his arm; he hath scattered the proud in the imagination of their hearts.
52 He hath put down the mighty from their seats, and exalted them of low degree.
53 He hath filled the hungry with good things; and the rich he hath sent empty away.
54 He hath helped his servant Israel, in remembrance of his mercy;
55 As he spake to our fathers, to Abraham, and to his seed for ever.
56 And Mary abode with her about three months, and returned to her own house.
57 Now Elisabeth's full time came that she should be delivered; and she brought forth a son.
58 And her neighbours and her cousins heard how the Lord had shewed great mercy upon her; and they rejoiced with her.
59 And it came to pass, that on the eighth day they came to circumcise the child; and they called him Zacharias, after the name of his father.
60 And his mother answered and said, Not so; but he shall be called John.
61 And they said unto her, There is none of thy kindred that is called by this name.
62 And they made signs to his father, how he would have him called.
63 And he asked for a writing table, and wrote, saying, His name is John. And they marvelled all.
64 And his mouth was opened immediately, and his tongue loosed, and he spake, and praised God.
65 And fear came on all that dwelt round about them: and all these sayings were noised abroad throughout all the hill country of Judaea.
66 And all they that heard them laid them up in their hearts, saying, What manner of child shall this be! And the hand of the Lord was with him.
67 And his father Zacharias was filled with the Holy Ghost, and prophesied, saying,
68 Blessed be the Lord God of Israel; for he hath visited and redeemed his people,
69 And hath raised up an horn of salvation for us in the house of his servant David;
70 As he spake by the mouth of his holy prophets, which have been since the world began:
71 That we should be saved from our enemies, and from the hand of all that hate us;
72 To perform the mercy promised to our fathers, and to remember his holy covenant;
73 The oath which he sware to our father Abraham,
74 That he would grant unto us, that we being delivered out of the hand of our enemies might serve him without fear,
75 In holiness and righteousness before him, all the days of our life.
76 And thou, child, shalt be called the prophet of the Highest: for thou shalt go before the face of the Lord to prepare his ways;
77 To give knowledge of salvation unto his people by the remission of their sins,
78 Through the tender mercy of our God; whereby the dayspring from on high hath visited us,
79 To give light to them that sit in darkness and in the shadow of death, to guide our feet into the way of peace.
80 And the child grew, and waxed strong in spirit, and was in the deserts till the day of his shewing unto Israel.
Copyright © 1998 by Bibles International