我是为了传扬基督耶稣而被囚禁的保罗,与提摩太弟兄写信给我们亲爱的同工腓利门弟兄、 亚腓亚姊妹和我们的战友亚基布,以及在腓利门家里聚会的弟兄姊妹。

愿我们的父上帝和主耶稣基督赐给你们恩典和平安!

称赞腓利门

腓利门弟兄,我常常在祷告中为你感谢上帝, 因为我听说了你对主耶稣的信心和对众圣徒的爱心。 我求上帝使你能有效地与人分享信仰,明白我们所做的一切美事都是为了基督。 弟兄啊,你的爱心给我带来极大的喜乐和安慰,因为你使众圣徒感到欣慰。

凭爱心求情

因此,我尽管可以奉基督的名吩咐你去做当做的事, 然而我这上了年纪又为基督耶稣的缘故被囚禁的保罗宁愿凭爱心求你, 10 就是替阿尼西谋[a]求你。他是我在狱中带领归主的属灵儿子, 11 他过去对你没有什么益处,但现在对你对我都有益处。

12 我现在派我深爱的阿尼西谋回你那里。 13 我本想把他留在身边,让他在我为传福音而坐牢期间代替你服侍我。 14 不过,未经你同意,我不愿意这样做,因为我盼望你的善行是出于甘心,而非勉强。 15 或许他暂时离开你是为了让你以后永远得到他。 16 你得到的不再是一个奴隶,而是一位远超过奴隶的亲爱弟兄。对我而言,的确如此,更何况对你呢!就肉身说你们是主仆,但在主里你们是弟兄。

17 如果你当我是同伴,就请你像接纳我一样接纳他。 18 如果他得罪你,或亏欠你什么,都记在我的账上吧。 19 我保罗在此亲笔保证,我必偿还。其实我不说你也知道,连你自己也欠我。

20 弟兄啊,看在主的份上,请你答应我的请求,在基督里让我的心得到安慰吧! 21 我写信给你,深信你一定会照办,甚至超过我的要求。 22 同时,也请你为我预备住处,因为我盼望借着你们的祷告,我可以蒙恩到你们那里。

问候

23 为了基督耶稣的缘故和我一同坐牢的以巴弗问候你。 24 此外,我的同工马可、亚里达古、底马和路加都问候你。

25 愿我们主耶稣基督的恩典与你们同在。阿们!

Footnotes

  1. 1:10 阿尼西谋”这个名字意思是有用、有益处。

Pagbati

Si Pablo, bilanggo ni Cristo Jesus, at si kapatid na Timoteo,

Kay Filemon na aming minamahal na kaibigan at kamanggagawa,

at(A) kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapwa namin kawal, at sa iglesya na nasa iyong bahay:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Pag-ibig at Pananampalataya ni Filemon

Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos kapag naaalala kita sa aking mga panalangin,

sapagkat nabalitaan ko ang iyong pag-ibig para sa lahat ng mga banal at ang pananampalataya mo sa Panginoong Jesus.

Idinadalangin ko na ang pamamahagi ng iyong pananampalataya ay maging mabisa kapag nalaman mo ang bawat mabuting bagay na maaari nating gawin para kay Cristo.

Sapagkat ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pag-ibig, sapagkat ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid ko.

Ang Pakiusap ni Pablo Alang-alang kay Onesimo

Dahil dito, bagama't kay Cristo ay mayroon akong sapat na lakas ng loob upang utusan kitang gawin ang kinakailangan,

gayunma'y alang-alang sa pag-ibig ay nanaisin ko pang makiusap sa iyo—akong si Pablo ay matanda na, at ngayon ay isa ring bilanggo ni Cristo Jesus.

10 Ako'y(B) nakikiusap sa iyo para sa aking anak na si Onesimo na ako'y naging kanyang ama nang ako'y nasa bilangguan.

11 Noon ay wala kang pakinabang sa kanya, ngunit ngayon ay kapaki-pakinabang siya sa iyo at sa akin.

12 Siya'y aking pinababalik sa iyo, na kasama ang aking sariling puso.

13 Nais kong manatili siyang kasama ko upang siya'y makatulong sa akin bilang kapalit mo sa panahon ng aking pagiging bilanggo para sa ebanghelyo.

14 Ngunit ayaw kong gumawa ng anuman na wala kang pahintulot upang ang iyong kabutihang-loob ay hindi maging sapilitan kundi ayon sa sarili mong kalooban.

15 Marahil ito ang dahilan kung bakit nahiwalay siya sa iyo nang ilang panahon, upang siya'y mapasaiyo magpakailanman;

16 hindi na bilang alipin, kundi higit sa alipin, isang kapatid na minamahal, lalung-lalo na sa akin, at gaano pa kaya sa iyo, maging sa laman at gayundin sa Panginoon.

17 Kaya't kung ako ay itinuturing mong kasama, tanggapin mo siya na parang ako.

18 Ngunit kung siya'y nagkasala sa iyo ng anuman, o may anumang utang sa iyo, ay ibilang mong utang ko na rin.

19 Akong si Pablo ay sumusulat nito sa pamamagitan ng aking sariling kamay: Ako ang magbabayad niyon. Hindi ko na ibig banggitin pa na utang mo sa akin pati ang iyong sarili.

20 Oo, kapatid, hayaan mo nang magkaroon ako ng kapakinabangan na ito mula sa iyo sa Panginoon! Sariwain mo ang aking puso kay Cristo.

21 Sinulatan kita na may pagtitiwala sa iyong pagsunod, yamang nalalaman ko na gagawin mo ang higit pa kaysa aking sinasabi.

22 Isa pa, ipaghanda mo na rin ako ng matutuluyan, sapagkat umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay maibabalik ako sa inyo.

Pangwakas na Pagbati

23 Binabati(C) ka ni Epafras na aking kasamang bilanggo kay Cristo Jesus;

24 gayundin(D) nina Marcos, Aristarco, Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.

25 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawang espiritu.[a]

Footnotes

  1. Filemon 1:25 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen .