“‘At that time, declares the Lord, the bones of the kings and officials of Judah, the bones of the priests and prophets, and the bones(A) of the people of Jerusalem will be removed(B) from their graves. They will be exposed to the sun and the moon and all the stars of the heavens, which they have loved and served(C) and which they have followed and consulted and worshiped.(D) They will not be gathered up or buried,(E) but will be like dung lying on the ground.(F) Wherever I banish them,(G) all the survivors of this evil nation will prefer death to life,(H) declares the Lord Almighty.’

Sin and Punishment

“Say to them, ‘This is what the Lord says:

“‘When people fall down, do they not get up?(I)
    When someone turns away,(J) do they not return?
Why then have these people turned away?
    Why does Jerusalem always turn away?
They cling to deceit;(K)
    they refuse to return.(L)
I have listened(M) attentively,
    but they do not say what is right.
None of them repent(N) of their wickedness,
    saying, “What have I done?”
Each pursues their own course(O)
    like a horse charging into battle.
Even the stork in the sky
    knows her appointed seasons,
and the dove, the swift and the thrush
    observe the time of their migration.
But my people do not know(P)
    the requirements of the Lord.

“‘How can you say, “We are wise,
    for we have the law(Q) of the Lord,”
when actually the lying pen of the scribes
    has handled it falsely?
The wise(R) will be put to shame;
    they will be dismayed(S) and trapped.(T)
Since they have rejected the word(U) of the Lord,
    what kind of wisdom(V) do they have?
10 Therefore I will give their wives to other men
    and their fields to new owners.(W)
From the least to the greatest,
    all are greedy for gain;(X)
prophets(Y) and priests alike,
    all practice deceit.(Z)
11 They dress the wound of my people
    as though it were not serious.
“Peace, peace,” they say,
    when there is no peace.(AA)
12 Are they ashamed of their detestable conduct?
    No, they have no shame(AB) at all;
    they do not even know how to blush.
So they will fall among the fallen;
    they will be brought down when they are punished,(AC)
says the Lord.(AD)

13 “‘I will take away their harvest,
declares the Lord.
    There will be no grapes on the vine.(AE)
There will be no figs(AF) on the tree,
    and their leaves will wither.(AG)
What I have given them
    will be taken(AH) from them.[a]’”

14 Why are we sitting here?
    Gather together!
Let us flee to the fortified cities(AI)
    and perish there!
For the Lord our God has doomed us to perish
    and given us poisoned water(AJ) to drink,
    because we have sinned(AK) against him.
15 We hoped for peace(AL)
    but no good has come,
for a time of healing
    but there is only terror.(AM)
16 The snorting of the enemy’s horses(AN)
    is heard from Dan;(AO)
at the neighing of their stallions
    the whole land trembles.(AP)
They have come to devour(AQ)
    the land and everything in it,
    the city and all who live there.

17 “See, I will send venomous snakes(AR) among you,
    vipers that cannot be charmed,(AS)
    and they will bite you,”
declares the Lord.

18 You who are my Comforter[b] in sorrow,
    my heart is faint(AT) within me.
19 Listen to the cry of my people
    from a land far away:(AU)
“Is the Lord not in Zion?
    Is her King(AV) no longer there?”

“Why have they aroused(AW) my anger with their images,
    with their worthless(AX) foreign idols?”(AY)

20 “The harvest is past,
    the summer has ended,
    and we are not saved.”

21 Since my people are crushed,(AZ) I am crushed;
    I mourn,(BA) and horror grips me.
22 Is there no balm in Gilead?(BB)
    Is there no physician(BC) there?
Why then is there no healing(BD)
    for the wound of my people?

Footnotes

  1. Jeremiah 8:13 The meaning of the Hebrew for this sentence is uncertain.
  2. Jeremiah 8:18 The meaning of the Hebrew for this word is uncertain.

“Pagdating ng panahong iyon,” sabi pa ni Yahweh, “ang kalansay ng mga hari at mga pinuno sa Juda, mga pari, mga propeta, at iba pang naninirahan sa Jerusalem, ay aalisin sa kanilang libingan. Ibibilad ang mga ito sa liwanag ng araw, buwan, at mga bituin na kanilang minahal, pinaglingkuran, sinunod, sinangguni, at sinamba. Sa halip na tipunin at ibaon, ang mga kalansay ay parang duming ikakalat sa lupa. Para sa mga nabubuhay pa sa makasalanang lahing ito na nagkalat sa mga lupaing pinagtapunan ko sa kanila, nanaisin pa nila ang mamatay kaysa patuloy na mabuhay. Akong si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang nagsasabi nito.”

Ang Kasalanan at ang Kaparusahan

“Jeremias, akong si Yahweh ang nagsasalita sa aking bayan. Kapag nabuwal ang isang tao, hindi ba muli siyang bumabangon? Kapag naligaw siya ng daan, hindi ba muli siyang magbabalik? Bayan kong hinirang, bakit kayo lumalayo sa akin ngunit hindi naman nagbabalik? Bakit hindi ninyo maiwan ang inyong mga diyus-diyosan, at ayaw ninyong magbalik sa akin? Naghintay ako at nakinig ngunit walang nagsalita ng katotohanan. Ni walang nagsisi sa kanyang kasalanan. Wala man lamang nagtanong, ‘Anong kasalanan ang nagawa ko?’ Bawat isa ay ginawa ang sariling maibigan, gaya ng kabayong patungo sa digmaan. Nalalaman ng ibong palipat-lipat ng tirahan, ng batu-bato, ng langay-langayan at ng tagak, kung kailan sila dapat lumipat at kung kailan dapat magbalik. Ngunit kayo, na aking bayan, hindi ninyo nalalaman ang aking kautusan na dapat ninyong sundin. Paano ninyo nasabing, ‘Kami'y matatalino; nasa amin ang kautusan ni Yahweh’? Ang kautusan ay binago ng mga mandarayang eskriba. Mapapahiya ang kanilang mga matatalino; sila'y malilito at mabibigo. Sapagkat tinanggihan nila ang salita ni Yahweh, anong karunungan ang taglay nila ngayon? 10 Kaya(A) ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawa; ang kanilang bukid ay tatamnan ng ibang tao. Ang lahat, dakila man o abâ, ay gumagamit ng pandaraya upang yumaman. Pati mga propeta at mga pari ay nandaraya. 11 Hindi(B) nila pansin ang kahirapan ng aking bayan. Ang sabi nila, ‘Payapa ang lahat,’ gayong wala namang kapayapaan. 12 Ikinahiya ba nila ang kanilang masasamang gawa? Hindi! Hindi na sila marunong mahiya! Makapal na ang kanilang mukha. Kaya nga, babagsak sila tulad ng iba. Ito na ang kanilang magiging wakas kapag sila'y aking pinarusahan. Ito ang sabi ni Yahweh.

13 “Lilipulin ko na ang aking bayan sapagkat ang katulad nila'y punong ubas na walang bunga, o puno ng igos na walang pakinabang; nalanta na pati mga dahon. Kaya't tatanggapin nila ang bunga ng kanilang ginawa.”

14 “Bakit tayo nakaupo at walang ginagawa?” tanong nila. “Halina kayo, tayo'y magtago sa mga lunsod na matibay, at doon na tayo mamatay. Hinatulan na tayo ni Yahweh na ating Diyos upang mamatay. Binigyan niya tayo ng tubig na may lason upang inumin sapagkat nagkasala tayo sa kanya. 15 Naghintay tayo ng kapayapaan ngunit walang nangyari; umasa ng kaligtasan ngunit kakila-kilabot na hirap ang dumating sa atin. 16 Naririnig hanggang sa lunsod ng Dan ang ingay ng mga kabayo ng kaaway. Nanginginig na sa takot ang buong bansa sa yabag pa lamang ng mga kabayong pandigma. Dumating na ang wawasak sa ating lupain at sa lahat ng naroon; sa ating lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.”

17 “Humanda kayo!” sabi ni Yahweh. “Magpapadala ako ng mga ahas na makamandag, mga ulupong na hindi mapaaamo, upang kayo'y tuklawin.”

Ang Kalungkutan ni Jeremias Dahil sa Kanyang Bayan

18 Hindi mapapawi ang nadarama kong kalungkutan;
    nagdurugo ang aking puso.
19 Pakinggan ninyo! Naririnig ko
    ang iyakan ng buong bayan,
“Wala na ba sa Zion si Yahweh?
    Wala na ba roon ang hari ng Zion?”
At sumagot si Yahweh,
“Bakit ninyo ako ginagalit? Bakit kayo sumasamba sa mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala at wala namang kabuluhan?”
20 At sumigaw ang bayan:
“Dumaan na ang tag-araw, tapos na rin ang anihan,
    ngunit hindi pa kami naliligtas!”

21 Para akong sinuntok sa dibdib
    dahil sa hirap na sinapit ng aking bayan;
    ako'y nanangis; lubos akong nalilito.

22 Wala na bang panlunas sa Gilead?
    Wala na bang manggagamot diyan?
    Bakit hindi gumagaling ang aking bayan?