上帝的選民

我在基督裡說真話,絕無謊言。我被聖靈感動的良心可以作證, 我心裡極為憂愁,痛苦不止! 為了我的弟兄——我的同胞以色列人,即使我自己被咒詛、與基督隔絕,我也願意! 身為以色列人,他們擁有上帝兒子的名分、上帝的榮耀、諸約、律法、聖殿敬拜和各種應許。 蒙揀選的族長是他們的先祖,基督降世為人也是做以色列人。祂是至大至尊,永遠當受稱頌的上帝。阿們!

當然,這並不表示上帝的話落了空,因為從以色列生的,不一定都是以色列人, 亞伯拉罕的後裔不一定都是亞伯拉罕的兒女,聖經上說:「以撒生的才可算為你的後裔。」 這話的意思是:亞伯拉罕憑血氣所生的兒女並不是上帝的兒女,只有憑應許所生的才算是他的後裔。 因為上帝曾這樣應許他:「明年這時候,我會再來,撒拉必生一個兒子。」

10 後來,利百加和我們的先祖以撒結婚,懷了雙胞胎。 11 在這對孩子還未出生,還沒有顯出誰善誰惡之前,上帝為了顯明自己揀選人並不是按人的行為,而是按祂自己的旨意, 12 便對利百加說:「將來大的要服侍小的。」 13 正如聖經上說:「我愛雅各,厭惡以掃。」

14 這樣看來,我們該怎麼下結論呢?難道上帝不公平嗎?當然不是。 15 祂曾對摩西說:

「我要憐憫誰就憐憫誰,
要恩待誰就恩待誰。」

16 可見這並不在於人的意志和努力,而在於祂的憐憫。 17 聖經記載著上帝對法老說的話:「我使你興起是為了在你身上彰顯我的權能,使我的名傳遍天下。」 18 總之,上帝要憐憫誰,就憐憫誰;要叫誰頑固,就叫誰頑固。

上帝的烈怒和憐憫

19 這樣,你肯定會對我說:「為什麼上帝還指責人呢?誰能抗拒祂的旨意呢?」 20 你這個人啊!你是誰啊?竟敢頂撞上帝!受造之物怎能對造物主說:「你為什麼把我造成這樣?」 21 陶匠難道不可以從一團泥中拿一部分造貴重的器皿,又拿一部分造平凡的器皿嗎?

22 倘若上帝要顯示祂的烈怒和權能,就儘量容忍那些祂預備要毀滅的器皿, 23 以便在那些祂憐憫並預備賜予榮耀的器皿上彰顯祂豐盛的榮耀,這難道不可以嗎? 24 那些蒙憐憫的器皿就是我們這些從猶太人和外族人中被上帝呼召的人。 25 正如上帝在《何西阿書》上說:

「本來不是我子民的,
我要稱他們為『我的子民』;
本來不是我所愛的,
我要稱他們為『我所愛的』。
26 從前我在什麼地方對他們說,
『你們不是我的子民。』
將來也要在那裡對他們說,
『你們是永活上帝的兒女。』」

27 關於以色列人,以賽亞先知曾疾呼:

「以色列人雖多如海沙,
但得救的只是剩餘的人,
28 因為上帝要在世上迅速、
徹底地執行祂的判決。」

29 以賽亞又說:

「若不是萬軍之主給我們存留後裔,
我們早就像所多瑪和蛾摩拉一樣滅亡了。」

以色列人和福音

30 這樣看來,我們該說什麼呢?本來不追求義的外族人卻因信而得到了義。 31 以色列人靠遵行律法追求義,卻徒勞無功。 32 為什麼會這樣呢?因為他們不憑信心,只靠自己的行為去追求義,結果就在那塊「絆腳石」上跌倒了。 33 正如聖經上說:

「看啊!我在錫安放了一塊絆腳石,
一塊使人跌倒的磐石。
但信靠祂的人必不致蒙羞。」

Ang Dios at ang mga Israelita

Ngayon, ako na mananampalataya ni Cristo ay may sasabihin sa inyo. Totoo ito at hindi ako nagsisinungaling. At pinapatunayan ng Banal na Espiritu sa aking konsensya na totoo ang sasabihin ko: Labis akong nalulungkot at nababalisa para sa aking mga kalahi at kababayang Judio. Kung maaari lang sana, ako na lang ang sumpain ng Dios at mahiwalay kay Cristo, maligtas lang sila. Bilang mga Israelita itinuring sila ng Dios na kanyang mga anak; ipinakita niya sa kanila ang kanyang kadakilaan; gumawa ang Dios ng mga kasunduan sa kanila; ibinigay sa kanila ang Kautusan; tinuruan sila ng tunay na pagsamba; maraming ipinangako ang Dios sa kanila; ang kanilang mga ninunoʼy mga pinili ng Dios; at nagmula sa kanilang lahi si Cristo nang siyaʼy maging tao – ang Dios na makapangyarihan sa lahat na dapat purihin magpakailanman! Amen.

Hindi ito nangangahulugan na hindi natupad ang mga pangako ng Dios dahil hindi sila sumampalataya, sapagkat hindi naman lahat ng nagmula kay Israel ay maituturing na pinili ng Dios. At hindi rin naman lahat ng nagmula kay Abraham ay maituturing na mga anak ni Abraham. Sapagkat sinabi ng Dios kay Abraham, “Ang mga anak lang na magmumula kay Isaac ang mga lahi na aking ipinangako.”[a] Ang ibig sabihin, hindi lahat ng anak ni Abraham ay itinuturing na anak ng Dios, kundi ang mga anak lamang na ipinanganak ayon sa ipinangako. Sapagkat ganito ang ipinangako ng Dios sa kanya, “Babalik ako rito sa ganito ring panahon sa susunod na taon at magkakaroon ng anak na lalaki si Sara.”[b]

10 Hindi lang iyon, kundi nangyari rin ang ganoon sa dalawang anak ni Rebeka sa ating ninunong si Isaac, ipinakita rin ng Dios na hindi lahat ng nagmula kay Abraham ay itinuturing na mga anak niya. 11-12 Bago pa man ipanganak ang kambal, sinabi na ng Dios kay Rebeka, “Maglilingkod ang nakatatanda sa nakababatang kapatid.”[c] Sinabi ito ng Dios noong wala pa silang nagagawang mabuti o masama, para patunayan na ang pagpili niya ay batay sa sarili niyang pasya at hindi sa mabubuting gawa ng tao. 13 Gaya nga ng sinabi ng Dios sa Kasulatan,

    “Minamahal ko si Jacob, pero si Esau ay hindi.”[d]

14 Baka naman sabihin ng iba na hindi makatarungan ang Dios. Aba, hindi! 15 Sapagkat sinabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.”[e] 16 Kung ganoon, ang pagpili ng Dios ay hindi batay sa kagustuhan ng tao o sa paggawa niya ng mabuti, kundi sa awa ng Dios. 17 Sapagkat ayon sa Kasulatan, sinabi ng Dios sa Faraon, “Pinayagan kitang mabuhay dahil dito: para maipakita ko ang kapangyarihan ko sa pamamagitan mo at makilala ang pangalan ko sa buong mundo.”[f] 18 Kaya nga, kinaaawaan ng Dios ang ibig niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang ulo ng ibig niyang patigasin.

Ang Galit at Awa ng Dios

19 Maaaring may magsabi sa akin, “Kung ganoon, bakit pa niya pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan? At sino ang makakasalungat sa kanyang kalooban?” 20 Pero sino ka para magreklamo sa Dios ng ganyan? Tayoʼy mga nilikha lang ng Dios, kaya hindi tayo makakapagreklamo kung bakit niya tayo ginawang ganito. 21 Tulad sa isang gumagawa ng palayok, may karapatan siyang gawin ang putik ayon sa gusto niya. May karapatan siyang gumawa ng dalawang uri ng sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik: ang isa ay pang-espesyal, at ang isa naman ay pangkaraniwan lang.

22 Ganoon din naman ang Dios. Nais niyang ipakita ang kanyang kapangyarihan at matinding galit sa mga makasalanan, pero minabuti niyang tiisin muna nang buong tiyaga ang mga taong dapat sanang lipulin na. 23 Ginawa niya ito para ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya, na inihanda na niya noon pa para parangalan. 24 Itoʼy walang iba kundi tayo na mga tinawag niya, hindi lang mula sa mga Judio kundi mula rin sa mga hindi Judio. 25 Ito ang sinabi ng Dios sa aklat ni Hoseas:

    “Ang dating hindi ko mga tao ay tatawagin kong, ‘Mga tao ko.’
    At ang dating hindi ko mahal ay mamahalin ko.[g]
26 At sa mga sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’
    silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’ ”[h]

27 Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit na maging kasindami pa ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kakaunti lang sa kanila ang maliligtas, 28 dahil mabilis at matindi ang gagawing paghatol ng Panginoon sa mga tao sa mundo.”[i] 29 Sinabi rin ni Isaias,

    “Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay walang itinira sa ating lahi, natulad na sana tayo sa Sodom at Gomora.”[j]

Ang Israel at ang Magandang Balita

30 Ano ngayon ang masasabi natin tungkol dito? Ang mga hindi Judio na hindi nagsikap na maging matuwid ay itinuring ng Dios na matuwid nang dahil sa kanilang pananampalataya. 31 Pero ang mga Judio na nagsikap na maituring na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod nila sa Kautusan ay nabigo. 32 Bakit sila nabigo? Sapagkat nagtiwala sila sa kanilang mga gawa at hindi sila sumampalataya kay Jesu-Cristo. Natisod sila sa “batong nakakatisod.” 33 Gaya nga ng sinabi ng Dios sa Kasulatan,

    “Maglalagay ako sa Zion ng batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila.
    Pero hindi mapapahiya ang mga sumasampalataya sa kanya.”[k]

Footnotes

  1. 9:7 Gen. 21:12.
  2. 9:9 Gen. 18:10, 14.
  3. 9:11-12 Gen. 25:23.
  4. 9:13 Mal. 1:2-3.
  5. 9:15 Exo. 33:19.
  6. 9:17 Exo. 9:16.
  7. 9:25 Hos. 2:23.
  8. 9:26 Hos. 1:10.
  9. 9:28 Isa. 10:22-23.
  10. 9:29 Isa. 1:9.
  11. 9:33 Isa. 8:14; 28:16.