约翰福音 13
Chinese New Version (Traditional)
耶穌為門徒洗腳
13 逾越節以前,耶穌知道自己離開這世界回到父那裡去的時候到了。他既然愛世上屬於自己的人,就愛他們到底。 2 吃晚飯的時候(魔鬼已經把出賣耶穌的意念放在西門的兒子加略人猶大的心裡), 3 耶穌知道父已經把萬有交在他手中,並且知道自己從 神而來,又要回到 神那裡去, 4 就起身離席,脫去外衣,拿一條手巾束腰。 5 然後他倒了一盆水,洗門徒的腳,並且用束腰的手巾擦乾。 6 輪到西門.彼得,彼得就說:“主啊,你要洗我的腳嗎?” 7 耶穌回答:“我所作的,你現在不知道,以後就會明白。” 8 彼得說:“不行,你千萬不可洗我的腳!”耶穌說:“如果我不洗你,你就與我沒有關係了。” 9 西門.彼得說:“主啊,那就不單洗我的腳,連我的手和頭都洗吧!” 10 耶穌說:“洗過澡的人,全身都潔淨,只需要洗腳就可以了。你們是潔淨的,但不是人人都是這樣。” 11 原來耶穌知道誰要出賣他,所以他說“你們不是人人都是潔淨的”。
12 耶穌洗完了門徒的腳,就穿上外衣,再坐下來,對他們說:“我給你們作的,你們明白嗎? 13 你們稱呼我‘老師,主’,你們說得對,我本來就是。 14 我是主,是老師,尚且洗你們的腳,你們也應當彼此洗腳。 15 我作了你們的榜樣,是要你們也照著我所作的去行。 16 我實實在在告訴你們,僕人不能大過主人,奉差遣的也不能大過差他的人。 17 你們既然知道這些事,如果去實行,就有福了。 18 我這話不是指著你們全體說的;我認識我所揀選的人,但是經上的話:‘那吃我飯的,用他的腳踢我’,必須應驗。 19 現在,事情還沒有發生,我就告訴你們,使你們到時可以信我就是‘那一位’。 20 我實實在在告訴你們,那接待我所差遣的,就是接待我;接待我的,就是接待那差我來的。”
耶穌預言要被人出賣(A)
21 耶穌說了這話,心裡很難過,就明明地說:“我實實在在告訴你們,你們中間有一個人要出賣我。” 22 門徒面面相覷,不知道他是指著誰說的。 23 門徒中有一個人,是耶穌所愛的,側身挨近耶穌(“側身挨近耶穌”原文作“在耶穌的胸懷裡”)。 24 西門.彼得向他示意,叫他問耶穌是指著誰說的。 25 於是那個門徒貼近耶穌的胸懷,問他:“主啊,是誰呢?” 26 耶穌回答:“我蘸一小塊餅給誰,誰就是了。”於是他蘸了一小塊餅,遞給加略人西門的兒子猶大。 27 猶大接過餅以後,撒但就進入他的心。耶穌對他說:“你要作的,快去作吧。” 28 在座的人,沒有一個知道耶穌為甚麼對猶大說這話。 29 猶大是管錢的,所以有人以為耶穌叫他去買過節用的東西,或是吩咐他拿點東西去賙濟窮人。 30 猶大吃了餅,立刻就出去;那時是黑夜了。
吩咐門徒要彼此相愛
31 他出去以後,耶穌就說:“現在人子得了榮耀, 神也在人子身上得了榮耀, 32 ( 神既然在人子身上得了榮耀,)(有些抄本無此句)也要在自己身上榮耀人子,並且要立刻榮耀他。 33 孩子們啊,我跟你們在一起的時候不多了。你們要尋找我,但是我對猶太人說過,現在也照樣對你們說:‘我去的地方,是你們不能去的。’ 34 我給你們一條新命令,就是要你們彼此相愛;我怎樣愛你們,你們也要怎樣彼此相愛。 35 如果你們彼此相愛,眾人就會認出你們是我的門徒了。”
預言彼得不認主(B)
36 西門.彼得對耶穌說:“主啊,你往哪裡去?”耶穌回答:“我去的地方,你現在不能跟著我去,但後來卻要跟著我去。” 37 彼得說:“主啊,為甚麼我現在不能跟著你去?為了你,我捨命也願意!” 38 耶穌說:“你願意為我捨命嗎?我實實在在告訴你,雞叫之前,你必定三次不認我。”
Juan 13
Ang Dating Biblia (1905)
13 Bago nga magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan.
2 At habang humahapon, nang mailagay na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya.
3 Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,
4 Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.
5 Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis.
6 Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa?
7 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.
8 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.
9 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo.
10 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka't malinis nang lubos: at kayo'y malilinis na, nguni't hindi ang lahat.
11 Sapagka't nalalaman niya ang sa kaniya'y magkakanulo; kaya't sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis.
12 Kaya't nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?
13 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.
14 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.
15 Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.
16 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.
17 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.
18 Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat: nalalaman ko ang aking mga hinirang: nguni't upang matupad ang kasulatan, Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
19 Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya na ako nga.
20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.
21 Nang masabing gayon ni Jesus, siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.
22 Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita.
23 Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus.
24 Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya.
25 Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon?
26 Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.
27 At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.
28 Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito.
29 Sapagka't iniisip ng ilan, na sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan sa pista; o, magbigay siya ng anoman sa mga dukha.
30 Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na.
31 Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya:
32 At luluwalhatiin siya ng Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya.
33 Maliliit na anak, sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at gaya ng sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon.
34 Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.
35 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.
36 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: nguni't pagkatapos ay makasusunod ka.
37 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.
38 Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok ang manok, hanggang ikaila mo akong makaitlo.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
