Juan 1:14-18
Ang Biblia (1978)
14 At (A)nagkatawang-tao (B)ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang (C)kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
15 Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, (D)Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: (E)sapagka't siya'y (F)una sa akin.
16 Sapagka't sa kaniyang (G)kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya.
17 Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; (H)ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating (I)sa pamamagitan ni Jesu-cristo.
18 (J)Walang taong nakakita kailan man sa Dios; (K)ang bugtong na Anak, na nasa (L)sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978