約翰福音 19
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
19 於是彼拉多命人鞭打耶穌。 2 士兵用荊棘編成冠冕戴在祂頭上,又拿紫袍給祂穿上, 3 來到祂面前說:「猶太人的王萬歲!」然後又用手掌打祂。
4 彼拉多又走到外面對眾人說:「我把祂帶到你們面前,好讓你們知道我查不出祂有什麼罪。」 5 於是,耶穌戴著荊棘冠冕、穿著紫色長袍出來。彼拉多對眾人說:「你們看這個人!」
6 祭司長和差役一見耶穌,就喊道:「把祂釘在十字架上!把祂釘在十字架上!」
彼拉多說:「你們自己把祂帶去釘十字架吧!因為我查不出祂有什麼罪。」
7 猶太人回答說:「我們有律法,按照那律法,祂應當被處死,因為祂自稱是上帝的兒子。」
8 彼拉多聽了這話,更加害怕, 9 連忙將耶穌帶回總督府,問祂:「你到底是從哪裡來的?」但耶穌沒有回答。
10 彼拉多說:「你不回答我嗎?難道你不知道我有權釋放你,也有權把你釘在十字架上嗎?」
11 耶穌回答說:「除非從上面賜下權柄給你,否則你無權處置我。因此,把我交給你的那人罪更大。」
12 從那時起,彼拉多想要釋放耶穌,可是猶太人卻一直喊叫:「如果你釋放這個人,你就不是凱撒的忠臣[a]。凡自以為王的,就是背叛凱撒。」
13 彼拉多聽了這話,就帶著耶穌來到一個地方,名叫「鋪石地」,那地方希伯來話叫厄巴大。彼拉多在那裡開庭審判祂。 14 那天正是逾越節的預備日,大約在中午十二時,彼拉多對猶太人說:「看啊!你們的王。」
15 眾人喊道:「除掉祂!除掉祂!把祂釘在十字架上!」
彼拉多說:「我可以把你們的王釘在十字架上嗎?」
祭司長答道:「除了凱撒,我們沒有別的王!」
16 於是,彼拉多將耶穌交給他們去釘十字架,他們就把耶穌帶走了。
釘十字架
17 耶穌背著自己的十字架出來,前往髑髏地[b],那地方希伯來話叫各各他。 18 他們在那裡把耶穌釘在十字架上。同時還釘了兩個人,一邊一個,耶穌在當中。 19 彼拉多寫了一個告示,安在十字架上,上面寫著「猶太人的王,拿撒勒人耶穌」。 20 因為耶穌被釘十字架的地方離城不遠,告示上面的字是用希伯來、羅馬、希臘三種文字寫的,所以很多猶太人讀了上面的字。
21 猶太人的祭司長對彼拉多說:「不要寫『猶太人的王』,應該寫『這人自稱是猶太人的王』。」
22 彼拉多說:「我寫了就寫了。」
23 士兵把耶穌釘在十字架上,又把祂的衣服分成四份,每人一份。剩下的內衣從上到下是一塊布,沒有縫口, 24 他們就商量說:「不要撕破它,讓我們抽籤決定給誰吧。」這件事是要應驗聖經上的話:「他們分了我的外衣,又為我的內衣抽籤。」士兵果然這樣做了。
25 耶穌的十字架旁邊站著祂母親、祂母親的一個姊妹、革羅罷的妻子瑪麗亞和抹大拉的瑪麗亞。 26 耶穌看見祂的母親和祂所愛的門徒都站在旁邊,就對母親說:「婦人,看啊,他是你的兒子。」 27 然後對門徒說:「看啊,她是你的母親。」從那天起,那個門徒就把她接到自己家裡去了。
耶穌之死
28 後來,耶穌知道一切的事已經完成,就說:「我渴了。」這是要應驗聖經上的話。 29 那裡有一個器皿盛滿了醋酒。有人用海綿蘸滿了醋酒綁在牛膝草上送到祂的嘴裡, 30 耶穌嚐了那醋酒,然後說:「成了!」就垂下頭來,將靈魂交給了上帝。
31 因為那天是預備日,第二天的安息日是個大日子,為了避免在安息日有屍首留在十字架上,猶太人便求彼拉多叫人打斷他們的腿,好把他們搬走。 32 於是,士兵上前把與耶穌同釘十字架的兩個人的腿都打斷了。 33 但是他們來到耶穌那裡時,發現祂已經死了,就沒有打斷祂的腿, 34 只是有一個士兵用矛刺了一下祂的肋旁,頓時有血和水流了出來。 35 看見這事的人為此做見證,他的見證是真實的,他知道自己所說的是事實,好讓你們可以相信。 36 這些事的發生是為了應驗聖經上的話:「祂的骨頭一根也不會折斷」; 37 「他們要仰望自己所刺的那位。」
安葬耶穌
38 事後,有一個名叫約瑟的亞利馬太人請求彼拉多讓他為耶穌收屍。他因為畏懼猶太人,只是暗中做耶穌的門徒。彼拉多批准了,他就把耶穌的遺體領去。 39 曾經夜訪耶穌的尼哥德慕也來了,他帶來了沒藥和沉香調成的香料,重約三十四公斤。 40 他們按照猶太人殯葬的習俗,用細麻布加上香料把耶穌的遺體裹好。 41 在耶穌被釘十字架的地方有一個園子,裡邊有一座新墳墓,從來沒有安葬過人。 42 因為那天是猶太人的預備日,這座新墳墓也在附近,他們就把耶穌安放在那裡。
Juan 19
Ang Biblia, 2001
19 Pagkatapos ay kinuha ni Pilato si Jesus at siya'y hinagupit.
2 Ang mga kawal ay gumawa ng isang koronang tinik, ipinatong sa kanyang ulo, at siya'y sinuotan ng isang balabal na kulay-ube.
3 Sila'y lumapit sa kanya, na nagsasabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” At siya'y kanilang pinagsusuntok.
4 Si Pilato ay muling lumabas at sa kanila'y sinabi, “Tingnan ninyo, ilalabas ko siya sa inyo upang inyong malaman na wala akong nakitang anumang kasalanan sa kanya.”
5 Lumabas nga si Jesus, na may koronang tinik at balabal na kulay-ube. Sinabi ni Pilato sa kanila, “Narito ang tao!”
6 Nang siya ay makita ng mga punong pari at ng mga punong-kawal, sila'y nagsigawan, “Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus!” Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus, sapagkat ako'y walang nakitang kasalanan sa kanya.”
7 Sumagot sa kanya ang mga Judio, “Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang iyon ay dapat siyang mamatay, sapagkat inaangkin niya na siya ay Anak ng Diyos.”
8 Nang marinig ni Pilato ang salitang ito ay lalo siyang natakot.
9 Siya'y muling pumasok sa palasyo ng gobernador, at sinabi kay Jesus, “Taga-saan ka?” Ngunit hindi siya sinagot ni Jesus.
10 Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, “Ayaw mong makipag-usap sa akin? Hindi mo ba alam na ako'y may kapangyarihang ikaw ay pakawalan at may kapangyarihang ikaw ay ipako sa krus?”
11 Sumagot si Jesus sa kanya, “Hindi ka magkakaroon ng anumang kapangyarihan laban sa akin malibang ito'y ibinigay sa iyo mula sa itaas. Kaya't ang nagdala sa akin sa iyo ay may mas malaking kasalanan.”
12 Mula noo'y sinikap ni Pilato na siya'y pakawalan. Ngunit ang mga Judio ay nagsisigawang, “Kung pakakawalan mo ang taong ito ay hindi ka kaibigan ni Cesar.[a] Ang bawat nag-aangkin na siya'y hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar.”
13 Nang marinig ni Pilato ang mga salitang ito ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Plataporma (sa Hebreo ay Gabbatha).
14 Noon ay Paghahanda ng Paskuwa, at noo'y mag-iikaanim na oras.[b] Sinabi niya sa mga Judio, “Narito ang inyong Hari!”
15 Sila'y nagsigawan, “Ilayo siya, ilayo siya, ipako siya sa krus!” Sinabi sa kanila ni Pilato, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong Hari?” Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari liban kay Cesar.”
Ipinako si Jesus sa Krus(A)
16 At ibinigay ni Pilato[c] si Jesus[d] sa kanila upang maipako sa krus.
17 Kinuha nila si Jesus, at siya'y lumabas na pasan niya ang krus, patungo sa tinatawag na Pook ng Bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota.
18 Doon ay kanilang ipinako siya at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawat tagiliran, at sa gitna nila ay si Jesus.
19 Sumulat din si Pilato ng isang pamagat, at inilagay sa itaas ng krus. At ang nakasulat ay “Jesus na Taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.”
20 Marami sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagkat ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa lunsod, at ito'y isinulat sa Hebreo, sa Latin, at sa Griyego.
21 Kaya't sinabi kay Pilato ng mga punong pari ng mga Judio, “Huwag mong isulat, ‘Ang Hari ng mga Judio,’ kundi, ‘Sinasabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’”
22 Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko ay naisulat ko na.”
23 Nang maipako ng mga kawal si Jesus, kanilang kinuha ang kanyang mga kasuotan at hinati sa apat na bahagi, sa bawat kawal ay isang bahagi. Gayundin ang tunika, at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.
24 Kaya't(B) sinabi nila sa isa't isa, “Huwag natin itong punitin, kundi tayo'y magpalabunutan kung kanino mapupunta.” Ito ay upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi,
“Pinaghatian nila ang aking mga kasuotan,
at ang aking balabal ay kanilang pinagpalabunutan.”
25 Ang mga bagay na ito ay ginawa ng mga kawal.
Samantala, nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina, at ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.
26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang alagad na kanyang minamahal, na nakatayong katabi niya ay sinabi niya sa kanyang ina, “Babae, narito ang iyong anak!”
27 Pagkatapos ay sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” At mula noon ay dinala siya ng alagad sa kanyang sariling tahanan.
Ang Kamatayan ni Jesus(C)
28 Pagkatapos(D) nito, sapagkat alam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na, ay sinabi niya (upang matupad ang kasulatan), “Nauuhaw ako.”
29 Mayroon doong isang sisidlang punô ng maasim na alak, kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka[e] sa isang sanga ng isopo,[f] kanilang inilagay sa kanyang bibig.
30 Nang matanggap ni Jesus ang suka[g] ay sinabi niya, “Natupad na.” At itinungo ang kanyang ulo, at siya ay namatay.[h]
Inulos ang Tagiliran ni Jesus
31 Sapagkat noo'y araw ng Paghahanda, upang maiwasan na ang mga katawan ay manatili sa krus sa araw ng Sabbath (sapagkat dakila ang araw ng Sabbath na iyon), hiniling ng mga Judio kay Pilato na baliin ang kanilang mga binti at sila'y alisin doon.
32 Kaya't dumating ang mga kawal at binali ang binti ng una at ng isa pa na ipinako sa krus na kasama niya.
33 Ngunit nang dumating sila kay Jesus at makitang patay na, ay hindi na nila binali ang kanyang mga binti.
34 Subalit tinusok ng sibat ng isa sa mga kawal ang kanyang tagiliran at biglang lumabas ang dugo at tubig.
35 Siya na nakakita nito ay nagpatotoo, at ang kanyang patotoo ay tunay, at nalalaman niya na siya'y nagsasabi ng totoo upang kayo rin ay maniwala.
36 Sapagkat(E) ang mga bagay na ito ay nangyari upang matupad ang kasulatan, “Kahit isa mang buto niya'y hindi mababali.”
37 At(F) sinabi rin sa isa pang kasulatan, “Titingin sila sa kanya na kanilang tinusok ng sibat.”
Paglilibing kay Jesus(G)
38 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jose na taga-Arimatea, na isang lihim na alagad ni Jesus, dahil sa takot sa mga Judio, ay nakiusap kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus, at siya'y pinahintulutan ni Pilato. Kaya't siya'y pumunta roon at kinuha ang kanyang bangkay.
39 Dumating(H) din si Nicodemo, na noong una ay lumapit sa kanya noong gabi, na may dalang pinaghalong mira at mga aloe, halos isandaang libra ang timbang.
40 Kinuha nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga telang lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing.
41 Sa lugar ng pinagpakuan sa kanya ay may isang halamanan, at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailanma'y hindi pa nalalagyan ng sinuman.
42 Kaya't dahil sa Paghahanda ng mga Judio, sapagkat malapit ang libingan, ay kanilang inilagay doon si Jesus.
Footnotes
- Juan 19:12 CESAR: Titulo ng emperador ng Roma.
- Juan 19:14 o magtatanghaling-tapat sa makabagong pagbilang ng oras .
- Juan 19:16 Sa Griyego ay niya .
- Juan 19:16 Sa Griyego ay siya .
- Juan 19:29 o maasim na alak .
- Juan 19:29 Tingnan sa Talaan ng mga Salita.
- Juan 19:30 o maasim na alak .
- Juan 19:30 Sa Griyego ay ibinigay ang kanyang espiritu .
