Add parallel Print Page Options

-6-

23 Kung ikaw ay kasalo ng may mataas na katungkulan, huwag mong kalilimutan kung sino ang iyong kaharap. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo.

-7-

Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.

-8-

Huwag kang makikikain sa taong kuripot, ni nanasain man ang masasarap niyang pagkain. Sapagkat iyon ay maninikit sa iyong lalamunan. Aanyayahan ka nga niyang kumain at uminom, ngunit hindi bukal sa kalooban. Isusuka mo rin ang lahat ng iyong kinain at masasayang lang ang maganda mong sasabihin.

-9-

Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi nila mauunawaan kahit gaano kaganda ang sabihin mo.

-10-

10 Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila. 11 Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

-11-

12 Huwag kang hihiwalay sa mabubuting aral, at pakinggan mong mabuti ang salita ng karunungan.

-12-

13 Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay. 14 Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.

-13-

15 Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka. 16 Makadarama ako ng pagmamalaki kung ang mga salita mo ay may karunungan.

-14-

17 Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip, si Yahweh ay laging igalang at sundin. 18 Kung magkagayon ay gaganda ang iyong kinabukasan.

-15-

19 Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay. 20 Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. 21 Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.

-16-

22 Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na.

23 Hanapin mo ang katotohanan, karunungan at unawa. Pahalagahan mo ang mga ito at huwag pababayaang mawala.

24 Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino.

25 Sikapin mong ikaw ay maging karapat-dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.

-17-

26 Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay. 27 Ang masasamang babae at di-tapat na asawa ay mapanganib na patibong, tiyak na mamamatay ang mahulog doon. 28 Siya'y laging nakaabang tulad ng magnanakaw, at sinumang maakit niya ay natututong magtaksil.

-18-

29 Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? 30 Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin. 31 Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam, 32 sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. 33 Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. 34 Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad 35 at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”

Saying 7

23 When you sit to dine with a ruler,
    note well what[a] is before you,
and put a knife to your throat
    if you are given to gluttony.
Do not crave his delicacies,(A)
    for that food is deceptive.

Saying 8

Do not wear yourself out to get rich;
    do not trust your own cleverness.
Cast but a glance at riches, and they are gone,(B)
    for they will surely sprout wings
    and fly off to the sky like an eagle.(C)

Saying 9

Do not eat the food of a begrudging host,
    do not crave his delicacies;(D)
for he is the kind of person
    who is always thinking about the cost.[b]
“Eat and drink,” he says to you,
    but his heart is not with you.
You will vomit up the little you have eaten
    and will have wasted your compliments.

Saying 10

Do not speak to fools,
    for they will scorn your prudent words.(E)

Saying 11

10 Do not move an ancient boundary stone(F)
    or encroach on the fields of the fatherless,
11 for their Defender(G) is strong;(H)
    he will take up their case against you.(I)

Saying 12

12 Apply your heart to instruction(J)
    and your ears to words of knowledge.

Saying 13

13 Do not withhold discipline from a child;
    if you punish them with the rod, they will not die.
14 Punish them with the rod
    and save them from death.(K)

Saying 14

15 My son, if your heart is wise,
    then my heart will be glad indeed;
16 my inmost being will rejoice
    when your lips speak what is right.(L)

Saying 15

17 Do not let your heart envy(M) sinners,
    but always be zealous for the fear of the Lord.
18 There is surely a future hope for you,
    and your hope will not be cut off.(N)

Saying 16

19 Listen, my son,(O) and be wise,
    and set your heart on the right path:
20 Do not join those who drink too much wine(P)
    or gorge themselves on meat,
21 for drunkards and gluttons become poor,(Q)
    and drowsiness clothes them in rags.

Saying 17

22 Listen to your father, who gave you life,
    and do not despise your mother when she is old.(R)
23 Buy the truth and do not sell it—
    wisdom, instruction and insight as well.(S)
24 The father of a righteous child has great joy;
    a man who fathers a wise son rejoices in him.(T)
25 May your father and mother rejoice;
    may she who gave you birth be joyful!(U)

Saying 18

26 My son,(V) give me your heart
    and let your eyes delight in my ways,(W)
27 for an adulterous woman is a deep pit,(X)
    and a wayward wife is a narrow well.
28 Like a bandit she lies in wait(Y)
    and multiplies the unfaithful among men.

Saying 19

29 Who has woe? Who has sorrow?
    Who has strife? Who has complaints?
    Who has needless bruises? Who has bloodshot eyes?
30 Those who linger over wine,(Z)
    who go to sample bowls of mixed wine.
31 Do not gaze at wine when it is red,
    when it sparkles in the cup,
    when it goes down smoothly!
32 In the end it bites like a snake
    and poisons like a viper.
33 Your eyes will see strange sights,
    and your mind will imagine confusing things.
34 You will be like one sleeping on the high seas,
    lying on top of the rigging.
35 “They hit me,” you will say, “but I’m not hurt!
    They beat me, but I don’t feel it!
When will I wake up
    so I can find another drink?”(AA)

Footnotes

  1. Proverbs 23:1 Or who
  2. Proverbs 23:7 Or for as he thinks within himself, / so he is; or for as he puts on a feast, / so he is