申命记 7
Chinese New Version (Simplified)
特作 神的子民(A)
7 “耶和华你的 神领你进入你要去得为业的地,从你面前赶走许多民族,就是赫人、革迦撒人、亚摩利人、迦南人、比利洗人、希未人、耶布斯人,共七个比你又大又强的民族。 2 耶和华你的 神把他们交给你,你打败了他们的时候,你要完全毁灭他们,不可与他们立约,也不可恩待他们。 3 不可与他们通婚,不可把你的女儿嫁给他们的儿子,也不可为你的儿子娶他们的女儿。 4 因为他必使你的儿子离开我,去事奉别的神,以致耶和华向你们发烈怒,就快快地把你们消灭。 5 你们却要这样待他们:拆毁他们的祭坛,打碎他们的神柱,砍下他们的亚舍拉,用火焚烧他们的雕像。
6 “因为你是归耶和华你的 神作圣洁的子民的;耶和华你的 神从地上的万族中,拣选了你作他自己的产业,自己的子民。 7 耶和华喜爱你们,拣选你们,并不是因为你们的人数比别的民族多,其实你们的人数在万族中是最少的; 8 而是因为耶和华对你们的爱,又因为他遵守他向你们的列祖所起的誓,他才用大能的手把你们领出来,把你们从为奴之家,从埃及王法老的手里拯救出来。 9 所以你要知道耶和华你的 神,他是 神,是信实可靠的 神;他向爱他和守他诫命的人,守约并且施慈爱,直到千代。 10 但向恨他的人,却要当面报应他们,把他们灭尽;恨他的,他都要当面报应他,决不迟延。 11 所以你要谨守遵行我今日吩咐你的诫命、律例和典章。
遵行 神法典的赏赐(B)
12 “如果你们听从这些典章,并且谨守遵行这一切,耶和华你的 神就必照着他向你的列祖所起的誓,向你守约并且施慈爱。 13 他必爱你,赐福与你,使你人数增多,也必在他向你的列祖起誓应许给你的地上,赐福与你身所生的,你地所产的,使你的五谷、酒、油,以及牛犊和羊羔增产。 14 你必蒙福胜过万民;在你中间没有不能生育的男女,也没有不能生殖的牲畜。 15 耶和华必使一切病症离开你;你所知埃及各种的恶疾,他决不加在你身上,却加在一切恨你的人身上。 16 耶和华你的 神交给你的所有民族,你都要把他们消灭;你的眼不可怜惜他们;你也不可事奉他们的神,因为这必成为你的网罗。
17 “如果你心里说:‘这些国的人比我多,我怎能把他们赶出去呢?’ 18 你不要怕他们,只要牢牢地记住,耶和华你的 神向法老和全埃及所行的事, 19 就是你亲眼看见的大试验、神迹、奇事、大能的手和伸出来的膀臂,这都是耶和华你的 神领你出来的时候使用的;耶和华你的 神也必照样待你惧怕的所有民族。 20 耶和华你的 神还要打发大黄蜂飞到他们中间,直到那些残存躲藏起来的人,都从你面前消灭为止。 21 你不要因他们惊慌,因为耶和华你的 神是在你们中间,他是大而可畏的 神。 22 耶和华你的 神必把这些国的民,从你面前渐渐赶出去;你不可以把他们迅速地灭尽,恐怕田间的野兽多起来害你。 23 耶和华你的 神必把他们交在你面前,使他们大起扰乱,直到他们全被消灭。 24 他也必把他们的君王交在你的手中,你必使他们的名从天下消灭;必没有一人能在你面前站立得住,直到你把他们都消灭了。 25 他们的神像,你们要用火焚烧;神像上的金银,你不可贪爱,也不可据为己有,免得你因此陷入网罗;因为这是耶和华你的 神厌恶的。 26 可厌恶的物,你不可带进家里去,免得你与那物一样成了当毁灭的;你要非常憎恨它,十分厌恶它,因为这是当毁灭的物。”
Deuteronomio 7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Piniling Mamamayan ng Dios(A)
7 “Kapag dinala na kayo ng Panginoon na inyong Dios doon sa lupain na inyong titirhan at aangkinin, itataboy niya sa harapan ninyo ang pitong bansa na mas malaki at mas makapangyarihan pa kaysa sa inyo: ang mga Heteo, Gergaseo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo at mga Jebuseo. 2 Kapag ibinigay na sila ng Panginoon sa inyo at natalo ninyo sila, lipulin ninyo sila ng lubusan bilang handog sa Panginoon. Huwag kayong gagawa ng kasunduan o magpapakita ng awa sa kanila. 3 Huwag kayong magpapakasal sa kanila, at huwag din ninyong papayagan ang mga anak ninyo na maikasal sa kanila. 4 Sapagkat ilalayo nila sa Panginoon ang inyong mga anak para paglingkuran ang ibang mga dios. At kapag nangyari ito, ipapalasap ng Panginoon ang galit niya sa inyo at agad kayong malilipol. 5 Sa halip, ito ang gawin ninyo: Gibain ninyo ang mga altar nila, durugin ang mga alaalang bato nila, putulin ang kanilang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera, at sunugin ninyo ang mga dios-diosan nila. 6 Sapagkat ibinukod kayo ng Panginoon na inyong Dios. Sa lahat ng mga tao, kayo ang pinili ng Panginoon na inyong Dios na maging espesyal niyang mamamayan.
7 “Pinili kayo ng Panginoon at minahal, hindi dahil mas marami kayo sa ibang mga mamamayan, dahil kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. 8 Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo at tinutupad niya ang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno. Iyan ang dahilan na inilabas niya kayo sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, at pinalaya sa pagkaalipin sa Faraon na hari ng Egipto. 9 Isipin ninyo na ang Panginoon na inyong Dios ay iisang Dios. Matapat siya at tinutupad niya ang kanyang kasunduan hanggang sa mga salinlahi ng mga nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga utos. 10 Ngunit hindi siya magdadalawang-isip na ibagsak ang mga napopoot sa kanya.
Ang Gantimpala sa Katapatan(B)
11 “Kaya sundin ninyong mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito. 12 Kung tutuparin at susundin ninyong mabuti ang mga utos, tutuparin ng Panginoon na inyong Dios ang kanyang kasunduan na mamahalin[a] niya kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyong mga ninuno. 13 Mamahalin niya kayo, pagpapalain at padadamihin. Bibigyan niya kayo ng maraming anak at pagpapalain ang mga pananim sa inyong lupa: ang inyong mga trigo, bagong katas ng ubas at langis. At padadamihin niya ang inyong mga hayop doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno at sa inyo. 14 Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa sinumang mga mamamayan sa mundo. Walang lalaki o babae sa inyo na magiging baog, ganoon din sa inyong mga hayop. 15 Poprotektahan kayo ng Panginoon sa lahat ng karamdaman. Hindi niya kayo padadalhan ng nakapangingilabot na mga karamdaman na nakita ninyo sa Egipto, pero ipapadala niya ito sa lahat ng mga napopoot sa inyo. 16 Dapat ninyong patayin ang lahat ng tao na ibinigay ng Panginoon na inyong Dios sa inyo. Huwag ninyo silang kaaawaan, at huwag kayong maglilingkod sa kanilang mga dios dahil magiging bitag ito para sa inyo.
17 “Baka sabihin ninyo sa inyong mga sarili, ‘Mas makapangyarihan pa ang bansang ito kaysa sa atin. Paano ba natin sila maitataboy?’ 18 Pero huwag kayong matatakot sa kanila, kundi alalahanin ninyong mabuti kung ano ang ginawa ng Panginoon na inyong Dios sa Faraon at sa lahat ng Egipcio. 19 Nakita ninyo ang mga pagsubok, mga himala at kamangha-manghang bagay, at ang dakilang kapangyarihang ipinakita ng Panginoon na inyong Dios nang ilabas niya kayo. Katulad din nito ang gagawin ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng taong kinatatakutan ninyo. 20 At ngayon, padadalhan sila ng Panginoon na inyong Dios ng mga putakti hanggang sa malipol kahit pa ang mga natitirang nagtatago. 21 Huwag kayong matakot sa kanila dahil kasama ninyo ang Panginoon na inyong Dios; ang makapangyarihan at kamangha-manghang Dios. 22 Unti-unting palalayasin ng Panginoon na inyong Dios sa inyong harapan ang mga bansang iyon. Huwag ninyo silang paalisin agad, dahil kung gagawin ninyo iyon, dadami ang mababangis na hayop. 23 Pero ibibigay sila ng Panginoon na inyong Dios sa inyo. Magkakagulo sila hanggang sa malipol silang lahat. 24 Ibibigay niya sa inyo ang kanilang mga hari. Papatayin ninyo sila, at hindi na sila maaalala pa. Wala ni isa man sa kanila na makakatalo sa inyo, at papatayin ninyo silang lahat. 25 Sunugin ninyo ang mga imahen na dios-diosan nila, at huwag ninyong hahangarin ang mga ginto at pilak nito. Huwag na huwag ninyo itong kukunin dahil magiging bitag ito sa inyo, at kasuklam-suklam ito sa Panginoon na inyong Dios. 26 Huwag kayong magdadala sa mga bahay ninyo ng anumang kasuklam-suklam na bagay, para hindi kayo malipol kasama ng mga bagay na iyon. Kamuhian ninyo ito, dahil itong mga bagay ay dapat wasakin ng lubusan.
Footnotes
- 7:12 mamahalin: o, pagpapalain.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®