Deuteronomio 17
Magandang Balita Biblia
17 “Huwag kayong maghahandog ng baka o tupang may kapintasan o kapansanan sapagkat kasuklam-suklam iyon kay Yahweh na inyong Diyos.
2 “Sinuman sa inyo ang matuklasang gumagawa ng masama laban kay Yahweh na inyong Diyos at sumisira sa ating kasunduan kay Yahweh, 3 naglilingkod(A) at sumasamba sa mga diyus-diyosan, sa araw, sa buwan o sa mga bituin 4-5 ay siyasatin ninyong mabuti. Kapag ang sumbong o ang bintang na iyon ay napatunayan, ang nagkasala ay dadalhin sa pintuang bayan, at babatuhin hanggang mamatay. 6 Ang(B) hatol na kamatayan ay igagawad kung may dalawa o tatlong saksi na nagpapatotoo; hindi sapat ang patotoo ng isang saksi. 7 Ang(C) mga saksi ang unang babato sa nagkasala, saka ang taong-bayan. Sa ganitong paraan ay aalisin ninyo sa inyong sambayanan ang kasamaang tulad nito.
8 “Kung sa lugar ninyo ay may mabigat na usapin at hindi ninyo kayang lutasin, tulad ng patayan, pang-aapi o pananakit, pumunta kayo sa lugar na pinili ni Yahweh. 9 Iharap ninyo ito sa mga paring Levita o hukom na nanunungkulan sa panahong iyon, at sila ang hahatol. 10 Tanggapin ninyo ang anumang ihatol nila sa inyo at sunding lahat ang kanilang tagubilin. 11 Kung ano ang sabihin nila, siya ninyong gawin; huwag kayong lalabag sa anumang pasya nila. 12 Papatayin ang sinumang hindi susunod sa katuruan ng pari o sa hatol ng hukom. Sa ganitong paraan ninyo aalisin ang kasamaan sa inyong sambayanan. 13 Kapag ito'y nabalitaan ng lahat, matatakot silang gumawa ng gayunding kasamaan.
Ang Paglalagay ng Hari
14 “Kapag(D) kayo'y naroon na at naninirahan nang maayos sa lupaing ibibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh, makakaisip kayong magkaroon ng hari, tulad ng mga bansa sa paligid ninyo. 15 Maaari kayong maglagay ng hari, ngunit ang ilalagay ninyo ay iyong pinili ni Yahweh at mula sa inyong lahi. Huwag ninyong gagawing hari ang sinumang dayuhan. 16 Ang(E) gagawin ninyong hari ay hindi dapat magparami ng kabayo para sa kanyang sarili; hindi rin niya maaaring iutos sa iba na magbalik sa Egipto para ikuha siya ng maraming kabayo, sapagkat ipinag-utos ni Yahweh, na huwag nang bumalik pa roon. 17 Hindi(F) siya dapat mag-asawa ng marami at baka siya makalimot kay Yahweh; ni hindi siya dapat magpayaman sa panahon ng paghahari. 18 Kapag siya'y nakaupo na sa trono, gagawa siya ng isang kopya ng mga kautusang ito na nasa pag-iingat ng mga paring Levita. 19 Ito ay para sa kanya at babasahin niya araw-araw upang magkaroon siya ng takot kay Yahweh na kanyang Diyos at upang buong puso niyang masunod ang mga kautusan at mga tuntunin ni Yahweh, 20 upang hindi siya magmalaki sa kanyang mga kababayan, at upang hindi siya lilihis sa mga tuntuning ito. Kung magkagayon, siya at ang kanyang mga anak ay maghahari nang matagal sa Israel.
Deuteronomy 17
New International Version
17 Do not sacrifice to the Lord your God an ox or a sheep that has any defect(A) or flaw in it, for that would be detestable(B) to him.(C)
2 If a man or woman living among you in one of the towns the Lord gives you is found doing evil in the eyes of the Lord your God in violation of his covenant,(D) 3 and contrary to my command(E) has worshiped other gods,(F) bowing down to them or to the sun(G) or the moon or the stars in the sky,(H) 4 and this has been brought to your attention, then you must investigate it thoroughly. If it is true(I) and it has been proved that this detestable thing has been done in Israel,(J) 5 take the man or woman who has done this evil deed to your city gate and stone that person to death.(K) 6 On the testimony of two or three witnesses a person is to be put to death, but no one is to be put to death on the testimony of only one witness.(L) 7 The hands of the witnesses must be the first in putting that person to death,(M) and then the hands of all the people.(N) You must purge the evil(O) from among you.
Law Courts
8 If cases come before your courts that are too difficult for you to judge(P)—whether bloodshed, lawsuits or assaults(Q)—take them to the place the Lord your God will choose.(R) 9 Go to the Levitical(S) priests and to the judge(T) who is in office at that time. Inquire of them and they will give you the verdict.(U) 10 You must act according to the decisions they give you at the place the Lord will choose. Be careful to do everything they instruct you to do. 11 Act according to whatever they teach you and the decisions they give you. Do not turn aside from what they tell you, to the right or to the left.(V) 12 Anyone who shows contempt(W) for the judge or for the priest who stands ministering(X) there to the Lord your God is to be put to death.(Y) You must purge the evil from Israel.(Z) 13 All the people will hear and be afraid, and will not be contemptuous again.(AA)
The King
14 When you enter the land the Lord your God is giving you and have taken possession(AB) of it and settled in it,(AC) and you say, “Let us set a king over us like all the nations around us,”(AD) 15 be sure to appoint(AE) over you a king the Lord your God chooses. He must be from among your fellow Israelites.(AF) Do not place a foreigner over you, one who is not an Israelite. 16 The king, moreover, must not acquire great numbers of horses(AG) for himself(AH) or make the people return to Egypt(AI) to get more of them,(AJ) for the Lord has told you, “You are not to go back that way again.”(AK) 17 He must not take many wives,(AL) or his heart will be led astray.(AM) He must not accumulate(AN) large amounts of silver and gold.(AO)
18 When he takes the throne(AP) of his kingdom, he is to write(AQ) for himself on a scroll a copy(AR) of this law, taken from that of the Levitical priests. 19 It is to be with him, and he is to read it all the days of his life(AS) so that he may learn to revere the Lord his God and follow carefully all the words of this law and these decrees(AT) 20 and not consider himself better than his fellow Israelites and turn from the law(AU) to the right or to the left.(AV) Then he and his descendants will reign a long time over his kingdom in Israel.(AW)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.