猶大王瑪拿西

33 瑪拿西十二歲登基,在耶路撒冷執政五十五年。 他做耶和華視為惡的事,效法耶和華在以色列人面前趕走的外族人的可憎行徑。 他重建他父親希西迦拆毀的邱壇,為巴力築造祭壇,製造亞舍拉神像,並祭拜和供奉天上的萬象。 耶和華曾指著祂的殿說:「我的名必永遠在耶路撒冷。」他卻在耶和華的殿內建造異教的祭壇。 他在耶和華殿的兩個院子裡建造祭拜天上萬象的祭壇。 他還在欣嫩子谷把自己的兒子燒死,獻作祭物。他行巫術、占卜、觀兆,求問靈媒和巫師。他做了許多耶和華視為惡的事,惹耶和華發怒。 他雕刻偶像,放在上帝的殿中。關於這殿,上帝曾經對大衛和他兒子所羅門說:「我從以色列眾支派中選擇了這殿和耶路撒冷,我的名要在這裡永遠受尊崇。 只要以色列人謹遵我藉著摩西頒給他們的一切法度、律例和典章,我就不再把他們從我賜給他們祖先的土地上趕走。」 瑪拿西誘使猶大人和耶路撒冷的居民作惡,比耶和華在以色列人面前所毀滅的各族更嚴重。

瑪拿西悔改

10 耶和華警告瑪拿西和他的百姓,他們卻不肯聽從。 11 所以,耶和華就差遣亞述王的將領來攻擊他們,他們捉住瑪拿西,用鉤子鉤著他,用銅鏈鎖著他押往巴比倫。 12 在困苦中,瑪拿西祈求他的上帝耶和華的幫助,並且在他祖先的上帝面前極其謙卑。 13 耶和華應允他的禱告,垂聽他的懇求,使他返回耶路撒冷繼續做王。瑪拿西這才明白耶和華是上帝。

14 這事以後,瑪拿西重建大衛城的外牆,從谷中基訓泉的西邊直到魚門口,環繞俄斐勒,築高城牆。他又派將領駐紮猶大各堅城。 15 瑪拿西將偶像和外族人的神像從耶和華的殿中除去,又把他在聖殿山和耶路撒冷築造的一切祭壇全部拆掉,扔在城外。 16 他重建耶和華的祭壇,在上面獻平安祭和感恩祭,又吩咐猶大人事奉以色列的上帝耶和華。 17 然而,眾人仍然在邱壇獻祭,只是獻給他們的上帝耶和華。

瑪拿西逝世

18 瑪拿西其他的事、他向上帝的禱告以及先見奉以色列的上帝耶和華的名對他說的話,都記在以色列的列王史上。 19 他的禱告,上帝的答覆,他在謙卑下來之前的罪惡和不忠,他在哪裡修築邱壇以及設立亞舍拉神像和其他偶像的事,都記在《先知書》[a]上。 20 瑪拿西與祖先同眠後,葬在宮內,他兒子亞們繼位。

亞們做猶大王

21 亞們二十二歲登基,在耶路撒冷執政兩年。 22 亞們效法他父親瑪拿西,做耶和華視為惡的事。他祭拜和供奉他父親瑪拿西製造的一切偶像。 23 可是,亞們沒有像他父親瑪拿西一樣在耶和華面前謙卑下來。相反,他犯的罪日益增加。 24 他的臣僕謀反,在王宮裡殺了他。 25 民眾殺死那些背叛亞們王的人,立他兒子約西亞為王。

Footnotes

  1. 33·19 《先知書》或譯《何賽的書》。

Ang Paghahari ni Manase sa Juda(A)

33 Si Manase ay 12 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 55 taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita. Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar[a] na ipinagiba ng ama niyang si Hezekia. Nagpatayo rin siya ng mga altar para kay Baal at nagpagawa ng mga posteng simbolo ng diosang si Ashera. Sumamba siya sa lahat ng bagay sa langit. Nagpagawa pa siya ng mga altar sa templo ng Panginoon sa Jerusalem, na ayon sa Panginoon ay ang lugar na kung saan pararangalan siya magpakailanman. Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit. Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak[b], sa Lambak ng Ben Hinom. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Napakasama ng ginawa niya at nakapagpagalit ito sa Panginoon.

Inilagay niya sa templo ang imahen na kanyang ipinagawa, kung saan sinabi ng Panginoon kay David at sa anak niyang si Solomon, “Pararangalan ako magpakailanman sa templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na aking pinili mula sa lahat ng lugar ng mga lahi ng Israel. Kung tutuparin lang ng mga mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan at tuntunin ko na ibinigay sa kanila ni Moises, hindi ko papayagang paalisin sila rito sa lupaing ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.” Pero hinikayat ni Manase ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa paggawa ng masama, at ang ginawa nila ay mas malala pa sa ginawa ng mga bansang ipinalipol ng Panginoon sa harap ng mga Israelita.

10 Kahit binalaan ng Panginoon si Manase at ang kanyang mga mamamayan, hindi pa rin sila nakinig sa kanya. 11 Kaya ipinalusob sila ng Panginoon sa mga sundalo ng Asiria. Binihag nila si Manase, nilagyan ng kawit ang kanyang ilong, kinadenahan, at dinala sa Babilonia. 12 Sa kanyang paghihirap, nagpakumbaba siya at nagmakaawa sa Panginoon na kanyang Dios, na Dios din ng kanyang mga ninuno. 13 At nang nanalangin siya, pinakinggan siya ng Panginoon. Naawa ang Panginoon sa kanyang mga pagmamakaawa. Kaya pinabalik siya ng Panginoon sa Jerusalem at sa kaharian niya. At napagtanto ni Manase na ang Panginoon ang Dios.

14 Simula noon, ipinaayos ni Manase ang panlabas na pader ng Lungsod ni David mula sa kanluran ng Gihon, sa may lambak hanggang sa pintuan na tinatawag na Isda, paliko sa bulubundukin ng Ofel. Pinataasan din niya ito. Pagkatapos, naglagay siya ng mga pinuno sa lahat ng napapaderang lungsod ng Juda. 15 Ipinaalis niya ang mga dios-diosan ng taga-ibang bansa at ang imahen sa templo ng Panginoon. Ipinaalis din niya ang mga altar na ipinatayo niya sa burol na kinatatayuan ng templo at ang mga altar sa ibang bahagi ng Jerusalem, at ipinatapon niya ito sa labas ng lungsod. 16 Pagkatapos, ipinaayos niya ang altar ng Panginoon, at pinag-alayan ng mga handog para sa mabuting relasyon at mga handog ng pasasalamat. Sinabihan niya ang mga mamamayan ng Juda na maglingkod sa Panginoon, ang Dios ng Israel.

17 Ganoon pa man, naghahandog pa rin ang mga tao sa mga sambahan sa matataas na lugar, pero ang Panginoon lang na kanilang Dios ang hinahandugan nila. 18 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manase, pati ang pananalangin niya sa Dios at ang mga sinabi ng mga propeta sa kanya sa pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. 19 Ang panalangin niya at ang sagot ng Panginoon sa kanya, pati ang lahat niyang kasalanan at pagsuway sa Panginoon ay nakasulat sa aklat ng mga Propeta. Nakatala rin dito ang mga lugar na pinatayuan niya ng mga sambahan, mga posteng simbolo ng diosang si Ashera at ng iba pang mga dios-diosan, bago pa siya nagpakumbaba sa Dios. 20 Nang mamatay si Manase, inilibing siya sa palasyo niya. At ang anak niyang si Ammon ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Ammon sa Juda(B)

21 Si Ammon ay 22 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng dalawang taon. 22 Masama ang ginawa ni Ammon sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manase na kanyang ama. Sinamba at hinandugan niya ang mga dios-diosan na ipinagawa ni Manase. 23 Pero hindi tulad ng kanyang ama, hindi siya nagpakumbaba sa Panginoon. Sa halip, dinagdagan pa niya ang kanyang kasalanan.

24 Nagplano ng masama ang mga opisyal ni Ammon laban sa kanya at pinatay siya sa palasyo niya. 25 Pero pinatay ng mga mamamayan ng Juda ang lahat ng pumatay kay Haring Ammon. At ang anak niyang si Josia ang ipinalit nila bilang hari.

Footnotes

  1. 33:3 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  2. 33:6 Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak: o, Idinaan niya sa apoy ang kanyang mga anak.