历代志上 19
Chinese New Version (Simplified)
大卫的使者受辱(A)
19 后来,亚扪人的王拿辖死了,他的儿子接续他作王。 2 大卫说:“我要恩待拿辖的儿子哈嫩,因为他的父亲曾恩待我。”于是大卫差派使者去为了他丧父的事安慰他。大卫的臣仆到了亚扪人境内,去见哈嫩要安慰他。 3 但亚扪人的众领袖对哈嫩说:“大卫差派这些慰问的人到你这里来,你以为他是尊敬你父亲吗?他的臣仆来见你,不是为了窥探、倾覆、侦察这地吗?” 4 于是,哈嫩拿住大卫的臣仆,剃去他们的胡须,又把他们的衣服,从臀部以下割去半截,然后才放他们走。 5 有人去把这些人遭遇的事告诉大卫,他就派人去迎接他们;因为他们非常羞耻,王就说:“你们可以住在耶利哥,等到你们的胡须长长了才回来。”
亚扪人备战(B)
6 亚扪人看见自己与大卫结了仇恨,哈嫩和亚扪人就派人用三万公斤银子,从米所波大米、亚兰玛迦和琐巴去雇战车和马兵。 7 他们雇了三万二千辆战车,以及玛迦王和他的军队;他们都来在米底巴前面安营。亚扪人也从他们的各城聚集起来,出来作战。 8 大卫听见了,就差派约押和全体勇士出去。 9 亚扪人出来,在城门前摆阵;前来助阵的列王,也在田野摆阵。
亚兰人与亚扪人败退(C)
10 约押看见自己前后受敌,就从以色列所有的精兵中,挑选一部分出来,使他们摆阵去迎战亚兰人, 11 他把其余的人交在他兄弟亚比筛手下,使他们摆阵去迎战亚扪人。 12 约押对亚比筛说:“如果亚兰人比我强,你就来帮助我;如果亚扪人比你强,我就去帮助你。 13 你当刚强;为了我们的人民和我们 神的众城镇,我们要刚强;愿耶和华成全他看为美的行事。”
大卫击败亚兰人与亚扪人(D)
14 于是约押和他的军队前进,预备作战攻打亚兰人;亚兰人却在约押面前逃跑了。 15 亚扪人看见亚兰人逃跑,他们也在约押的兄弟亚比筛面前逃跑,退回城里。约押就回耶路撒冷去了。
16 亚兰人看见自己在以色列人面前被打败,就差派使者去把大河那边的亚兰人调过来,有哈大底谢的元帅朔法率领他们。 17 大卫得到报告,就招聚以色列众人,渡过约旦河,来到亚兰人那里,向他们摆阵。大卫摆好阵迎战亚兰人,亚兰人就与他交战。 18 亚兰人在以色列人面前逃跑;大卫杀了亚兰人七千辆战车上的军兵和四万步兵。又杀了亚兰人的元帅朔法。 19 哈大底谢的臣仆看见自己在以色列人面前被打败了,就与大卫议和,臣服了他;于是亚兰人不敢再帮助亚扪人。
1 Cronica 19
Magandang Balita Biblia
Nilupig ni David ang mga Ammonita at mga Taga-Aram(A)
19 Hindi nagtagal at namatay si Nahas na hari ng mga Ammonita. Ang anak niyang si Hanun ang humalili sa kanya. 2 Sinabi ni David, “Napakabuti sa akin ni Nahas. Kailangang kaibiganin ko rin ang kanyang anak.” Kaya nagpadala siya ng mga sugo upang ipahatid ang kanyang pakikiramay kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito.
Pagdating ng mga sugo, 3 sinabi kay Hanun ng mga prinsipe ng Ammon, “Naniniwala ka bang ipinadala ni David ang mga sugong ito upang parangalan ang iyong ama? Hindi kaya naparito ang mga iyan bilang mga espiya at upang malaman kung paano sasakupin ang ating bansa?”
4 Dahil dito'y ipinahuli ni Hanun ang mga sugo ni David, pinaahitan ng balbas at ginupit ang kanilang kasuotan at pinauwing nakahubo. 5 Ngunit nahihiya silang umuwi. Nang malaman ni David ang nangyari, iniutos niyang salubungin ang mga ito at ipinagbilin na sa Jerico muna pansamantalang manatili hanggang hindi tumutubo ang kanilang balbas.
6 Alam ng mga Ammonita na ang ginawa nila'y ikagagalit ni David, kaya nagpadala si Hanun ng 35,000 kilong pilak sa Mesopotamia, Siria, Maaca at Soba upang umupa ng mga karwahe at mangangabayo sa mga lupaing iyon. 7 Nakakuha sila ng 32,000 karwahe at nakasama pati ang hari ng Maaca at ang kanyang hukbo. Doon sila nagkampo sa tapat ng Medeba. Dumating din ang mga Ammonita mula sa kani-kanilang mga lunsod at humanda rin sa paglaban. 8 Nang malaman ito ni David, pinalabas niya ang kanyang mga mandirigma sa pangunguna ni Joab. 9 Lumabas ang mga Ammonita at humanay sa mga pasukan ng lunsod samantalang ang kanilang mga haring kakampi ay humanay naman sa kapatagang malapit doon.
10 Nang makita ni Joab na dalawang pangkat ang kaaway nila at nanganganib sila sa unahan at likuran, nagdalawang pangkat din sila. Pumili siya ng matatapang na mga Israelita at pinaharap sa mga taga-Siria. 11 Ang mga iba naman na pinangunahan ng kapatid niyang si Abisai ay pinaharap sa mga Ammonita. 12 Sinabi niya rito, “Kung matatalo kami ng mga taga-Siria, tulungan mo kami. Kung kayo naman ang matatalo ng mga Ammonita, tutulungan namin kayo. 13 Kaya lakasan ninyo ang inyong loob! Lalaban tayo nang buong tapang alang-alang sa ating mga kababayan at sa mga lunsod ng ating Diyos. Mangyari nawa ang kalooban ni Yahweh.”
14 Nang magsagupa ang pangkat ni Joab at ang mga taga-Siria, napatakbo nila ang mga ito. 15 Nang makita ng mga Ammonita ang nangyari, pati sila'y umurong papuntang lunsod. Hinabol naman sila ng pangkat ni Abisai. Pagkatapos, bumalik na si Joab sa Jerusalem. 16 Nang makita ng mga taga-Siria na wala silang kalaban-laban sa Israel, humingi sila ng tulong sa mga kasamahan nila sa ibayo ng Ilog Eufrates. Tumulong naman ang pangkat na pinamumunuan ni Sofac, pinuno ng hukbo ni Hadadezer. 17 Agad namang ibinalita ito kay David, at noon di'y inihanda niya ang buong hukbo ng Israel. Tumawid sila sa Jordan at humanda sa pakikipaglaban. 18 Sinalakay sila ng mga taga-Siria, ngunit napaurong na naman ito ng hukbo ng Israel. Nakapatay sila ng 7,000 nakakarwahe, at 40,000 kawal na lakad kasama ang kanilang pinuno na si Sofac. 19 Nang matalo ng Israel ang mga haring kakampi ni Hadadezer, sumuko ang mga ito, nakipagkasundo kay David at nagpasakop sa kanya. 20 Mula noon, ayaw nang tumulong ng mga taga-Siria sa mga Ammonita.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
