希伯来书 12
Chinese Standard Bible (Simplified)
要坚忍到底
12 因此,我们既然有这么一大群见证人,如同云彩围绕着我们,就让我们脱去各样的重担和容易缠累我们的罪,藉着忍耐去跑那摆在我们前面的赛程, 2 仰望信仰的创始者和成终者耶稣。他为了[a]那摆在他前面的喜乐,就轻看羞辱,忍受了十字架,如今坐在神宝座的右边。
为父的管教
3 其实,你们应当仔细地思想耶稣如何忍受了罪人的顶撞,这样你们心里[b]就不会因丧气而疲倦。 4 你们与罪争战,还没有抵抗到流血的地步。 5 难道你们已经忘记那安慰的话吗?就是他对你们如同对儿女那样讲论的话:
“我儿,你不可轻看主的管教;
被他责备的时候,也不可丧气。
6 因为主所爱的人,主都管教;
他所接纳的每一个儿子,他都鞭打。”[c]
7 对管教的事,你们要忍受;神对待你们,就像对待儿女那样。到底哪一个儿子不受父亲的管教呢? 8 大家都有份受管教;你们如果没有受管教,那么,你们就是私生子,不是儿子了。 9 再者,我们有肉身的父亲来管教我们,我们尚且敬重他们,何况对这位万灵之父,我们难道不更要服从他而活着吗? 10 肉身的父亲在短暂的日子里,固然照着自己的意思来管教我们;但万灵之父是为了我们的益处管教我们,好使我们在他的圣洁上有份。 11 不过所有的管教,当时虽然不觉得是愉快的事,反觉得是忧伤的事,而后来却为那些由此受到操练的人,结出平安和义行的果子。
12 因此,你们要把发软的手、发酸的腿伸直吧! 13 也要为你们的脚把道路修直[d],好使瘸腿的不至扭脚[e],反得痊愈。
警告弃绝神恩典的人
14 你们要追求与众人和睦,要追求圣洁。任何不圣洁的人,都不能见到主。 15 你们要谨慎,免得有人亏缺了神的恩典;免得有苦毒的根长起来搅扰你们,使许多人因此被污秽了; 16 又免得有淫乱的,或像以扫那样不敬神的。以扫为了[f]一点食物,就把自己长子的名份卖了; 17 你们知道,后来他想继承祝福,却被弃绝了,虽然他流着泪水寻求,还是找不到悔改的机会。
18 你们并不是来到了摸得着的山[g]、燃烧着的火、阴云、幽暗、风暴、 19 号角的响声和说话的声音面前——那些听见这声音的人,都恳求不要再向他们说话了, 20 因为他们担当不了那吩咐他们的话:“即使是野兽触摸这山,也要用石头砸死[h]。”[i] 21 那景象实在可怕,连摩西也说:“我非常害怕战兢。”[j] 22 相反,你们却是来到了锡安山、永生神的城、天上的耶路撒冷面前;来到了千万天使的盛会面前; 23 来到了长子们[k]的教会面前——他们的名字[l]已经登记在天上;来到了神面前——他是万人的审判者;来到了义人的灵魂面前——他们得以完全; 24 来到了耶稣面前——他是新约的中保;来到了所洒的血面前——这血比亚伯的血所述说的更美好。
25 你们要当心,不要拒绝向你们[m]说话的那一位。要知道,那些拒绝了在地上警告他们的,尚且无法逃脱惩罚[n],更何况我们背弃从天上警告我们的那一位呢! 26 那时候,他的声音震动了大地,但如今他应许说:“我不仅要再一次震动地,而且还要震动天。”[o] 27 “再一次”这句话表明了那些能够被震动的,就如被造之物,都要被挪去,好使那些不能被震动的可以存留。 28 因此,我们既然在领受一个不能被震动的国度,就让我们怀有感恩的心[p],藉此以虔诚和敬畏,照着神所喜悦的[q]来事奉他。 29 要知道,我们的神实在是吞噬的烈火。
Footnotes
- 希伯来书 12:2 为了——或译作“替换”。
- 希伯来书 12:3 心里——或译作“灵魂”。
- 希伯来书 12:6 《箴言》3:11-12。
- 希伯来书 12:13 修直——或译作“修平”。
- 希伯来书 12:13 扭脚——或译作“偏离”或“被人避开”。
- 希伯来书 12:16 为了——或译作“替换”。
- 希伯来书 12:18 有古抄本没有“山”。
- 希伯来书 12:20 有古抄本附“或被标枪刺穿”。
- 希伯来书 12:20 《出埃及记》19:12-13。
- 希伯来书 12:21 《申命记》9:19。
- 希伯来书 12:23 长子——原文直译“首生者”。
- 希伯来书 12:23 名字——辅助词语。
- 希伯来书 12:25 向你们——辅助词语。
- 希伯来书 12:25 惩罚——辅助词语。
- 希伯来书 12:26 《哈该书》2:6。
- 希伯来书 12:28 怀有感恩的心——或译作“持守恩典”。
- 希伯来书 12:28 照着神所喜悦的——或译作“按蒙喜悦的方式”。
Hebreo 12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Dios na Ama Natin
12 Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.
3 Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Jesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, para hindi kayo panghinaan ng loob. 4 Kung tutuusin, wala pa namang pinatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan. 5 Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Dios sa inyo bilang mga anak niya:
“Anak, huwag mong balewalain ang pagdidisiplina ng Panginoon,
at huwag kang panghinaan ng loob kung sinasaway ka niya.
6 Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,
at pinapalo niya ang itinuturing niyang mga anak.”[a]
7 Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Dios sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? 8 Kung hindi kayo dinidisiplina ng Dios gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. 9 Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, para maging mabuti ang pamumuhay natin. 10 Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. 11 Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay.
Mga Babala at Bilin
12 Kaya palakasin ninyo ang sarili nʼyo at patibayin ang inyong loob. 13 Lumakad kayo sa matuwid na daan upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na mahihina ang pananampalataya, ay hindi matisod at mapilayan kundi lumakas. 14 Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. 15 Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay. 16 Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng sekswal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espiritwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan.[b] 17 At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya.
18 Ang paglapit nʼyo sa Dios ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila – ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin. 19 Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila 20 dahil hindi nila makayanan ang utos na ito: “Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay.”[c] 21 Tunay na kakila-kilabot ang tanawing iyon, kaya maging si Moises ay nagsabi, “Nanginginig ako sa takot!”[d]
22 Ngunit hindi ganito ang paglapit nʼyo sa Panginoon. Dahil ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion, ang lungsod ng Dios na buhay, ang Jerusalem na nasa langit na may libu-libong anghel na nagtitipon nang may kagalakan. 23 Lumapit kayo sa pagtitipon[e] ng mga itinuturing na mga panganay ng Dios, na ang mga pangalan nila ay nakasulat sa langit. Lumapit kayo sa Dios na siyang hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong itinuring na matuwid ng Dios at ginawa na niyang ganap. 24 Lumapit kayo kay Jesus na siyang tagapamagitan natin sa Dios sa bagong kasunduan. Ang kasunduang itoʼy pinagtibay ng kanyang dugo na higit na mabuti kaysa sa dugo ni Abel na humihingi ng katarungan.
25 Kaya mag-ingat kayo at huwag tanggihan ang Dios na nagsasalita sa atin. Ang mga tao noon na hindi nakinig sa mga propeta rito sa lupa ay hindi nakaligtas sa parusa. Paano kaya tayo makakaligtas kung hindi natin pakikinggan ang nagsasalita mula sa langit? 26 Yumanig noon ang lupa nang magsalita ang Dios. At ngayon ay nangako siya, “Minsan ko pang yayanigin ang mundo, pati na rin ang langit.”[f] 27 Ang katagang “minsan pa” ay nagpapahiwatig na aalisin ng Dios ang lahat ng nilikha niya na nayayanig, para manatili ang mga bagay na hindi nayayanig. 28 Kaya magpasalamat tayo sa Dios dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya, 29 dahil kapag nagparusa ang ating Dios, itoʼy parang apoy na nakakatupok.[g]
Copyright © 2011 by Global Bible Initiative
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®