同是上帝的仆人

弟兄姊妹,以前我对你们讲话的时候,还不能把你们看作属灵的人,只能把你们看作属肉体的人,是在基督里的婴孩。 我只能用奶而不能用饭来喂养你们,因为你们当时不能消化,甚至现在也不能。 你们仍然是属肉体的人,因为你们中间有嫉妒、争斗。这岂不证明你们是属肉体的,行事为人和世人一样吗? 你们有的说:“我是跟随保罗的”,有的说:“我是跟随亚波罗的”,这岂不证明你们和世人一样吗?

亚波罗算什么?保罗算什么?我们不过是上帝的仆人,各人照着主所赐的才干引导你们信靠上帝。 我栽种,亚波罗灌溉,但使之生长的是上帝。 所以栽种的和灌溉的都算不得什么,一切都在于使之生长的上帝。 其实栽种的人和浇灌的人目标都一样,各人将按照自己的付出得报酬。 因为我们是上帝的同工,你们是上帝的园地和建筑。

10 我照着上帝赐给我的恩典,好像一位有智慧的建筑师打稳了根基,然后让其他的工人在上面建造。但每个人建造的时候要小心, 11 因为除了那已经奠定的根基——耶稣基督以外,没有人能另立根基。 12 人们用金、银、宝石、草、木或禾秸在这根基上建造, 13 每个人的工程将来都会显明出来,因为到了审判的日子,必用火试验各人工程的品质。 14 人在这根基上所建造的工程若经得起考验,他必获得奖赏。 15 人的工程若被烧毁了,他必遭受损失,自己虽然可以得救,却像火里逃生一样。

16 岂不知你们就是上帝的殿,上帝的灵住在你们里面吗? 17 若有人摧毁上帝的殿,上帝必摧毁那人,因为上帝的殿是神圣的,你们就是这殿。

18 你们不要自欺。如果你们有人自以为在世上有智慧,他应当变成愚人,好成为真正的智者。 19 因为这世上的智慧在上帝的眼中都是愚昧的,正如圣经上说:“上帝使智者中了自己的诡计。” 20 又说:“主知道智者的思想虚妄。” 21 因此,谁都不要仗着人夸耀,因为万物都属于你们, 22 无论是保罗、亚波罗、彼得、世界、生命、死亡、现在的事或将来的事都属于你们, 23 你们属于基督,基督属于上帝。

Mga Lingkod ng Diyos

Mga kapatid, hindi ko kayo makausap bilang mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay pa ayon sa laman at mga sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo. Gatas(A) ang ibinigay ko sa inyo noon at hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi ninyo kaya iyon. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo kaya, sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Ang inyong pag-iinggitan at pag-aaway-away ay palatandaan na makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. Kapag(B) sinasabi ng isa, “Ako'y kay Pablo,” at ng iba, “Ako'y kay Apolos,” hindi ba't palatandaan iyan na kayo'y namumuhay pa ayon sa laman?

Sino ba si Apolos at sino si Pablo? Kami'y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananampalataya kay Cristo. Ginawa lamang ng bawat isa sa amin ang tungkuling ibinigay ng Panginoon. Ako(C) ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago. Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap. Kami'y kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin.

Kayo rin ay gusali ng Diyos. 10 Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali. Ngunit dapat maging maingat ang bawat nagtatayo, 11 sapagkat wala nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-Cristo. 12 May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato; mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. 13 Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa. 14 Kung ang itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay hindi masunog, tatanggap ng gantimpala ang nagtayo noon. 15 Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy.

16 Hindi(D) ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? 17 Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.

18 Huwag dayain ninuman ang kanyang sarili. Kung may nag-aakalang siya'y matalino ayon sa sanlibutang ito, aminin niyang siya'y mangmang upang maging tunay na marunong. 19 Sapagkat(E) ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos. Gaya ng nasusulat, “Ginagamit niya ang katusuhan ng mga marurunong para mabitag sila.” 20 Gayundin,(F) “Batid ng Panginoon na ang iniisip ng marurunong ay walang kabuluhan.” 21 Kaya't huwag ipagmalaki ninuman na siya'y tagasunod ng sinuman, sapagkat ang lahat ay para sa inyo: 22 si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat ng ito'y para sa inyo. 23 At kayo'y para kay Cristo, at si Cristo nama'y para sa Diyos.