Pahayag 3
Ang Salita ng Diyos
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Sardis
3 Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Sardis:
Ako na may taglay ng pitong Espiritu ng Diyos at ng pitong bituin ang nagsasabi ng mga bagay na ito: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, mayroon kang pangalan na ikaw ay nabubuhay, ngunit ikaw ay patay.
2 Magbantay ka. Palakasin mo ang mga bagay na natitira na malapit nang mamatay sapagkat nasumpungan ko na ang inyong mga gawa ay hindi ganap sa paningin ng Diyos. 3 Kaya nga, alalahanin mo kung papaano ka tumanggap at nakinig. Tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya nga, kung hindi ka magbantay, ako ay paririyan sa iyo katulad ng isang magnanakaw. Kailanman ay hindi mo malalaman kung anong oras ako paririyan sa iyo.
4 Mayroon kang ilang tao sa Sardis na hindi narumihan ang kanilang mga kasuotan. Sila ay kasama kong lalakad na nararamtan ng maputing damit dahil sila ay karapat-dapat. 5 Ang magtatagumpay ay daramtan ko ng maputing damit. Hindi ko buburahin kailanman ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay. Kikilalanin ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama at sa harapan ng kaniyang mga anghel. 6 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Filadelfia
7 Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Filadelfia:
Ako ang Banal at Totoo. Ako ang may hawak ng susi ni David na nagbubukas at walang makakapagsara nito, nagsasara ako at walang makakapagbukas nito.
8 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, narito, inilagay ko sa harap mo ang isang pintuang bukas at walang makakapagsara nito sapagkat kaunti ang iyong lakas at tinupad mo ang aking salita at hindi mo ipinagkaila ang aking pangalan. 9 Narito, sinasabi ko ito sa kanila na kabahagi ng sinagoga ni Satanas, yaong mga nagsasabi na sila ay mga Judio at hindi naman. Subalit sila ay nagsinungaling. Narito, palalapitin ko sila upang magpatirapa sa iyong paanan. Ipaaalam ko sa kanila na iniibig kita. 10 Dahil tinupad mo ang aking salita na ikaw ay dapat maging matiisin, iingatan kita sa panahong ito ng pagsubok na darating na sa mga tao sa buong sanlibutan upang subukin ang mga naninirahan sa lupa.
11 Narito, darating na ako agad. Panghawakan mo ang anumang iyong tinataglay upang walang sinumang makakuha ng iyong gantimpalang putong. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa banal na dako ng aking Diyos. Siya ay hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababang galing sa langit mula sa aking Diyos. Isusulat ko sa kaniya ang bago kong pangalan. 13 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Laodicea
14 Isulat mo sa anghel ng iglesiya sa Laodicea:
Ako, na tinatawag na Siya nawa, ang tapat at totoong saksi, ang pasimula ng mga nilalang ng Diyos, ang nagsasabi ng mga bagay na ito:
15 Nalalaman ko ang iyong mga gawa na ikaw ay hindi malamig o mainit. Ang nais ko ay maging malamig ka o mainit. 16 Kaya nga, sapagkat ikaw ay maligamgam, hindi malamig o mainit, isusuka na kita mula sa aking bibig. 17 Sinasabi mo: Ako ay mayaman. Ako ay naging mayaman at hindi nangangailangan ng anuman. Hindi mo alam na ikaw ay sawimpalad, nararapat kahabagan, maralita, bulag at hubad. 18 Dahil dito, pinapayuhan kita na bumili ng ginto mula sa akin na dinalisay ng mga tao sa apoy upang yumaman ka. Bumili ka ng maputing damit upang ikaw ay mabihisan. Sa ganitong paraan ay hindi makikita ng mga tao ang kahihiyan ng iyong kahubaran. Pahiran mo ang iyong mga mata ng gamot para sa mata upang makakita ka.
19 Sinasaway ko at sinusupil ko ang aking mga minamahal. Kaya nga, magsumigasig ka at magsisi. 20 Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at siya ay kakaing kasama ko.
21 Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang maupong kasama ko sa aking trono, katulad din ng aking pagtatagumpay. At ako ay umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang trono. 22 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.
啟示錄 3
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
給撒狄教會的信
3 「你要寫信告訴撒狄教會的天使,有上帝的七靈又有七顆星的主說,
『我知道你的行為,你名義上活著,實際上是死的。 2 你要警醒!把所剩無幾、奄奄一息的生命振作起來,因為我發現你的行為在我的上帝面前不純全。 3 因此,要回想你以前所領受、所聽見的教導,遵守這些教導,並且悔改。你若不警醒,我必在你意想不到的時候像賊一樣忽然來到。 4 不過在撒狄,你還有幾個人未曾玷污自己的衣服,他們要穿白袍與我同行,因為他們配得這樣。 5 得勝者必同樣穿上白袍,我絕不會從生命冊上抹去他的名字,我必在我父和眾天使面前承認他的名。
6 『聖靈對各教會所說的話,凡有耳朵的都應當聽。』
給非拉鐵非教會的信
7 「你要寫信告訴非拉鐵非教會的天使,那位聖潔、真實、拿著大衛的鑰匙、開了門無人能關、關了門無人能開的主說,
8 『我知道你的行為,你力量微小,卻遵守了我的教導,沒有背棄我的名。所以,看啊!我在你面前為你打開了一扇無人能關閉的門。 9 看啊!我要使撒旦的同夥,就是那些假冒猶太人的說謊者,在你面前俯伏下拜,讓他們知道你是我所疼愛的。 10 因為你遵守我有關堅忍的教導,所以當將來的試煉臨到全人類的時候,我必使你免受磨難。 11 我很快就要來了!你要持守你所擁有的,免得有人奪去你的冠冕。 12 我要使得勝者在我上帝的殿中作棟樑,永不離開。我要將我上帝的名號和我上帝聖城的名號,就是從天上我上帝那裡降下來的新耶路撒冷和我自己的新名號,都刻在他上面。
13 『聖靈對各教會所說的話,凡有耳朵的都應當聽。』
給老底嘉教會的信
14 「你要寫信告訴老底嘉教會的天使,那位實實在在[a]、誠信無偽的見證人,就是上帝所造萬物的元首說,
15 『我知道你的行為,你不冷也不熱。我情願你或冷或熱, 16 可是現在你卻像溫水一樣不冷不熱,我必將你從我口中吐出去! 17 你說,我很富有,已經發了財,什麼都不缺。你卻不知道自己困苦、可憐、貧窮、瞎眼、赤身露體。 18 我勸你向我買精煉的金子,使你真正富有。你也要向我買白袍穿在身上,好遮蓋你赤身露體的羞辱。你也要向我買眼藥抹眼睛,使你能看見。 19 凡我所愛的,我都會責備、管教。因此,你要熱心起來,也要悔改。 20 看啊!我站在門外敲門,若有誰聞聲開門,我必進去,我與他,他與我,一同坐席吃飯。 21 得勝者可以和我一同坐在我的寶座上,正如我得勝後與我父一同坐在祂的寶座上一樣。
22 『聖靈對各教會所說的話,凡有耳朵的都應當聽。』」
Footnotes
- 3·14 「那位實實在在」希臘文是「那位阿們的」。
Copyright © 1998 by Bibles International