历代志上 28
Chinese New Version (Traditional)
大衛宣告建殿的心意
28 大衛把以色列的眾領袖:各支派的領袖、輪班服事王的領袖、千夫長、百夫長、掌管王和王子們一切財產與牲畜的領袖,以及太監、顯貴和所有英勇的戰士,都召集到耶路撒冷來。 2 大衛王站起來,說:“我的兄弟,我的人民哪,你們要聽我的話;我心裡有意要建造一所安放耶和華的約櫃的殿宇,作我們的 神的腳凳,並且我已經準備好要建造。 3 可是 神對我說:‘你不可為我的名建造殿宇,因為你是個戰士,曾殺人流血。’ 4 然而耶和華以色列的 神,在我父的全家揀選了我作以色列人的王,直到永遠;因為他揀選了猶大作領袖;在猶大家中揀選了我的父家;在我父親的眾子中,他喜悅我,立我作全以色列的王; 5 在我的眾子中(因為耶和華賜給我許多兒子),他揀選了我的兒子所羅門,坐耶和華的國位,統治以色列。 6 耶和華對我說:‘你的兒子所羅門要建造我的殿宇和庭院;因為我已經揀選他作我的兒子,我也要作他的父親。 7 如果他堅心遵行我的誡命和典章,像今日一樣,我必堅立他的國,直到永遠。’ 8 所以現今在耶和華的會眾,全體以色列人面前,我們的 神也在垂聽,你們務要謹守和尋求耶和華你們 神的一切誡命,使你們可以承受那美地,並且遺留給你們以後的子孫,永遠作為產業。
9 “至於你,我兒所羅門哪,你要認識耶和華你父親的 神,一心樂意事奉他,因為耶和華鑒察萬人的心,知道人的一切心思意念。你若是尋求他,就必尋見;你若是離棄他,他必永遠丟棄你。 10 現在你當謹慎,因為耶和華揀選了你建造殿宇,作為聖所;你要勇敢地去作。”
大衛指示所羅門聖殿的設計
11 大衛把殿的走廊、房屋、庫房、閣樓、內殿和安放施恩座的聖所的圖樣,都交給他的兒子所羅門; 12 又把他心中所想的圖樣,就是耶和華殿的院子、四周所有的房屋、神殿裡的庫房和聖物庫房的圖樣,都指示了他; 13 又把祭司和利未人的班次,耶和華殿裡各樣的職事和耶和華殿裡一切需用的器皿,都指示了他; 14 大衛又指示了他用多少金子做各樣需用的金器;用多少銀子做各樣需用的銀器; 15 用多少金子做金燈臺和臺上的金燈;用多少金子做每盞金燈臺和臺上的金燈;用多少銀子做銀燈臺和臺上的銀燈。每盞銀燈臺和臺上的銀燈用多少銀子,都按照每盞燈臺的用途; 16 用多少金子做陳設餅的桌子;用多少銀子做銀桌子; 17 用多少純金做叉、盤和壺;用多少金子做金碗,每隻碗重量多少;用多少銀子做銀碗,每隻碗重量多少; 18 用多少精金做香壇;又用金子做基路伯,像車的樣子;基路伯展開翅膀,遮蓋著耶和華的約櫃。 19 大衛說:“以上這一切,就是一切工作的樣式,都是耶和華用手寫給我,使我明白的。”
繼續訓勉所羅門
20 大衛又對他的兒子所羅門說:“你要堅強勇敢地去作,不要懼怕,也不要驚惶,因為耶和華 神,就是我的 神,與你同在;他必不撇下你,也不丟棄你,直到耶和華殿的一切工作都完成。 21 你看,有祭司和利未人的各班次,辦理神殿裡的一切事務;又有各種的巧匠,在各樣的工作上,樂意幫助你,並且眾領袖和所有的人民,都聽從你的一切命令。”
1 Cronica 28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Plano ni David para sa Templo
28 Ipinatawag ni Haring David sa Jerusalem ang lahat ng opisyal ng Israel: Ang mga opisyal ng mga lahi, ang mga kumander ng bawat grupo ng mga sundalo na naglilingkod sa hari, ang iba pang mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, ang mga opisyal na namamahala sa lahat ng ari-arian at mga hayop ng hari at ng kanyang mga anak, ang mga opisyal ng palasyo, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng mahuhusay na sundalo.
2 Nang nagtitipon na sila, tumayo si David at sinabi, “Makinig kayo, aking mga kapatid at tauhan. Gusto ko sanang magpatayo ng templo para paglagyan ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na ating Dios, upang magkaroon ng tungtungan ang kanyang mga paa. At nakapagplano na ako para sa pagpapatayo nito. 3 Pero sinabi ng Dios sa akin, ‘Hindi ikaw ang magpapatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan dahil isa kang sundalo at marami kang napatay.’ 4 Ngunit sa kabila nito, pinili ako ng Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa aming pamilya na maging hari ng Israel magpakailanman. Pinili niya ang lahi ni Juda bilang pinuno ng mga lahi. At mula sa lahing ito, pinili niya ang aking pamilya, at mula sa aking pamilya ikinalugod niya ang pagpili sa akin bilang hari ng buong Israel. 5 Binigyan niya ako ng maraming anak na lalaki, at mula sa kanila, pinili niya si Solomon na maghari sa kanyang kaharian, ang Israel. 6 Sinabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magpapatayo ng aking templo, at ng mga bakuran nito. Sapagkat pinili ko siya na maging aking anak, at akoʼy magiging kanyang ama. 7 At kung patuloy siyang susunod sa mga utos ko at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon, paghahariin ko ang kanyang angkan magpakailanman.’
8 “Kaya ngayon, inuutusan ko kayo sa harap ng lahat ng Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, at sa presensya ng ating Dios, na maingat nʼyong sundin ang lahat ng utos ng Panginoon na inyong Dios. Kung gagawin nʼyo ito, patuloy na kayo ang magmamay-ari ng magandang lupaing ito, at ipamamana ninyo ito sa inyong mga angkan magpakailanman.
9 “At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Dios ng iyong ama nang buong puso mo at isip, dahil nakikita ng Panginoon ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman. 10 Kaya pag-isipan mo itong mabuti. Pinili ka ng Panginoon para ipatayo ang templo para roon siya sambahin. Magpakatatag ka, at gawin mo ang gawaing ito.”
11 Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng templo at ng mga balkonahe nito, mga gusali, mga bodega, mga silid sa itaas, mga silid sa loob, at ang Pinakabanal na Lugar na kung saan pinapatawad ang mga kasalanan ng mga tao. 12 Ibinigay niya ang lahat ng plano na itinuro sa kanya ng Espiritu[a] para sa pagpapatayo ng mga bakuran ng templo ng Panginoon, sa lahat ng silid sa paligid nito, sa mga bodega ng templo ng Dios, kasama na ang mga bodega para sa mga bagay na inihandog. 13 Tinuruan din niya si Solomon kung paano igugrupo ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng gawain sa paglilingkod sa templo ng Panginoon, ganoon din ang lahat ng mga gagamitin sa paglilingkod. 14 Itinuro rin niya kung gaano karaming pilak at ginto ang gagamitin sa paggawa ng mga gamit na ito: 15 sa mga ilawang ginto at mga lagayan nito; sa mga ilawang pilak at mga lagayan nito; 16 sa mga mesang ginto kung saan ilalagay ang tinapay na inihahandog sa Dios; sa mesang pilak; 17 sa mga malaking gintong tinidor; sa mga mangkok at mga pitsel; sa mga platong ginto at pilak; 18 at sa gintong altar na pagsusunugan ng insenso. Tinuruan din ni David si Solomon kung paano gawin ang gintong kerubin na nakalukob ang mga pakpak sa itaas ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.
19 Sinabi ni Haring David, “Ang mga planong ito ay isinulat ayon sa gabay ng Panginoon, at tinuruan niya ako kung paano gawin ang lahat ng ito.”
20 Sinabi rin ni David sa anak niyang si Solomon, “Magpakatatag ka at magpakatapang. Simulan mo na ang pagpapagawa. Huwag kang matakot o manlupaypay, dahil ang Panginoong Dios, ang aking Dios ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa templo ng Panginoon. 21 Nakahanda na ang grupo ng mga pari at mga Levita para sa lahat ng gawain sa templo ng Dios, at may mga tao rin na may kakayahang gumawa ng anumang gawain na handang tumulong sa iyo. Ang mga opisyal at ang lahat ng tao ay handang sumunod sa iyo.”
Footnotes
- 28:12 na itinuro sa kanya ng Espiritu: o, na kanyang napag-isipan.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®