历代志上 10
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
扫罗之死
10 非利士人与以色列人交战,以色列人败逃,许多人在基利波山被杀。 2 非利士人穷追扫罗及其众子,杀了扫罗的儿子约拿单、亚比拿达和麦基舒亚。 3 扫罗周围的战斗非常猛烈,他被弓箭手发现、射成重伤, 4 就对为他拿兵器的人说:“拔出你的刀来刺死我吧!免得那些未受割礼的人来凌辱我。”但拿兵器的人非常害怕,不敢动手,扫罗就自己伏刀自尽。 5 拿兵器的人看见扫罗已死,也伏刀自尽了。 6 这样,扫罗和他的三个儿子及全家都死了。 7 住在山谷中的以色列人看见以色列军败逃、扫罗及其众子已死,都弃城而逃。于是,非利士人占领了那些城邑。 8 次日,非利士人来剥阵亡者的衣物,发现扫罗及其众子横尸基利波山, 9 就剥下扫罗的盔甲,割下他的头颅,并派人到非利士四境向他们的偶像和民众通告消息。 10 他们将扫罗的盔甲放在他们的神庙里,把他的头颅挂在大衮神庙中。 11 基列·雅比人听见非利士人对扫罗的所作所为, 12 他们所有的勇士就去把扫罗和他儿子们的尸体运到雅比,葬在雅比的橡树下,并禁食七天。 13 扫罗死了,因为他对耶和华不忠,不听从祂的教诲,甚至去求问灵媒, 14 而不求问耶和华。因此,耶和华使他被杀,把王位交给了耶西的儿子大卫。
1 Cronica 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pinatay ni Saul ang Sarili(A)
10 Nakipaglaban ang mga Filisteo sa mga Israelita sa Bundok ng Gilboa. Maraming namatay sa mga Israelita, at ang iba sa kanilaʼy nagsitakas. 2 Hinabol ng mga Filisteo si Saul at ang mga anak niyang lalaki, at pinatay nila ang mga anak niyang sina Jonatan, Abinadab at Malki Shua. 3 Matindi ang labanan nina Saul at ng mga Filisteo. Tinamaan siya ng pana at malubhang nasugatan. 4 Sinabi ni Saul sa tagapagdala ng kanyang armas, “Bunutin mo ang iyong espada at patayin ako, dahil kung hindi, silang mga hindi nakakakilala sa Dios[a] ang papatay sa akin, at pagtatawanan pa nila ako.” Pero natakot ang tagapagdala niya ng armas na patayin siya, kaya kinuha ni Saul ang sarili niyang espada, at sinaksak ang sarili.
5 Nang makita ng tagapagdala ng armas na patay na si Saul, sinaksak din niya ang kanyang sarili at namatay siya. 6 Kaya namatay si Saul, ang tatlo niyang anak na lalaki, at ang lahat ng pamilya niya.
7 Nang panahong iyon, may mga Israelitang nakatira sa lambak ng Jezreel. Nang makita nilang nagsitakas ang mga sundalo ng Israel at patay na si Saul pati ang mga anak niya, iniwan nila ang mga bayan nila at nagsitakas din. Kaya pinasok ng mga Filisteo ang mga bayan at tinirhan nila ang mga ito.
8 Kinabukasan, nang pumunta ang mga Filisteo sa Bundok ng Gilboa para kunin ang mahahalagang bagay sa mga namatay na sundalo, nakita nila ang bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak. 9 Kinuha nila ang mga armas ni Saul at pinutol ang ulo nito. Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa buong lupain ng Filisteo para ibalita sa kanilang mga dios-diosan at mga kababayan na patay na si Saul. 10 Inilagay nila ang armas ni Saul sa templo ng kanilang mga dios, at isinabit ang ulo niya sa templo ng dios nilang si Dagon.
11 Nabalitaan ng mga taga-Jabes Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul. 12 Kaya lumakad ang lahat ng kanilang matatapang na tao at kinuha ang bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak, at dinala nila ito sa Jabes. Pagkatapos, inilibing nila ang mga bangkay sa ilalim ng malaking punongkahoy sa Jabes, at nag-ayuno sila ng pitong araw.
13 Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat sa Panginoon. Hindi niya tinupad ang utos ng Panginoon, at dumulog pa siya sa mga espiritista 14 sa halip na humingi siya ng payo sa Panginoon. Kaya pinatay siya ng Panginoon at ibinigay ang kaharian kay David na anak ni Jesse.
Footnotes
- 10:4 hindi nakakakilala sa Dios: sa literal, hindi tuli.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®