Add parallel Print Page Options

Ang tawag kay Abram.

12 Sinabi nga ng (A)Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:

(B)At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:

(C)At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: (D)at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.

Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pagaaring kanilang natipon (E)at ang mga taong kanilang nakuha (F)sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan.

(G)At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, (H)hanggang sa punong encina ng More. (I)At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,

At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (J)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.

At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: (K)at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.

At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan.

Si Abram ay nanirahan sa Egipto.

10 (L)At nagkagutom sa lupaing yaon: at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain.

11 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin:

12 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; (M)at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay.

13 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo.

14 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda.

15 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon.

16 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,

17 (N)At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram.

Pinaglalangan ni Abram si Faraon.

18 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa?

19 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa: ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka.

20 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya: at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pagaari.

亞伯蘭蒙 神呼召

12 耶和華對亞伯蘭說:

“你要離開本地、本族、父家,

到我指示你的地方去。

我必使你成為大國,

賜福給你,

使你的名為大,

你也必使別人得福,

給你祝福的,我必賜福給他;

咒詛你的,我必咒詛他;

地上的萬族,都必因你得福。”

亞伯蘭就照著耶和華吩咐他的去了;羅得也和他同去。亞伯蘭離開哈蘭的時候,已經七十五歲。 亞伯蘭帶著他的妻子撒萊和姪兒羅得以及他們在哈蘭所積蓄的一切財物,和所獲得的人口,一同出來,要到迦南地去。後來他們到了迦南地。 亞伯蘭穿過那地,到了示劍的地方,摩利的橡樹那裡。當時,迦南人住在那地。 耶和華向亞伯蘭顯現,說:“我要把這地賜給你的後裔。”亞伯蘭就在那裡為向他顯現的耶和華築了一座祭壇。 後來他從那裡遷到伯特利東邊的山地,搭起帳棚。西邊是伯特利,東邊是艾城;他在那裡也為耶和華築了一座祭壇,呼求耶和華的名。 亞伯蘭又起程,漸漸移到南地去。

亞伯蘭下埃及

10 當時,那地發生饑荒,亞伯蘭就下到埃及去,要在那裡寄居;因為那地的饑荒十分嚴重。 11 快要到達埃及的時候,亞伯蘭對他的妻子撒萊說:“看哪,我知道你是個美貌的女人。 12 埃及人看見你的時候,必會說:‘這是他的妻子’,他們就會殺我,卻叫你活著。 13 請你說你是我的妹妹,使我因你的緣故可以平安無事,我的性命也可以因你的緣故得以保全。” 14 果然,亞伯蘭進入埃及的時候,埃及人就注視那女人,因為她十分美麗。 15 法老的一些大臣看見了撒萊,就在法老面前稱讚她;於是那女人被帶進法老的宮裡去。 16 亞伯蘭因這女人的緣故就被優待,得了許多牛羊、公驢、母驢、僕婢和駱駝。 17 耶和華因為亞伯蘭的妻子撒萊的緣故,就用嚴重的災病打擊法老和他的全家。 18 於是,法老把亞伯蘭召了來,對他說:“你向我作的是甚麼?你為甚麼不告訴我她是你的妻子呢? 19 你為甚麼說她是你的妹妹,以致我娶了她作妻子呢?現在,你的妻子在這裡,帶她走吧!” 20 法老為了亞伯蘭的事吩咐臣僕,他們就把亞伯蘭和他的妻子,以及他所有的一切都送走了。