Add parallel Print Page Options

摩西诞生

有一个利未家的人去娶了一个利未女子为妻。 那女人怀孕,生了一个儿子;见他俊美,就把他藏了三个月。 直到她不能把他再藏了,就拿一个蒲草箱来,涂上沥青和石漆;把孩子放在里面,把箱子放在河边的芦苇丛中。 孩子的姊姊远远地站着,要知道孩子究竟怎样。 那时,法老的女儿下到河边去洗澡;她的使女们在河边行走;她看见了在芦苇中的箱子,就打发自己的使女去把箱子拿过来。

她打开了,就看见那孩子;看哪,孩子哭了,她就怜悯他,说:“这是希伯来人的一个孩子。” 孩子的姊姊对法老的女儿说:“我去从希伯来妇人中给你请一个奶妈来,为你乳养这个孩子可以吗?” 法老的女儿回答:“你去吧。”童女就去把孩子的母亲请了来。 法老的女儿对她说:“你把这孩子抱去,替我乳养他,我必给你工钱。”妇人就抱了孩子去乳养他。 10 孩子长大了,妇人把他带到法老的女儿那里,他就作了法老女儿的儿子。她给孩子起名叫摩西,说:“因为我把他从水里拉出来。”

摩西逃往米甸

11 过了些日子,摩西长大了,有一次,他出去到他的同胞那里去,看见他们的重担,又看见一个埃及人打他的一个同胞希伯来人。 12 摩西左右观望,见没有人,就把那埃及人击杀了,埋藏在沙土里。 13 第二天他又出去,看见两个希伯来人彼此争斗着,就对那欺负人的说:“你为甚么打你同族的人呢?” 14 那人回答:“谁立了你作我们的领袖和审判官呢?难道你想杀我,好象杀那个埃及人一样吗?”摩西就惧怕起来,心里想:“这事必定给人知道了!”

15 法老听见这事,就设法要杀摩西;摩西躲避法老,就往米甸地去居住;有一天他坐在井旁。 16 米甸的祭司有七个女儿,她们来打水,打满了水槽,要给父亲的羊群喝。 17 有些牧人来了,把她们赶走;摩西却起来,救了她们,也给她们的羊群喝水。 18 她们回到父亲流珥那里,父亲问:“今天你们为甚么赶着回来呢?” 19 她们说:“有一个埃及人救我们脱离了牧羊人的手,而且还为我们打水给羊群喝。” 20 父亲对众女儿说:“他在哪里?你们为甚么撇下那人呢?去请他来吃饭。” 21 摩西乐意和那人同住;那人把自己的女儿西坡拉给了摩西作妻子。 22 西坡拉生了一个儿子,摩西给他起名叫革舜,因为他说:“我在异地作了客旅。”

23 过了很久,埃及王死了。以色列人在捆锁中叹息,他们就呼求,在捆锁中的呼求达到 神那里。 24  神听见他们的呼声,就记念他与亚伯拉罕、以撒、雅各所立的约。 25  神看顾以色列人,也关注他们。

Ang Kapanganakan ni Moises

May isang tao mula sa lahi ni Levi na nakapag-asawa ng isang babae na galing din sa lahi ni Levi. Hindi nagtagal, nagbuntis ang babae at nanganak ng isang lalaki. Nang makita niyang malusog ang sanggol, itinago niya ito sa loob ng tatlong buwan. Pero nang hindi na niya maitago ang sanggol, kumuha siya ng basket na gawa sa halaman na papyrus at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, inilagay niya ang sanggol sa basket at pinalutang sa tubig sa tabi ng matataas na damo sa pampang ng Ilog ng Nilo. Nakatayo naman sa di-kalayuan ang kapatid na babae ng sanggol para tingnan kung ano ang mangyayari rito.

Ngayon, lumusong ang anak na babae ng Faraon sa Ilog ng Nilo para maligo. Habang naliligo ang prinsesa,[a] ang mga utusang babae naman niya ay naglalakad-lakad sa pampang. Nakita ng prinsesa ang basket sa matataas na damo kaya ipinakuha niya ito sa isa sa kanyang mga utusan. Binuksan niya ang basket at nakita ang umiiyak na sanggol, kaya naawa siya rito. Sinabi niya, “Isa ito sa mga sanggol ng mga Hebreo.”

Pagkatapos, lumapit ang kapatid na babae ng sanggol sa prinsesa[b] at nagtanong, “Gusto nʼyo po bang ikuha ko kayo ng isang babaeng Hebreo na magpapasuso at mag-aalaga sa sanggol para sa inyo?”

Sumagot ang prinsesa, “Sige.” Kaya umalis ang kapatid ng sanggol at pinuntahan ang kanilang ina at dinala sa prinsesa. Sinabi ng prinsesa sa ina ng bata, “Dalhin mo ang sanggol na ito at pasusuhin para sa akin. Alagaan mo siya at babayaran kita.” Kaya kinuha niya ang sanggol at inalagaan.

10 Nang lumaki na ang sanggol, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa at itinuring siya ng prinsesa bilang tunay niyang anak. Pinangalanan ng prinsesa ang bata na Moises,[c] dahil sinabi niya, “Kinuha ko siya sa tubig.”

Tumakas si Moises Papuntang Midian

11 Isang araw, nang binata na si Moises, pumunta siya sa mga kadugo niya at nakita niya kung paano sila pinapahirapan. Nakita niya ang isang Egipcio na hinahagupit ang isang Hebreo na kadugo niya. 12 Luminga-linga si Moises sa paligid kung may nakatingin. At nang wala siyang nakita, pinatay niya ang Egipcio at ibinaon ang bangkay sa buhangin.

13 Kinabukasan, bumalik siya at may nakita siyang dalawang Hebreong nag-aaway. Tinanong niya ang may kasalanan, “Bakit mo hinahagupit ang kapwa mo Hebreo?”

14 Sumagot ang lalaki, “Sino ang naglagay sa iyo para maging pinuno at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako katulad ng ginawa mo sa Egipcio kahapon?” Natakot si Moises at sinabi sa kanyang sarili, “May nakakaalam pala ng ginawa ko.”

15 Nang malaman ng Faraon ang ginawa ni Moises, tinangka niya itong patayin, pero tumakas si Moises papuntang Midian para roon manirahan. Pagdating niya sa Midian, naupo siya sa gilid ng balon. 16 Ngayon, dumating naman ang pitong anak na babae ng pari ng Midian para umigib at painumoin ang mga alagang hayop ng kanilang ama. 17 May dumating doon na mga pastol at pinapaalis nila ang mga babae at ang kanilang mga hayop, pero tinulungan ni Moises ang mga babaeng anak ng pari at pinainom pa niya ang mga alaga nilang hayop.

18 Pag-uwi ng mga babae sa ama nilang si Reuel,[d] tinanong niya sila, “Bakit parang napaaga ang pag-uwi nʼyo?”

19 Sumagot sila, “May isang Egipcio po na tumulong sa amin laban sa mga pastol. Ipinag-igib niya kami ng tubig at pinainom ang aming mga hayop.”

20 Nagtanong ang kanilang ama, “Nasaan na siya? Bakit ninyo siya iniwan? Tawagin ninyo siya at anyayahang kumain.”

21 Tinanggap ni Moises ang paanyaya, at pumayag siyang doon na tumira sa bahay ni Reuel. Nang magtagal, ipinakasal ni Reuel ang anak niyang si Zipora kay Moises 22 Nagbuntis si Zipora at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan ito ni Moises na Gershom,[e] dahil sinabi niya, “Dayuhan ako sa lupaing ito.”

23 Pagkalipas ng maraming taon, namatay ang hari ng Egipto. Pero patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin. Humingi sila ng tulong at umabot sa Dios ang kanilang hinaing. 24 Narinig ng Dios ang kanilang hinaing, at inalala niya ang kanyang kasunduan kina Abraham, Isaac, at Jacob. 25 Nakita ng Dios ang kalagayan nila at naawa ang Dios sa kanila.

Footnotes

  1. 2:5 prinsesa: sa literal, anak na babae ng Faraon. Ganito rin sa talatang 7, 8, 9 at 10.
  2. 2:7 prinsesa: sa literal, anak na babae ng Faraon. Ganito rin sa talatang 10.
  3. 2:10 Moises: Maaaring ang ibig sabihin, kinuha.
  4. 2:18 Reuel: Ito ang isa pang pangalan ni Jetro. Tingnan sa 3:1.
  5. 2:22 Gershom: Maaaring ang ibig sabihin, dayuhan.