出埃及記 40
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
支起會幕
40 耶和華對摩西說: 2 「你要在一月一日支起聖幕,即會幕, 3 把約櫃安置在裡面,用幔子遮掩。 4 把桌子搬進去,擺好桌上的器具,再把燈臺搬進去,點上燈, 5 把燒香的金壇放在約櫃前面,掛上聖幕入口的簾子。 6 要把燔祭壇放在聖幕前面, 7 洗濯盆放在會幕和祭壇中間,盆裡要有水。 8 用帷幔在聖幕四周圍成院子,在院子的入口掛上簾子。 9 你要用膏油抹聖幕和裡面所有的器具,使它們分別出來,成為聖潔之物。 10 要抹燔祭壇和壇上所有器具,使燔祭壇分別出來,成為至聖之物。 11 要抹洗濯盆和盆座,使它們分別出來,成為聖潔之物。 12 要把亞倫父子們叫到會幕入口,用水為他們沐浴, 13 給亞倫穿上聖衣後膏立他,使他分別出來,做聖潔的祭司事奉我。 14 也要把他的兒子們叫來,給他們穿上內袍, 15 用同樣的儀式膏立他們,使他們做祭司事奉我。他們的受膏將使他們永遠做祭司,世代相傳。」
16 摩西照耶和華的吩咐把事情都辦好了。 17 第二年一月一日,聖幕支起來了。 18 摩西支起聖幕,裝上帶凹槽的底座,豎起木板,插上橫閂,立起柱子, 19 在聖幕上面搭起罩棚,鋪上頂蓋,都遵照耶和華的吩咐。 20 他把約版放在約櫃裡,橫杠穿在約櫃的兩旁,施恩座放在約櫃上, 21 把約櫃抬進聖幕,掛起幔子遮掩約櫃,都遵照耶和華的吩咐。 22 他把桌子放在會幕內、遮掩約櫃的幔子外面、聖幕的北側, 23 將獻給耶和華的供餅放在桌上,都遵照耶和華的吩咐。 24 他把燈臺放在會幕內的桌子對面,在聖幕的南側, 25 然後在耶和華面前點燈,都遵照耶和華的吩咐。 26 他把金香壇放在會幕裡、遮掩約櫃的幔子前面, 27 在壇上點燃芬芳的香,都遵照耶和華的吩咐。 28 他掛上聖幕入口的簾子, 29 在會幕,即聖幕入口的前面設立燔祭壇,在壇上獻燔祭和素祭,都遵照耶和華的吩咐。 30 他把洗濯盆放在會幕和祭壇之間,盆裡盛水,供洗濯用。 31 摩西、亞倫及其眾子都在那裡清洗手腳, 32 他們進會幕或走近祭壇的時候,都要先清洗,都遵照耶和華的吩咐。 33 摩西又在聖幕和祭壇的四周用帷幔圍成院子,然後在院子入口掛上簾子。這樣,摩西完成了工作。
耶和華的榮光
34 那時,有雲彩遮蓋會幕,耶和華的榮光充滿了聖幕。 35 摩西不能進會幕,因為雲彩停在上面,耶和華的榮光充滿了聖幕。 36 一路上,雲彩從聖幕升起,他們就出發。 37 雲彩不升起,他們就不出發,一直等到雲彩升起。 38 一路上,白天有耶和華的雲彩停留在聖幕上面,夜間雲中有火光為以色列百姓照明。
Exodo 40
Ang Biblia, 2001
Itinayo ang Tabernakulo
40 At nagsalita ang Panginoon kay Moises na sinasabi,
2 “Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng toldang tipanan.
3 Iyong ilalagay doon ang kaban ng patotoo, at iyong tatabingan ng lambong ang kaban.
4 Iyong ipapasok ang hapag, at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyon; at iyong ipapasok ang ilawan at iyong iaayos ang mga ilaw niyon.
5 At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa insenso sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing para sa pintuan ng tabernakulo.
6 Iyong ilalagay ang dambana ng handog na sinusunog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng toldang tipanan.
7 Ilagay mo ang lababo sa pagitan ng toldang tipanan at ng dambana, at iyong sisidlan iyon ng tubig.
8 Iyong ilalagay ang bulwagan sa palibot, at ibibitin mo ang tabing sa pintuan ng bulwagan.
9 Pagkatapos ay kukunin mo ang langis na pambuhos at bubuhusan mo ang tabernakulo at ang lahat na naroon, at iyong pakakabanalin, at ang lahat ng kasangkapan niyon ay magiging banal.
10 Bubuhusan mo rin ng langis ang dambana ng handog na sinusunog at ang lahat ng kasangkapan niyon, at iyong pakakabanalin ang dambana at ang dambana ay magiging kabanal-banalan.
11 Bubuhusan mo rin ng langis ang lababo at ang patungan nito, at iyong pakakabanalin.
12 Iyong dadalhin si Aaron at ang kanyang mga anak sa pintuan ng toldang tipanan, at iyong huhugasan ng tubig.
13 Iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuotan; at iyong bubuhusan siya ng langis at iyong pababanalin siya, upang ako'y mapaglingkuran niya bilang pari.
14 Pagkatapos ay iyong dadalhin ang kanyang mga anak at iyong susuotan sila ng mga kasuotan:
15 Iyong bubuhusan sila ng langis gaya ng iyong pagbubuhos sa kanilang ama, upang sila'y makapaglingkod sa akin bilang pari, at ang pagbubuhos sa kanila ay maging para sa walang hanggang pagkapari sa buong panahon ng kanilang mga salinlahi.”
16 Gayon nga ang ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya, gayon ang kanyang ginawa.
17 Sa unang buwan ng ikalawang taon, ng unang araw ng buwan, ang tabernakulo ay itinayo.
18 Itinayo ni Moises ang tabernakulo, inilagay niya ang mga saligan, at ipinatong ang malalaking tabla, at isinuot ang mga biga, at itinayo ang mga haligi niyon.
19 Kanyang inilatag ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kanyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
20 Kanyang kinuha ang patotoo at inilagay ito sa loob ng kaban, at kanyang inilagay ang mga pasanan sa kaban, at kanyang inilagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban:
21 Kanyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang kurtinang pantabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 Kanyang inilagay ang hapag sa loob ng toldang tipanan, sa dakong hilaga ng tabernakulo, sa labas ng tabing.
23 Kanyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng hapag sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
24 Kanyang inilagay ang ilawan sa toldang tipanan, sa tapat ng hapag, sa gawing timog ng tabernakulo.
25 Kanyang sinindihan ang mga ilaw sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
26 Kanyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng toldang tipanan sa harap ng lambong.
27 Siya'y nagsunog doon ng mabangong insenso; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
28 Kanyang inilagay ang tabing para sa pintuan ng tabernakulo.
29 Kanyang inilagay ang dambana ng handog na sinusunog sa pintuan ng toldang tipanan, at nag-alay doon ng handog na sinusunog, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 Kanyang inilagay ang lababo sa pagitan ng toldang tipanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan.
31 Si Moises at si Aaron at ang kanyang mga anak ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa;
32 kapag sila'y pumapasok sa toldang tipanan at kapag sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
33 At kanyang inilagay ang bulwagan sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuan ng bulwagan. Gayon tinapos ni Moises ang gawain.
Ang Ulap sa Ibabaw ng Tabernakulo(A)
34 Pagkatapos(B) ay tinakpan ng ulap ang toldang tipanan at pinuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang tabernakulo.
35 Si Moises ay hindi makapasok sa toldang tipanan, sapagkat nanatili sa ibabaw niyon ang ulap, at pinuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang tabernakulo.
36 Kapag ang ulap ay napapaitaas mula sa tabernakulo ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang paglalakbay.
37 Subalit kapag ang ulap ay hindi napapaitaas ay hindi sila naglalakbay hanggang sa araw na iyon ay pumaitaas.
38 Sapagkat sa kanilang buong paglalakbay ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyon sa gabi, sa paningin ng buong sambahayan ng Israel.
