出埃及記 36
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
36 摩西說:「比撒列、亞何利亞伯以及所有蒙耶和華賜智慧聰明、有技能、懂得如何建造聖所的人,都要按照耶和華的吩咐去做。」
2 於是,摩西召來比撒列、亞何利亞伯和所有蒙耶和華賜智慧、有技能、願意參與建造的人。 3 他們從摩西那裡領取了以色列百姓奉獻出來建造聖所的一切禮物。每天早上,百姓仍然甘心樂意地來奉獻禮物, 4 以致所有建造聖所的能工巧匠都放下自己的工作, 5 前來對摩西說:「百姓的奉獻太多了,我們建造耶和華吩咐的聖所用不了。」
6 於是,摩西傳令全營:「大家不用再為聖所奉獻禮物了。」百姓這才停止奉獻。 7 因為所獻的材料已經足夠建造聖所,而且綽綽有餘。
8 工人中的能工巧匠用十幅幔子做成了聖幕,幔子用細麻線和藍色、紫色、朱紅色的線織成,上面精工繡製了基路伯天使。 9 每幅幔子的尺寸都一樣,長十二米、寬兩米。 10 又把每五幅幔子連在一起,共連成兩幅大幔子。 11 然後在每幅大幔子邊緣釘上了藍色的扣環, 12 每幅各釘上五十個扣環,都是兩兩相對。 13 又做了五十個金鉤,把兩幅大幔子連在一起,成為聖幕。
14 比撒列用山羊毛織成十一幅幔子,做聖幕的罩棚, 15 每幅幔子的尺寸都一樣,長十三米、寬兩米。 16 然後把五幅連成一大幅,餘下的六幅又連成一大幅。 17 又在這兩幅大幔子邊緣各釘上五十個對稱的扣環, 18 再用五十個銅鉤,把兩幅大幔子連在一起,成為一個罩棚, 19 並在罩棚上面蓋一層染成紅色的公羊皮,再蓋一層海狗皮做頂蓋。
20 他用皂莢木做支撐聖幕的木板, 21 每塊木板長四米,寬六十六釐米, 22 上面都有兩個接榫,用來把木板連接在一起。聖幕的所有木板都這樣做。 23 聖幕的南面共有二十塊木板, 24 在這些木板下面又造了四十個帶凹槽的銀底座,每塊木板下面有兩個,套在木板的兩個接榫上。 25 聖幕北面也有二十塊木板, 26 木板下面同樣有四十個帶凹槽的銀底座,每塊木板下面有兩個銀底座。 27 聖幕的後面,就是西面,有六塊木板, 28 聖幕的兩個拐角各有兩塊木板, 29 木板的下端連於底座,頂端用一個環固定。兩個拐角都要這樣做。 30 這樣後面共有八塊木板,每塊木板下面各有兩個銀底座,一共是十六個銀底座。
31-32 他用皂莢木做橫閂,聖幕左右兩邊和後面的牆板上各有五根橫閂, 33 攔腰固定牆板的那根橫閂從這端貫穿到那端。 34 所有的木板和橫閂都包上金,並在木板上造金環,用來穿橫閂。
35 他用細麻線和藍色、紫色、朱紅色的線織成一幅幔子,精工繡上基路伯天使, 36 把這幅幔子掛在四根用皂莢木造的柱子上,柱子外面包上金,加上金鉤,四根柱子下面有四個銀底座。 37 他又用細麻線和藍色、紫色、朱紅色的線繡製聖幕的門簾, 38 用皂莢木做五根掛門簾的柱子,上面有金鉤,柱頂和橫杆包上金。柱子的五個底座是銅造的。
Exodus 36
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
36 “Sina Bezalel, Oholiab at ang iba pang binigyan ng Panginoon ng kaalaman at kakayahan sa ibaʼt ibang gawain ang siyang gagawa ng Tolda ayon sa utos ng Panginoon.”
2 Kaya ipinatawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab at ang iba pang binigyan ng Panginoon ng kaalaman at kakayahan sa ibaʼt ibang gawain na desididong tumulong sa pagtatrabaho. 3 Ibinigay ni Moises sa kanila ang lahat ng inihandog ng mga Israelita para sa pagpapatayo ng Tolda. At patuloy pa rin ang kusang-loob na pagdadala ng mga tao ng mga handog nila tuwing umaga. 4 Kaya pumunta kay Moises ang mga nagtatrabaho sa Tolda at nagsabi, 5 “Sobra na sa kinakailangan ang dinadala ng mga tao para sa gawaing iniutos ng Panginoon na gawin.”
6 Kaya ipinadala ni Moises ang utos na ito sa buong kampo: “Huwag na kayong maghahandog para sa pagpapatayo ng Toldang Sambahan.” Kaya tumigil na ang mga tao sa pagdadala ng mga handog nila, 7 dahil sobra-sobra na ang ibinigay nila para sa lahat ng gawain sa Tolda.
Ang Pagpapatayo ng Toldang Sambahan(A)
8 Ang lahat ng mahuhusay magtrabaho ang gagawa ng Toldang Sambahan. Ang mga gagamitin sa paggawa nito ay sampung piraso ng pinong telang linen na may lanang kulay asul, ube at pula. At paburdahan ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda. 9 Ang bawat tela ay may haba na 42 talampakan at may lapad na anim na talampakan. 10 Pagtatahi-tahiin nila ito ng tiglilima. 11 Gumawa sila ng parang singsing na telang asul at inihanay sa bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela; 12 tig-50 ang ikinabit sa bawat dulo at magkaharap ito. 13 Gumawa rin sila ng 50 kawit na ginto para mapagsama ang mga parang singsing ng gilid ng pinagdugtong na mga tela. Sa pamamagitan nito, magagawa ang Toldang Sambahan.
14 Kaya gumawa silang talukbong ang Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito. 15 May haba na 45 talampakan ang bawat tela at may anim na talampakan ang lapad. 16 Pinagdugtong-dugtong nila ang limang tela, at ganoon din ang ginawa nila sa natirang anim. 17 Nilagyan nila ng 50 parang singsing ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela, 18 at ikinabit nila ang 50 tansong kawit.
19 Ang ibabaw ng talukbong nito ay papatungan ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at papatungan din ng magandang klase ng balat.
20 Pagkatapos, gumawa sila ng balangkas ng Tolda. Ang ginamit nila ay tabla ng akasya. 21 Ang haba ng bawat tabla ay 15 talampakan at dalawang talampakan ang lapad. 22 Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa[a] para maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla. 23 Ang 20 sa tablang ito ay ginamit nila na pangbalangkas sa timog na bahagi ng Tolda. 24 Ang mga tabla ay isinuksok nila sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla. 25 Ang hilagang bahagi ng Tolda ay ginamitan din ng 20 tabla, 26 at isinuksok din sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon bawat tabla. 27 Ang kanlurang bahagi ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla, 28 at dalawang tabla sa mga gilid nito. 29 Ang mga tabla sa sulok ay naikabit nang maayos mula sa ilalim hanggang sa itaas sa pamamagitan ng isang argolya. Ganito rin ang ginawa nila sa dalawang tabla sa mga sulok. 30 Kaya may walong tabla sa bahaging ito ng Tolda, at nakasuksok ito sa 16 na pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.
31 Gumawa rin sila ng mga akasyang biga – lima para sa bahaging hilaga ng Tolda, 32 lima rin sa bahaging timog, at lima pa rin sa bahaging kanluran, sa likod ng Tolda. 33 Ang biga sa gitna ng balangkas ay inilagay nila mula sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo nito. 34 Binalutan nila ng ginto ang mga tabla at nilagyan ng argolyang[b] ginto na siyang humahawak sa mga tabla. Binalutan din nila ng ginto ang mga biga.
35 Gumawa rin sila ng kurtina na mula sa pinong telang linen na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At maayos na nabuburdahan ng larawan ng kerubin. 36 Gumawa rin sila ng apat na haligi ng akasya na may mga kawit na ginto, at ikinabit nila roon ang kurtina. Ang apat na haligi ay nakasuksok sa apat na pundasyong pilak. 37 Gumawa sila ng isa pang kurtina para sa pintuan ng Toldang Sambahan. Pinong telang linen rin ito na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At napakaganda ng pagkakaburda nito. 38 Gumawa rin sila ng limang haligi na may mga kawit, at ikinabit nila rito ang kurtina. Ang mga haliging itoʼy nababalutan ng ginto pati na ang mga ulo at baras nito, at nakasuksok ito sa limang pundasyong tanso.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®