十诫

20 以下是上帝的训示:

“我是你的上帝耶和华,曾把你领出埃及,使你不再受奴役。

“除我以外,你不可有别的神。

“不可为自己雕刻神像,不可仿照任何飞禽走兽或水族的样子造神像, 不可跪拜它们,也不可供奉它们,因为我——你的上帝耶和华痛恨不贞,我必追讨背弃我之人的罪,从父到子直到三四代。 但那些爱我、遵守我诫命的人,我必以慈爱待他们,直到千代。

“不可妄用你上帝耶和华的名,违者必被耶和华定罪。

“要记住安息日,守为圣日。 你一周可工作六天, 10 但第七天是你的上帝耶和华的安息日,这一天你和儿女、仆婢、牲畜及你那里的外族人不可做任何工。 11 因为耶和华用六天造了天、地、海和其中的万物,第七天便休息了,所以耶和华赐福这日,把它定为圣日。

12 “要孝敬父母,以便在你的上帝耶和华赐给你的土地上享长寿。

13 “不可杀人。

14 “不可通奸。

15 “不可偷盗。

16 “不可作伪证陷害人。

17 “不可贪恋别人的房屋,不可贪恋别人的妻子、仆婢、牛驴或其他任何物品。”

18 那时雷电交加,号角嘹亮,山上冒烟,百姓看见此情景,都吓得浑身颤抖,不敢挨近。 19 他们对摩西说:“求你跟我们说话,我们必听从。不要让上帝直接跟我们说话,恐怕我们会丧命!” 20 摩西对百姓说:“不用害怕,上帝降临是要试验你们,好让你们时时敬畏祂,不致犯罪。”

21 百姓都站得远远的,摩西独自走进上帝所在的密云中。 22 耶和华吩咐摩西对以色列百姓说:“既然你们已经亲眼看见我从天上向你们说话, 23 除了敬拜我之外,不可为自己制造金银神像。 24 你们要为我筑一座土坛,把你们的牛羊献在坛上作燔祭和平安祭。凡是我使自己的名号被尊崇的地方,我会亲临那里赐福给你们。 25 你们若为我筑石坛,不可用凿刻的石头,因为用工具凿刻的石头会玷污祭坛。 26 不可踩着台阶登我的祭坛,免得露出你们的下体。

Ang Sampung Utos(A)

20 Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos: “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.

“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.

“Huwag(B) kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag(C) mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.

“Huwag(D) mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.

“Lagi(E) mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim(F) na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. 10 Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. 11 Anim(G) na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.

12 “Igalang(H) mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

13 “Huwag(I) kang papatay.

14 “Huwag(J) kang mangangalunya.

15 “Huwag(K) kang magnanakaw.

16 “Huwag(L) kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.

17 “Huwag(M) (N) mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.”

Natakot ang mga Israelita(O)

18 Nanginig sa takot ang mga Israelita nang marinig nila ang dagundong ng kulog at tunog ng trumpeta, at makita ang kidlat at ang usok sa bundok. Nanatili silang nakatayo sa malayo. 19 Nang lumapit sa kanila si Moises, sinabi nila, “Ikaw ang magsalita sa amin at makikinig kami; huwag na ang Diyos at baka kami mamatay.”

20 Sinabi sa kanila ni Moises, “Huwag kayong matakot, sapagkat sinusubok lang kayo ng Diyos. Nais lang niyang magkaroon kayo ng takot sa kanya sapagkat ayaw niya kayong magkasala.” 21 Ngunit nanatili pa rin sa malayo ang mga tao; si Moises lamang ang lumapit sa makapal na ulap na kinaroroonan ng Diyos.

Ang mga Utos tungkol sa mga Altar

22 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: Narinig ninyo nang ako'y magsalita mula sa langit. 23 Huwag kayong gagawa ng anumang diyus-diyosan, pilak man o ginto. 24 Gumawa kayo ng altar na yari sa lupa at doon ninyo susunugin ang inyong mga handog para sa kapayapaan; doon din ninyo susunugin ang handog ninyong mga tupa at mga baka. Doon ninyo ako sasambahin sa lugar na ituturo ko sa inyo. Pupunta ako roon at pagpapalain ko kayo. 25 Kung(P) gagamit kayo ng bato sa altar na inyong gagawin, huwag kayong gumamit ng batong tinapyasan ng paet. Ang paggamit ng paet ay isang paglapastangan. 26 Huwag ninyo akong igagawa ng altar na may baytang paakyat upang hindi malantad ang inyong kahubaran.”