使徒行传 27
Chinese New Version (Simplified)
保罗启程往罗马
27 他们决定要我们坐船往意大利去,就把保罗和别的囚犯,交给皇家军营里的一个百夫长,名叫犹流。 2 有一艘亚大米田来的船,要开往亚西亚沿岸一带的地方,我们上去,船就开了。跟我们在一起的,还有马其顿的帖撒罗尼迦人亚里达古。 3 第二天到了西顿,犹流宽待保罗,准他去看看朋友,接受他们的招待。 4 我们又从那里开船,因为逆风,就沿着塞浦路斯背风而行。 5 渡过基利家和旁非利亚一带的海面,就到了吕家的每拉。 6 百夫长在那里找到一艘亚历山太来的船,要开往意大利去,就叫我们上了那船。 7 一连几天,船都走得很慢,好不容易才到了革尼土的对面。因为有风阻挡着我们,就沿着克里特背风而行,从撒摩尼对面经过, 8 沿着海岸行驶,航程很艰难,后来才到了靠近拉西亚城一个名叫美港的地方。
9 过了相当的时候,连禁食节也过去了,所以航行很危险,保罗就劝告他们, 10 说:“各位,我看这次航行,不单货物和船只要遭到损失,大受破坏,连我们的性命也难保。” 11 但百夫长宁愿相信船长和船主的话,却不相信保罗所说的。 12 而且这港口不适宜过冬,所以大多数人主张离开那里,也许可以到非尼基去过冬。非尼基是克里特的一个港口,一面向西南,一面向西北。
船在海上遇暴风
13 这时南风徐徐地吹来,他们以为风势有利,就起锚沿着克里特航行。 14 可是过了不久,有一股名叫“友拉革罗”(“友拉革罗”意即“东北风”)的飓风,向岛上吹袭。 15 船给风困住了,不能迎风前行,只好随着风向飘流。 16 有一个小岛名叫高达,我们就在这岛的背风岸急航,好不容易才把救生艇拉住。 17 水手把艇拉上来,用缆索绕过船身捆好。他们怕船在赛耳底搁浅,就收下船帆,任船飘流。 18 风浪把我们颠簸得很厉害,第二天他们就把货物拋在海里, 19 第三天又亲手把船上的用具扔掉。 20 好几天,都看不见星星和太阳,狂风大浪催逼着我们,这样看来,我们连生还的希望都没有了。
21 大家很久没有吃饭了,保罗就站在他们中间,说:“各位,你们本来应该听我的话不离开克里特,就不会遭受这场损失和破坏了。 22 现在我劝你们放心。除了这艘船以外,你们没有一个人会丧命的。 23 因为我所归属所事奉的 神,他的使者昨天夜里站在我的旁边,说: 24 ‘保罗,不要怕。你必定可以站在凯撒面前; 神已经把那些和你同船的人赐给你了。’ 25 所以,各位请放心。我相信 神对我怎样说,也必怎样成就。 26 不过我们必会搁浅在一个海岛上。”
27 到了第十四天的晚上,我们在亚得里亚海飘来飘去。约在半夜的时候,水手以为接近了陆地, 28 就探测一下,深三十六公尺;稍往前行,再探测一下,深二十七公尺。 29 他们怕我们会在乱石上搁浅,就从船尾拋下四个锚,期待着天亮。 30 水手们想要离船逃走,就把救生艇放在海上,假装要从船头拋锚的样子。 31 保罗对百夫长和士兵说:“这些人若不留在船上,你们就性命难保!” 32 于是士兵砍断救生艇的绳子,任它掉下去。
33 天快亮的时候,保罗劝大家吃饭,说:“你们一直不吃东西,挨饿苦候,到今天已经十四天了! 34 所以,我劝你们吃点饭,这可以维持你们的性命!因为你们没有人会失掉一根头发。” 35 保罗说了这话,就拿起饼来,在众人面前感谢 神,然后擘开来吃。 36 于是大家都安心吃饭了。 37 我们在船上的共有二百七十六人, 38 大家吃饱了,把麦子拋在海里,好减轻船的负荷。
船只搁浅、众人脱险
39 天亮的时候,他们不认得那个地方,只看见一个可以登岸的海湾,就有意尽可能把船拢岸。 40 于是把锚砍掉,丢在海里,同时又松开舵绳,拉起前帆,顺风向岸驶去。 41 但在海水夹流的地方,船就搁了浅,船头胶着不动,船尾被海浪冲击,就损坏了。 42 士兵想把囚犯都杀掉,免得有人游泳逃脱。 43 但百夫长想要救保罗,就阻止他们这样行。他吩咐会游泳的跳下水去,先到岸上, 44 其余的人可以用木板,或船上的器具上岸。这样,大家都安全地上岸了。
Gawa 27
Ang Salita ng Diyos
Naglayag si Pablo Papunta sa Roma
27 Nang ipasiya na kami ay maglalayag na patungong Italia, si Pablo at ang ibang mga bilanggo ay ibinigay sa isang kapitan. Ang pangalan ng senturyon ay Julio, mula sa balangay ng Emperador Augusto.
2 Sumakay kami sa isang barko na mula sa Adrameto. Ito ay maglalayag na sa mga dakong nasa Asya. Kasama namin si Aristarco na isang taga-Macedonia mula sa Tesalonica.
3 Nang sumunod na araw, dumaong kami sa Sidon. Si Julio ay nagpakita ng kagandahang-loob kay Pablo. Pinahintulutan niya siyang pumunta sa kaniyang mga kaibigan upang matanggap niya ang kanilang pagmamalasakit. 4 Nang kami ay maglayag muli buhat doon, naglayag kaming nanganganlong sa Chipre sapagkat pasalungat ang hangin. 5 Nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira ng Licia. 6 Doon ay nasumpungan ng kapitan ang isang barko na mula sa Alexandria. Ito ay maglalayag patungong Italia. Inilulan niya kami roon. 7 Maraming araw kaming naglayag na marahan at may kahirapan naming narating ang tapat ng Cinido. Hindi kami tinulutan ng hangin na makasulong pa kaya naglayag kami na nanganganlong sa Creta. Ito ay nasa tapat ng Salmonte. 8 Sa pamamaybay namin dito, may kahirapan kaming nakarating sa isang dakong tinatawag na Mabuting Daungan. Malapit doon ang lungsod ng Lasea.
9 Nang makalipas ang mahabang panahon, ang paglalayag ay nagiging mapanganib na. At dahil ang pag-aayuno ay nakalampas na, pinayuhan sila ni Pablo. 10 Sinabi sa kanila: Mga ginoo, nakikinita kong ang paglalayag na ito ay makakapinsala at magiging malaking kawalan. Hindi lamang sa lulan at sa barko kundi sa atin ding mga buhay. 11 Ngunit higitna pinaniwalaan ng kapitan ang taga-ugit at ang may-aring barko kaysa sa mga sinabi ni Pablo. 12 Sa dahilang hindi mabuting hintuan sa tag-ulan ang daungan, ipinayo ng nakakarami na maglayag na mula roon. Nagbabaka-sakali silang sa anumang paraan ay makarating sila sa Fenix. Doon nila gugugulin ang tag-ulan. At iyon ay daungan ng Cretana nakaharap sa dakong timugang-kanluran at hilagang-kanluran.
Ang Malakas na Bagyo
13 Nang marahang umihip ang hanging timugan, inakala nilang maisasagawa nila ang kanilang hangarin. Itinaas nila ang angkla at namaybay sa baybayin ng Creta.
14 Ngunit hindi nagtagal, humampas doon ang malakas na hangin na tinatawag na Euroclidon. 15 Nang hinampas ng hangin ang barko at hindi makasalungat sa hangin, nagpadala na lang kami sa hangin. 16 Kami ay nagkubli sa isang maliit na pulo na tinatawagna Clauda. At nahirapan kami na isampa ang bangkang-pangkagipitan. 17 Nang maisampa na ito, gumamit sila ng mga pantulong. Tinalian nila ang ibaba ng barko. At sa takot na baka masadsad sa look ng Sirte, ibinaba nila ang mga layag at sa gayon ay nagpaanod sila. 18 Ngunit patuloy kaming hinahampas at ipinapadpad ng lubhang malakas na hangin sa magkabila. Kinabukasan, nagsimula na silang magtapon ng kanilang lulan sa dagat. 19 Nang ikatlong araw, itinapon ng aming mga kamay ang mga kagamitan ng barko. 20 At maraming araw na hindi namin nakita ang araw ni ang mga bituin man. Napakalakas na bagyo ang dumaan sa amin kaya nawalan na kami ng pag-asa na makakaligtas pa.
21 Nang matagal na silang hindi kumain, tumayo nga si Pablo sa kanilang kalagitnaan. Sinabi niya: Mga ginoo, nakinig sana kayo sa akin at hindi tayo naglayag muli sa Creta. Kung nakinig sana kayo, hindi natin nakamtan ang kapinsalaan at ang kawalang ito. 22 Ngayon, ipinapayo ko sa inyo na lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang buhay na mapapahamak sa inyo kundi ang barko lamang. 23 Ito ay sapagkat ngayong gabi tumayo sa tabi ko ang isang anghel mula sa Diyos na nagmamay-ari sa akin at siyang aking pinaglilingkuran. 24 Sinabi niya: Pablo, huwag kang matakot. Kinakailangang humarap ka kay Cesar. Narito, ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang lahat ng kasama mo sa paglalayag. 25 Kaya nga, mga ginoo lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat sumasampalataya ako sa Diyos at mangyayari ang ayon sa sinalita sa akin. 26 Ngunit kailangang tayo ay mapasadsad sa isang pulo.
Nawasak ang Barko
27 Nang sumapit ang ikalabing-apat na gabi, ipinadpad kami ng hangin paroo’t parito sa Adriatico. Nang maghahating gabi na, inakala ng mga magdaragat na nalalapit na sila sa isang lupain.
28 Tinarok nila at nasumpungang may dalawampung dipa ang lalim. Nang makalayo sila ng kaunti, muli nilang tinarok at nasumpungang may labinlimang dipa ang lalim. 29 Sa takot nilang mapasadsad sa batuhan, naghulog sila ng apat na angkla sa hulihan. Hinahangad nila na mag-umaga na sana. 30 Ngunit nagpupumilit ang mga magdaragat na makatakas sa barko. Nagpakunyari sila na ihuhulog nila ang mga angkla sa unahan. 31 Sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga kawal: Maliban na manatili ang mga ito sa barko, kayo ay hindi makakaligtas. 32 Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangkang-pangkagipitan at pinabayaan itong mahulog.
33 Nang mag-uumaga na, ipinamanhik ni Pablo sa lahat na kumain. Sinabi niya: Ngayon ay ikalabing-apat na araw na kayo ay naghihintay. Hindi kayo kumakain at walang tinatanggap na anuman. 34 Kaya nga, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo ay kumain dahil ito ay makakatulong na makalagpas kayo sa sakunang ito. Ito ay sapagkat isa mang buhok ay hindi malalagas mula sa ulo ng sinuman sa inyo. 35 Nang masabi na niya ang mga bagay na ito, kumuha siya ng tinapay. Nagpasalamat siya sa Diyos sa harapan ng lahat. Pinagputul-putol niya ito at nagsimulang kumain. 36 Nang magkagayon, lumakas ang loob ng lahat. Sila namang lahat ay kumuha din ng pagkain. 37 Kaming lahat na nasa barko ay dalawang daan at pitumpu’t anim na kaluluwa. 38 Nang mabusog na sila, pinagaan nila ang barko. Itinapon nila sa dagat ang trigo.
39 Kinabukasan, hindi nila makilala ang lupain. Ngunit nabanaagan nila ang isang look ng dagat na may baybayin. Sila ay nag-usap kung maaari nilang maisadsad ang barko mula doon. 40 Pinutol nila ang lubid ng angkla at pinabayaan nila sa dagat. Kasabay nito ay kinakalag nila ang mga tali ng mga timon. Pagkataas ng layag sa unahan ay tinungo nila ang pampang paayon sa ihip ng hangin. 41 Ngunit pagdating sa isang dako na pinagsasalubungan ng dalawang dagat, isinadsad nila ang unahan ng barko. Ito ay tumigil at hindi na kumikilos. Ngunit nagpasimulang mawasak ang hulihan dahil sa kalakasan ng mga alon.
42 Ang balak ng mga kawal ay pagpapatayin ang mga bilanggo. Baka mayroong makalangoy palayo at makatakas. 43 Subalit sa kagustuhang ng kapitan na iligtas si Pablo, ay pinigil niya sila sa gusto nilang gawin. Iniutos niya sa kanila: Sinuman ang marunong lumangoy ay tumalon nang una at nang makarating sa lupa. 44 Sa mga naiwan, ang iba ay sa mga tabla at ang iba naman ay sa mga bagay na galing sa barko. Sa ganitong paraan, ang lahat ay nakarating nang ligtas hanggang sa lupa.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Copyright © 1998 by Bibles International