Add parallel Print Page Options

保罗在亚基帕王面前申辩(A)

26 亚基帕对保罗说:“准你为自己申辩。”于是保罗伸手辩护说: “亚基帕王啊,犹太人控告我的事,今天我可以在你面前辩护,实在是万幸; 特别是你熟悉犹太人的一切规例和争论,所以求你耐心听我申诉: 我从幼年到现在,在本国、在耶路撒冷为人怎样,犹太人都知道。 如果他们肯作证的话,他们是早就知道,我是按着我们祖宗最严格的教派,过着法利赛人的生活。 现在我站着受审,是为了对 神向我们祖先的应许存着盼望。 我们十二支派昼夜切切地事奉 神,都是盼望这应许实现。王啊,我被犹太人控告,正是为了这个盼望。  神使死人复活,你们为甚么认为是不可信的呢? 从前,我也认为应该多方敌对拿撒勒人耶稣的名。 10 后来就在耶路撒冷这样作了。我得到了众祭司长授权,把许多圣徒关在监里,并且他们被杀的时候,我也表示同意。 11 我在各会堂里多次用刑强迫他们说亵渎的话;我非常愤恨他们,甚至追到国外的城巿去迫害他们。

12 “那时候,我得到祭司长的授权和准许,去大马士革。 13 王啊,就在中午的时候,我在路上看见一道光,比太阳更明亮,从天上四面照着我和同行的人。 14 我们都仆倒在地上,我听见有声音用希伯来话对我说:‘扫罗!扫罗!你为甚么迫害我?你要踢刺是难的。’ 15 我说:‘主啊,你是谁?’主说:‘我就是你所迫害的耶稣。 16 你起来,站着,我向你显现,是要指派你为我工作。你要为你所见过的事,和我将要向你显明的事作见证。 17 我要救你脱离这人民和外族人,差遣你到他们那里去, 18 开他们的眼睛,使他们从黑暗中归向光明,从撒但的权下归向 神,使他们的罪恶得到赦免,并且在那些因信我而成圣的人中同得基业。’

19 “亚基帕王啊,因此,我没有违背这从天上来的异象, 20 先向大马士革、耶路撒冷、犹太全地的人宣讲,后向外族人宣讲,叫他们悔改,归向 神,行事与悔改的心相称。 21 犹太人就是为了这缘故在殿里捉住我,想要杀我。 22 然而,我得到 神的帮助,直到今日还是站得稳,向尊卑老幼作见证,我所讲的都是众先知和摩西所论的将来必成的事, 23 就是基督必须受难,并且从死人中首先复活,把光明的信息传报给这人民和外族人。”

保罗说服亚基帕王

24 保罗申诉到这里,非斯都大声说:“保罗!你疯了;你的学问太大,使你疯了!” 25 保罗说:“非斯都大人,我没有疯,我说的都是真实的话,清醒的话。 26 因为王知道这些事,所以我对王坦白直说。我确信这些事没有一件能瞒得过他,因为这不是在背地里作的。 27 亚基帕王啊,你信先知吗?我知道你是信的。” 28 亚基帕对保罗说:“你想用这样短短的时间就可以说服我作基督徒吗!” 29 保罗说:“无论时间短也好,时间长也好,我向 神所求的,不单是你,而且是今天所有的听众,都能像我一样作基督徒,只是不要有这些锁炼。”

30 亚基帕王、总督和百尼基,还有在座的人都站起来, 31 退到一边,彼此谈论,说:“这个人并没有犯过甚么该死该绑的罪。” 32 亚基帕对非斯都说:“这个人若没有向凯撒上诉,早就可以释放了。”

Paul’s Defense before Agrippa

26 Agrippa said to Paul, “It is permitted for you to speak for yourself.”

Then Paul stretched out his hand and began his defense: “I consider myself fortunate, King Agrippa, that today I am going to make a defense before you about everything I am accused of by the Jews, especially since you are an expert in all the Jewish customs and controversies. Therefore I beg you to listen to me patiently.

“All the Jews know my way of life from my youth, which was spent from the beginning among my own nation and in Jerusalem.(A) They had previously known me for quite some time, if they were willing to testify, that according to the strictest party of our religion I lived as a Pharisee.(B) And now I stand on trial for the hope(C) of the promise(D) made by God to our fathers, the promise our 12 tribes hope to attain as they earnestly serve Him night and day. King Agrippa, I am being accused by the Jews because of this hope.(E) Why is it considered incredible by any of you that God raises the dead? In fact, I myself supposed it was necessary to do many things in opposition to the name of Jesus the Nazarene.(F) 10 I actually did this in Jerusalem, and I locked up many of the saints in prison, since I had received authority for that from the chief priests. When they were put to death, I cast my vote against them.(G) 11 In all the synagogues I often tried to make them blaspheme by punishing them.(H) I even pursued them to foreign cities since I was greatly enraged at them.

Paul’s Account of His Conversion and Commission

12 “I was traveling to Damascus under(I) these circumstances with authority and a commission from the chief priests. 13 King Agrippa, while on the road at midday, I saw a light from heaven brighter than the sun, shining around me and those traveling with me. 14 We all fell to the ground, and I heard a voice speaking to me in the Hebrew language, ‘Saul, Saul, why are you persecuting Me? It is hard for you to kick against the goads.’[a](J)

15 “Then I said, ‘Who are You, Lord?’

“And the Lord replied: ‘I am Jesus, the One you are persecuting. 16 But get up and stand on your feet. For I have appeared to you for this purpose, to appoint you as a servant and a witness of what you have seen[b] and of what I will reveal to you.(K) 17 I will rescue you from the people and from the Gentiles. I now send you to them(L) 18 to open their eyes(M) so they may turn from darkness to light and from the power of Satan to God, that by faith in Me they may receive forgiveness of sins and a share among those who are sanctified.’(N)

19 “Therefore, King Agrippa, I was not disobedient to the heavenly vision. 20 Instead, I preached to those in Damascus first, and to those in Jerusalem and in all the region of Judea, and to the Gentiles, that they should repent and turn to God, and do works worthy of repentance.(O) 21 For this reason the Jews seized me in the temple complex and were trying to kill me. 22 To this very day, I have obtained help that comes from God, and I stand and testify to both small and great, saying nothing else than what the prophets and Moses said would take place(P) 23 that the Messiah must suffer, and that as the first to rise from the dead, He would proclaim light to our people and to the Gentiles.”(Q)

Not Quite Persuaded

24 As he was making his defense this way, Festus exclaimed in a loud voice, “You’re out of your mind,(R) Paul! Too much study is driving you mad!”

25 But Paul replied, “I’m not out of my mind, most excellent Festus. On the contrary, I’m speaking words of truth and good judgment.(S) 26 For the king knows about these matters. It is to him I am actually speaking boldly. For I am convinced that none of these things escapes his notice, since this was not done in a corner. 27 King Agrippa, do you believe the prophets? I know you believe.”

28 Then Agrippa said to Paul, “Are you going to persuade me to become a Christian so easily?”

29 “I wish before God,” replied Paul, “that whether easily or with difficulty, not only you but all who listen to me today might become as I am—except for these chains.”(T)

30 So the king, the governor, Bernice, and those sitting with them got up, 31 and when they had left they talked with each other and said, “This man is doing nothing that deserves death or chains.”(U)

32 Then Agrippa said to Festus, “This man could have been released if he had not appealed to Caesar.”(V)

Footnotes

  1. Acts 26:14 Sharp sticks used to prod animals, such as oxen in plowing
  2. Acts 26:16 Other mss read things in which you have seen Me

Nagtanggol si Pablo sa Harapan ni Agripa

26 Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita para sa iyong sarili.”

Iniunat ni Pablo ang kanyang kamay at nagsalita bilang pagtatanggol sa sarili:

“Haring Agripa, itinuturing kong mapalad ako at sa harapan ninyo ako magtatanggol ng aking sarili laban sa lahat ng mga paratang ng mga Judio sapagkat lubos ninyong nababatid ang mga kaugalian at pagtatalo ng mga Judio. Kaya't hinihiling ko pong pagtiyagaan ninyo akong pakinggan.

“Alam ng lahat ng Judio kung paano ako namuhay mula pa sa aking kamusmusan sa aking sariling bayan at sa Jerusalem. Matagal(A) na nilang alam, at sila na ang makakapagpatotoo kung kanilang gugustuhin, na ako'y namuhay bilang kaanib ng pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo. At ngayo'y nililitis ako dahil sa aking pag-asa sa pangako ng Diyos sa aming mga ninuno. Ang pangako ring iyan ang inaasahan ng aming labindalawang lipi kaya't sila'y taimtim na sumasamba sa Diyos gabi't araw. At dahil sa pag-asa ring ito, Haring Agripa, ako'y pinaparatangan ng mga Judio! Bakit(B) hindi mapaniwalaan ng mga naririto na maaaring muling buhayin ng Diyos ang mga patay?

“Akala(C) ko rin noong una'y dapat kong gawin ang lahat ng aking magagawa laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazaret. 10 At ganoon nga ang ginawa ko sa Jerusalem. Maraming Cristiano ang aking ipinabilanggo batay sa kapangyarihang ibinigay sa akin ng mga punong pari ng mga Judio. Isa rin ako sa mga humatol ng kamatayan sa kanila. 11 Pinarusahan ko sila sa lahat ng mga sinagoga upang piliting talikuran ang kanilang pananampalataya. Sa tindi ng poot ko'y inusig ko sila kahit sa mga lungsod sa ibang bansa.”

Isinalaysay ni Pablo Kung Paano Siya Sumampalataya(D)

12 “Iyan ang layunin ng pagpunta ko sa Damasco, taglay ang kapangyarihan at pahintulot ng mga punong pari. 13 Nang katanghaliang-tapat, habang kami'y naglalakbay, nakita ko, Haring Agripa, ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit, ito'y maliwanag pa kaysa sa araw. Totoong nakakasilaw ang liwanag sa paligid naming magkakasama. 14 Kaming lahat ay natumba sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Sinasaktan mo ang iyong sarili sa ginagawa mong iyan. Para mong sinisipa ang matulis na bagay.’ 15 At itinanong ko, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ At kanyang sinabi, ‘Ako'y si Jesus na iyong inuusig. 16 Tumayo ka! Nagpakita ako sa iyo upang italaga ka bilang aking lingkod at magpatotoo tungkol sa mga nakita mo ngayon at sa mga ipapakita ko pa sa iyo. 17 Ililigtas kita mula sa mga kababayan mong Judio at gayundin sa mga Hentil kung saan kita isusugo. 18 Imumulat mo ang kanilang mga mata, ibabalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, ililigtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibabalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at mabibigyan ng lugar kasama ng mga taong ginawang banal ng Diyos.’”

Isinalaysay ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod

19 “Dahil dito, Haring Agripa, hindi po ako sumuway sa pangitaing mula sa langit. 20 Nangaral(E) ako, una sa Damasco, saka sa Jerusalem at sa buong lupain ng Judea, at gayundin sa mga Hentil. Ipinangaral kong dapat silang magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan, lumapit sa Diyos, at ipakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga gawa. 21 Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio habang ako'y nasa Templo, at pinagtangkaang patayin. 22 Ngunit hanggang ngayo'y tinutulungan ako ng Diyos, kaya't nakatayo ako ngayon dito at nagpapatotoo tungkol sa kanya sa lahat ng tao, hamak man o dakila. Wala akong itinuturo kundi ang mga sinabi ng mga propeta at ni Moises, 23 na(F) ang Cristo ay kailangang magdusa, at siya ang unang mabuhay na muli upang magpahayag ng liwanag sa mga Judio at sa mga Hentil.”

24 Habang nagsasalita pa si Pablo, malakas na sinabi ni Festo, “Nababaliw ka na, Pablo! Sa sobrang pag-aaral mo'y nasira na ang iyong ulo.”

25 Ngunit sumagot si Pablo, “Hindi ako nababaliw, Kagalang-galang na Festo! Ang sinasabi ko'y mga salita ng katinuan at pawang katotohanan. 26 Nalalaman po ninyo, Haring Agripa, ang tungkol sa mga bagay na ito, kaya malakas ang loob kong magsalita sa inyong harapan. Tiyak na hindi lingid sa inyo ang mga ito sapagkat hindi sa isang sulok lamang nangyari ito. 27 Haring Agripa, naniniwala ba kayo sa mga propeta? Alam kong naniniwala kayo!”

28 Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Sa palagay mo ba'y mahihikayat mo akong maging Cristiano sa loob ng maikling panahon?”

29 Sumagot si Pablo, “Maging sa maikli o sa mahabang panahon, loobin nawa ng Diyos na hindi lamang kayo, kundi ang lahat ng nakakarinig sa akin ngayon ay maging kagaya ko, maliban sa mga tanikalang ito.”

30 Pagkatapos, tumayo ang hari, ang gobernador, si Bernice, at lahat ng kasama nila. 31 Lumabas sila at nag-usap-usap, “Ang taong ito'y walang ginawang anumang nararapat sa hatol na kamatayan o pagkabilanggo.” 32 At sinabi pa ni Agripa kay Festo, “Kung hindi lamang niya hiniling na dumulog sa Emperador, maaari na sana siyang palayain.”