Add parallel Print Page Options

见水于殿门下涌出

47 他带我回到殿门,见殿的门槛下有水往东流出(原来殿面朝东)。这水从槛下,由殿的右边,在祭坛的南边往下流。 他带我出北门,又领我从外边转到朝东的外门,见水从右边流出。

他手拿准绳往东出去的时候,量了一千肘,使我趟过水,水到踝子骨。 他又量了一千肘,使我趟过水,水就到膝。再量了一千肘,使我趟过水,水便到腰。 又量了一千肘,水便成了河,使我不能趟过,因为水势涨起,成为可洑的水,不可趟的河。

水之利用

他对我说:“人子啊,你看见了什么?”他就带我回到河边。 我回到河边的时候,见在河这边与那边的岸上有极多的树木。 他对我说:“这水往东方流去,必下到亚拉巴,直到海。所发出来的水必流入海,使水变甜[a] 这河水所到之处,凡滋生的动物都必生活,并且因这流来的水必有极多的鱼,海水也变甜了。这河水所到之处,百物都必生活。 10 必有渔夫站在河边,从隐基底直到隐以革莲,都做晒[b]网之处。那鱼各从其类,好像大海的鱼,甚多。 11 只是泥泞之地与洼湿之处不得治好,必为盐地。 12 在河这边与那边的岸上必生长各类的树木,其果可做食物,叶子不枯干,果子不断绝。每月必结新果子,因为这水是从圣所流出来的。树上的果子必做食物,叶子乃为治病。

以色列地之境界

13 “主耶和华如此说:你们要照地的境界,按以色列十二支派分地为业,约瑟必得两份。 14 你们承受这地为业,要彼此均分,因为我曾起誓应许将这地赐予你们的列祖,这地必归你们为业。

15 “地的四界乃是如此:北界从大海往希特伦,直到西达达口, 16 又往哈马比罗他西伯莲西伯莲大马士革哈马两界中间),到浩兰边界的哈撒哈提干 17 这样,境界从海边往大马士革地界上的哈萨以难,北边以哈马地为界。这是北界。 18 东界在浩兰大马士革基列以色列地的中间,就是约旦河。你们要从北界量到东海。这是东界。 19 南界是从他玛米利巴加低斯的水,延到埃及小河,直到大海。这是南界。 20 西界就是大海,从南界直到哈马口对面之地。这是西界。

拈阄分地

21 “你们要按着以色列的支派彼此分这地。 22 要拈阄分这地为业,归于自己和你们中间寄居的外人,就是在你们中间生养儿女的外人。你们要看他们如同以色列人中所生的一样,他们在以色列支派中要与你们同得地业。 23 外人寄居在哪支派中,你们就在哪里分给他地业。这是主耶和华说的。

Footnotes

  1. 以西结书 47:8 原文作:得医治。下同。
  2. 以西结书 47:10 或作:张。

Ang Bukal na Dumadaloy mula sa Templo

47 Pagkatapos, dinala ako ng tao sa pintuan ng templo, at nakita ko roon ang umaagos na tubig na papuntang silangan mula sa ilalim ng pintuan ng templo. (Ang templo ay nakaharap sa gawing silangan.) At umagos ang tubig pakanan, sa bandang timog ng altar. Pagkatapos, dinala ako ng tao sa labas ng templo. Doon kami dumaan sa gawing hilaga. At inilibot niya ako sa labas patungo sa daanan sa silangan. Nakita ko roon ang tubig na umaagos mula sa gawing hilaga ng daan. Naglakad kami papunta sa gawing silangan sa tabi ng tubig, at patuloy siya sa pagsukat. Nang mga 1,700 talampakan na ang nalakad namin, pinalusong niya ako sa tubig na hanggang bukong-bukong. At nagsukat uli siya ng 1,700 talampakan at muli akong pinalusong sa tubig na hanggang tuhod na. Nagsukat pa ulit siya ng 1,700 talampakan at pinalusong akong muli sa tubig na hanggang baywang na. Nagsukat ulit siya ng 1,700 talampakan pero hindi na ako makalusong dahil malalim na ang tubig sa ilog at kailangan nang languyin.

Sinabi ng tao sa akin, “Anak ng tao, tandaan mong mabuti ang nakita mo.” At dinala niya ako sa pampang ng ilog na iyon. Nang naroon na ako, marami akong nakitang kahoy sa magkabilang pampang. At sinabi niya sa akin, “Ang tubig na itoʼy dumadaloy sa lupain sa silangan papunta sa Araba[a] papunta sa Dagat na Patay. Ang dagat na ito ay magiging sariwang tubig na at hindi maalat. At kahit saan ito dumaloy, marami nang isda at iba pang nabubuhay sa tubig ang mabubuhay dahil pinapasariwa nito ang maalat na tubig. 10 Marami nang mangingisda sa Dagat na Patay mula sa En Gedi patungo sa En Eglaim. Dadami ang ibaʼt ibang uri ng isda sa Dagat na Patay katulad ng Dagat ng Mediteraneo. Ang tabing-dagat ay mapupuno na ng mga pinatutuyong lambat. 11 Ngunit ang mga latian sa palibot ng Dagat na Patay ay mananatiling maalat para may makuhanan ng asin ang mga tao. 12 Tutubo sa magkabilang panig ng ilog ang ibaʼt ibang uri ng punongkahoy na namumunga. Ang mga dahon nitoʼy hindi malalanta at hindi mauubos ang mga bunga. Mamumunga ito sa bawat buwan dahil dinadaluyan ito ng tubig mula sa templo. Ang mga bunga nitoʼy pagkain, at ang dahon ay gamot.”

Ang mga Hangganan ng Lupa

13 Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Ito ang mga hangganan ng mga lupaing paghahati-hatiin ng 12 lahi ng Israel bilang mana nila. Bigyan ninyo ng dalawang bahagi na mamanahin ang lahi ni Jose. 14 Pantay-pantay ang gawin ninyong paghahati-hati ng lupain, dahil ipinangako ko sa mga magulang ninyo na ibibigay ko ito sa kanila para manahin ninyo. 15 Ito ang mga hangganan:

“Ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat ng Mediteraneo papuntang Hetlon, sa Lebo Hamat sa Zedad, 16 sa Berota, sa Sibraim, na nasa hangganan ng Damascus at ng Hamat hanggang sa Haser Haticon na nasa hangganan ng Hauron. 17 Kaya ang hangganan sa hilaga ay magsisimula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Hazar Enan, na nasa hangganan ng Damascus at ng Hamat sa hilaga.

18 “Ang hangganan sa silangan ay mula sa hangganan ng Hauran at Damascus papuntang Ilog ng Jordan (sa pagitan ng Gilead at ng Israel) patungo sa Dagat na Patay[b] hanggang sa Tamar.[c] Ito ang hangganan sa silangan.

19 “Ang hangganan naman sa Timog ay simula sa Tamar patungo sa bukal ng Meriba Kadesh[d] hanggang sa Lambak ng Egipto patungo sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan sa Timog.

20 “Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo hanggang sa tapat ng Lebo Hamat.

21 “Ito ang lupaing paghahati-hatiin ninyo sa bawat lahi. 22 Ito ang pinakamana ninyo at ng mga dayuhang nakatira kasama ninyo na ang mga anak ay ipinanganak sa Israel. Ituring ninyo silang parang tunay na katutubong Israelita, at bigyan din ninyo sila ng lupang mamanahin ng mga lahi ng Israel. 23 Kung saang angkan sila naninirahan, doon din sa angkan na iyon magmumula ang bahagi nilang lupain. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Footnotes

  1. 47:8 Araba: Lambak ng Jordan.
  2. 47:18 Dagat na Patay: sa literal, Dagat sa Silangan.
  3. 47:18 hanggang sa Tamar: Ganito sa tekstong Septuagint at Syriac. Sa tekstong Hebreo, susukatin mo.
  4. 47:19 Meriba Kadesh: o, Meriba sa Kadesh.