Ezra 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagpapatayo ng Bagong Altar
3 Nang dumating ang ikapitong buwan, noong nakatira na ang mga Israelita sa kani-kanilang bayan, nagtipon silang lahat sa Jerusalem nang may pagkakaisa. 2 Pagkatapos, muling itinayo ang altar ng Dios ng Israel para makapag-alay dito ng mga handog na sinusunog ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises na kanyang lingkod.[a] Ang nagpatayo nito ay si Jeshua[b] na anak ni Jozadak at ang iba pa niyang mga kasamahang pari, at si Zerubabel na anak ni Shealtiel at ang mga kamag-anak niya. 3 Kahit takot sila sa mga tao na dati nang nakatira sa lupaing iyon,[c] itinayo nila ang altar sa dating pinagtayuan nito. Pagkatapos, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog sa umaga at gabi.
4 Ipinagdiwang din nila ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises. At nag-alay sila ng mga handog na sinusunog, na kinakailangang ihandog sa bawat araw ng ganitong pista. 5 Bukod pa sa mga handog na sinusunog, naghahandog din sila ng mga handog sa bawat Pista ng Pagsisimula ng Buwan,[d] at sa iba pang mga pista sa pagsamba sa Panginoon. At nag-aalay din sila ng handog na kusang-loob para sa Panginoon. 6 Kahit hindi pa nasisimulan ang muling pagpapatayo ng templo ng Panginoon, nagsimula na ang mga Israelita sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog nang unang araw ng ikapitong buwan nang taon ding iyon.
Muling Ipinatayo ang Templo
7 Nagbigay ang mga Israelita ng pera na pambayad sa mga tagatabas ng bato at sa mga karpintero. Nagbigay din sila ng mga pagkain, inumin, at langis na pambayad sa mga taga-Sidon at taga-Tyre para sa mga kahoy na sedro na galing sa Lebanon. Ang mga kahoy na ito ay isasakay sa mga barko at dadalhin sa Jopa. Pinahintulutan ito ni Haring Cyrus ng Persia.
8 Sinimulan ang pagpapatayo ng templo nang ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang makabalik ang mga Israelita sa Jerusalem. Tulong-tulong sa pagtatrabaho ang lahat ng nakabalik sa Jerusalem galing sa pagkabihag, kasama na rito sina Zerubabel na anak ni Shealtiel, Jeshua na anak ni Jozadak at ang mga kasamahan niyang pari, at ang mga Levita. Ang pinagkatiwalaan sa pamamahala sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon ay ang mga Levita na nasa edad 20 taon pataas. 9 Silaʼy si Jeshua,[e] ang mga anak niya at mga kamag-anak, si Kadmiel at ang mga anak niya. Silang lahat ay mula sa lahi ni Juda.[f] Tumulong din sa kanila ang mga angkan at mga kamag-anak ni Henadad na mga Levita rin.
10 Nang matapos na ng mga karpintero ang pundasyon ng templo ng Panginoon, pumwesto na ang mga pari na nakasuot ng kanilang damit na pangpari para hipan ang mga trumpeta. Pumwesto rin ang mga Levita, na angkan ni Asaf, sa pagtugtog ng mga pompyang upang purihin ang Panginoon ayon sa kaparaanan na itinuro noon ni Haring David sa Israel. 11 Nagpuri sila at nagpasalamat sa Panginoon habang umaawit ng, “Napakabuti ng Panginoon, dahil ang pag-ibig niya sa Israel ay walang hanggan.” At sumigaw nang malakas ang lahat ng tao sa pagpupuri sa Panginoon dahil natapos na ang pundasyon ng templo. 12 Nandoon ang maraming matatandang pari, mga Levita, at mga pinuno ng mga pamilya na nakakita noon sa unang templo. Umiyak sila nang malakas nang makita nila ang pundasyon ng bagong templo. At marami rin ang sumigaw sa galak. 13 Hindi na malaman ang sigaw ng kagalakan at ang tinig ng pag-iyak dahil napakaingay ng mga tao, at naririnig ito sa malayo.
Footnotes
- 3:2 lingkod: o, propeta. Sa literal, tao.
- 3:2 Jeshua: Siya ay si Josue sa Hageo 1:1.
- 3:3 mga tao na dati nang nakatira sa lupaing iyon: o, mga taong nakatira sa paligid na mga lugar.
- 3:5 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
- 3:9 Jeshua: Maaaring iba itong Jeshua sa talatang 8. Tingnan ang 2:36 at 2:40.
- 3:9 Juda: Maaaring siya rin si Hodavia (tingnan ang 2:40).
以斯拉记 3
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
重建祭坛
3 到了七月,以色列人已安居各城,他们万众一心地聚集在耶路撒冷。 2 约萨达的儿子耶书亚及其他祭司、撒拉铁的儿子所罗巴伯及其亲属,一起重新筑造以色列上帝的祭坛,为要照上帝的仆人摩西在律法书上的记载在坛上献燔祭。 3 他们虽然惧怕当地的居民,还是在原来的根基上重建祭坛,并早晚在上面向耶和华献燔祭。 4 他们照律法书的记载守住棚节,每天按规定的数目献上燔祭。 5 之后,他们献上日常的燔祭,并在朔日[a]和耶和华所定的一切节期献祭,又向耶和华献上自愿献的祭。 6 尽管耶和华殿的根基还没有立好,从七月一日起,他们就开始向耶和华献燔祭。 7 他们付给石匠和木匠银子,并经波斯王塞鲁士批准,供给泰尔人和西顿人食物、酒和油,换取他们把香柏木从黎巴嫩经海路运到约帕。
开始重建圣殿
8 在回到耶路撒冷上帝殿的第二年二月,撒拉铁的儿子所罗巴伯、约萨达的儿子耶书亚及其祭司和利未亲族,以及所有从流亡之地回到耶路撒冷的人,开始重建耶和华的殿,并派二十岁以上的利未人做督工。 9 何达威雅[b]的后裔,即耶书亚及其子孙和弟兄、甲篾及其子孙,与利未人希拿达的子孙及其弟兄同心协力地监督在上帝殿里做工的人。
10 工人立耶和华殿的根基时,祭司身穿礼服拿着号角,利未人亚萨的子孙拿着钹各就各位,照以色列王大卫所定的规矩赞美耶和华。 11 他们彼此唱和,赞美、称谢耶和华,说:
“祂是美善的,
因为祂向以色列人永施慈爱!”
所有人都高声欢呼赞美耶和华,因为耶和华殿的根基已经立好。 12 许多曾见过旧殿的年长的祭司、利未人和族长看见这殿的根基,不禁放声大哭,也有很多人高声欢呼。 13 人们无法分辨是痛哭声还是欢呼声,因为众人都大声呼喊,声音传到远处。
以斯拉记 3
Chinese New Version (Traditional)
重建祭壇
3 到了七月,各城裡的以色列人,如同一人,都在耶路撒冷聚集。 2 約薩達的兒子耶書亞和作祭司的親族,撒拉鐵的兒子所羅巴伯和他的兄弟都起來,建築以色列 神的祭壇,為要照著神人摩西律法書上所寫的,在祭壇上獻燔祭。 3 因為他們懼怕當地的居民,就在殿的原有根基上建立祭壇,在祭壇上向耶和華獻燔祭,就是早晚的燔祭。 4 他們又按照律法上所記載的守住棚節,每天照著規定的數目獻上當天的燔祭。 5 另外,又獻常獻的燔祭、月朔獻的燔祭和一切耶和華的聖節所獻的燔祭,以及甘心樂意的人向耶和華所獻的甘心祭。 6 從七月一日起,他們就開始向耶和華獻燔祭,但是那時耶和華的殿還沒有立定根基, 7 他們把銀子給石匠和木匠,把食物、飲料和油給西頓人和推羅人,叫他們照著波斯王古列所允許的,把香柏木從黎巴嫩經海運送到約帕。
重建聖殿
8 眾人來到耶路撒冷 神的殿以後,第二年二月,撒拉鐵的兒子所羅巴伯、約薩達的兒子耶書亞和他們其餘的兄弟,就是祭司、利未人和所有從被擄之地回到耶路撒冷的人,就開始動工建造;又委派二十歲以上的利未人,監督耶和華殿的工程。 9 耶書亞和他的兒子及兄弟,甲篾和他的兒子,就是何達威雅的子孫(“何達威雅的子孫”或譯:“猶大人”),同心協力監督建造神殿的工人,有利未人希拿達的兒子和兄弟協助他們。 10 建築工人奠立耶和華殿根基的時候,祭司都穿上禮服,拿著號筒,亞薩子孫的利未人,都拿著響鈸,站在自己的位置,按照以色列王大衛所定的儀式讚美耶和華。 11 他們讚美和稱謝,向耶和華歌唱,說:“耶和華是至善的,他向以色列人所施的慈愛永遠長存。”他們讚美耶和華的時候,眾人都大聲呼喊,因為耶和華殿的根基已經奠定。 12 很多年老的祭司、利未人和族長,曾經見過先前的殿,眼見這殿的根基再次奠立,就放聲大哭,但也有許多人高聲歡呼, 13 以致分不清到底是歡呼聲或哭聲。因為眾人都大聲呼喊,這聲音在很遠的地方也可以聽見。
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
