Add parallel Print Page Options

Sinabi nila sa isa’t isa: Sino ang magpapagulong para sa atin ng bato sa bukana ng libingan?

Nang tumingin sila pataas, nakita nila na naigulong na ang bato sapagkat ito ay napakalaki. Nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang isang binatang nakaupo sa gawing kanan na nakasuot ng puting kasuotan. Dahil dito sila ay lubhang nanggilalas.

Sinabi niya sa kanila: Huwag kayong manggilalas. Hina­hanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito! Tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan sa kaniya. Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya gaya ng sinabi niya sa inyo.

Read full chapter