Add parallel Print Page Options

19 Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinag­putul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin.

20 Sa gayunding paraan, pagkatapos na makapaghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos para sa inyo.

Read full chapter