Genesis 19:17-28
Ang Biblia (1978)
17 At nangyari, na nang sila'y mailabas na nila, ay sinabi, Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang (A)lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay.
18 At sinabi sa kanila ni Lot, Huwag ganiyan, panginoon ko:
19 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay.
20 Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako.
21 At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay (B)pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita.
22 Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. (C)Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar.
Ang mga Ciudad sa kapatagan ay giniba.
23 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar.
24 (D)Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;
25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.
26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, (E)at naging haliging asin.
27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan (F)sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon.
28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang (G)usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978