Add parallel Print Page Options

12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan,
Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran,
(A)Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
14 Na (B)nangagagalak na magsigawa ng kasamaan,
At (C)nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
15 Na mga liko sa kanilang mga lakad,
At mga suwail sa kanilang mga landas:
16 (D)Upang iligtas ka sa masamang babae,
Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
17 (E)Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan,
At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
18 Sapagka't ang (F)kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan,
At ang kaniyang mga landas na sa patay:
19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli,
Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao,
At maingatan ang mga landas ng matuwid.

Read full chapter