Add parallel Print Page Options

Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.

10 Kaya't dahil sa inyo, (A)pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga.

Read full chapter