Font Size
Mateo 14:1-5
Magandang Balita Biblia
Mateo 14:1-5
Magandang Balita Biblia
Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo(A)
14 Ang balita tungkol kay Jesus ay nakarating kay Herodes na gobernador ng Galilea,[a] 2 kaya't nasabi niya sa kanyang mga lingkod, “Si Juan na Tagapagbautismo iyon! Siya'y muling nabuhay kaya't nakakagawa ng mga himala!”
3 Itong(B) si Herodes ang nagpahuli kay Juan. Ipinagapos niya ito at ipinabilanggo dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. 4 Sapagkat(C) sinasabi ni Juan kay Herodes, “Bawal na magsama kayo ng asawa ng iyong kapatid.” 5 Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan, ngunit natatakot siya sa mga Judio sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan na Tagapagbautismo.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 14:1 HERODES NA GOBERNADOR NG GALILEA: Ang Herodes na ito'y si Antipas, isa sa mga anak ni Haring Herodes na Dakila.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.