Add parallel Print Page Options

O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y nabubuhay?

Sapagka't ang babae (A)na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.

Kaya nga (B)kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.

Gayon din naman, mga kapatid ko, (C)kayo'y nangamatay rin sa kautusan (D)sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios.

Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, (E)ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa (F)sa ating mga sangkap (G)upang magsipagbunga sa kamatayan.

Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo (H)sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.

Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, (I)hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, (J)Huwag kang mananakim:

Datapuwa't (K)ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan ang kasalanan ay patay.

At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay;

10 At ang utos (L)na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay;

11 Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, (M)ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.

12 Kaya nga (N)ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at (O)matuwid, at mabuti.

13 Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan;—na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala.

14 Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y (P)sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na (Q)ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.

15 Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: (R)sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.

16 Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.

17 Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

18 Sapagka't nalalaman ko na (S)sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala.

19 Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.

20 Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin.

22 Sapagka't (T)ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios (U)ayon sa pagkataong loob:

23 Datapuwa't (V)nakikita ko ang ibang kautusan sa (W)aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap.

24 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa (X)katawan nitong kamatayan?

25 Nagpapasalamat ako sa Dios (Y)sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.

Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.

Sapagka't ang kautusan (Z)ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya (AA)ako sa (AB)kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.

Sapagka't (AC)ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng (AD)Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin (AE)at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:

Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.

Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima (AF)sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa (AG)mga bagay ng Espiritu.

Sapagka't (AH)ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.

Sapagka't (AI)ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:

At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.

Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang (AJ)Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya.

10 At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't (AK)ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran.

11 Nguni't kung ang Espiritu (AL)niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.

12 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman:

13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay (AM)pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.

14 Sapagka't ang lahat (AN)ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.

15 Sapagka't (AO)hindi ninyo muling tinanggap (AP)ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang (AQ)espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, (AR)Abba, Ama.

16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:

17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; (AS)mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; (AT)kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.

18 Sapagka't napatutunayan ko na (AU)ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.

19 Sapagka't (AV)ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios.

20 Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng (AW)kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi (AX)dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa

21 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng (AY)kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.

22 Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.

23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong (AZ)mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y (BA)tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay (BB)ng pagkukupkop, na dili iba't, (BC)ang pagtubos sa ating katawan.

24 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?

25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.

26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: (BD)sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't (BE)ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;

27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang (BF)namamagitan dahil sa mga banal (BG)alinsunod sa kalooban ng Dios.

28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag (BH)alinsunod sa kaniyang nasa.

29 Sapagka't (BI)yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, (BJ)ay itinalaga naman niya (BK)na maging katulad (BL)ng larawan ng kaniyang Anak, (BM)upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:

30 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang (BN)tinawag naman: at ang mga tinawag ay (BO)inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay (BP)niluwalhati din naman niya.

31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?

32 Siya, na hindi ipinagkait (BQ)ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?

33 Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa (BR)mga hirang ng Dios? (BS)Ang Dios ay ang umaaring-ganap;

34 Sino (BT)ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na (BU)siyang nasa kanan ng Dios, (BV)na siya namang namamagitan dahil sa atin.

35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?

36 Gaya ng nasusulat,

(BW)Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.

37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito (BX)tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.

38 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga (BY)pamunuan, kahit (BZ)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,

39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa (CA)pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, (CB)na ako'y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo,

Na mayroon akong malaking kalungkutan (CC)at walang tigil na karamdaman sa aking puso.

Sapagka't ako'y makapagnanasa na ako man (CD)ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak (CE)ayon sa laman.

Na pawang mga Israelita; (CF)na sa kanila ang pagkukupkop, at (CG)ang kaluwalhatian, at (CH)ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at (CI)ang paglilingkod sa Dios, at (CJ)ang mga kapangakuan;

Na sa kanila (CK)ang mga magulang, at (CL)sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, (CM)na siyang lalo sa lahat, Dios na (CN)maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.

Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't (CO)hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:

(CP)Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, (CQ)Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.

Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga (CR)anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi.

Sapagka't ito ang salita ng pangako, (CS)Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.

10 At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni (CT)Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac—

11 Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi (CU)doon sa tumatawag,

12 Ay sinabi sa kaniya, (CV)Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.

13 Gaya ng nasusulat, (CW)Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.

14 Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari.

15 Sapagka't sinasabi niya kay Moises, (CX)Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.

16 Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.

17 Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, (CY)Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa.

18 Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas.

19 Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagka't sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban?

20 (CZ)Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? (DA)Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?

21 O wala bagang (DB)kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang (DC)isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.

22 Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking (DD)pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira:

23 At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na (DE)kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian,

24 Maging sa atin na kaniya namang tinawag, (DF)hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?

25 Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas,

(DG)Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan;
At iniibig, na hindi dating iniibig.
26 At mangyayari, (DH)na sa dakong pinagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi ko bayan,
Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.

27 At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, (DI)Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, (DJ)ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:

28 Sapagka't isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin (DK)at paiikliin.

29 At gaya ng sinabi nang una ni Isaias,

(DL)Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
(DM)Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra.

30 Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga'y (DN)ng katuwiran sa pananampalataya:

31 Datapuwa't ang Israel (DO)sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan.

32 Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. (DP)Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;

33 Gaya ng nasusulat,

(DQ)Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal:
(DR)At ang sumasampalataya sa kaniya'y hindi mapapahiya.