Add parallel Print Page Options

Ang mga bansa ay pinagsabihan na sumuko kay Nabucodonosor.

27 (A)Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na (B)hari sa Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at (C)ilagay mo sa iyong batok,

At iyong mga ipadala sa hari sa (D)Edom, at sa hari sa Moab, at sa hari ng mga anak ni Ammon, at sa hari sa Tiro, at sa hari sa Sidon, sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na hari sa Juda,

At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon.

(E)Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng aking unat na bisig; at (F)aking ibinigay doon sa minamarapat ko.

At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na (G)aking lingkod at ang mga hayop sa parang ay ibinigay ko rin naman sa kaniya upang mangaglingkod sa kaniya.

At lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya, at (H)sa kaniyang anak at sa (I)anak ng kaniyang anak, (J)hanggang dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain: at kung magkagayo'y maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran siya.

At mangyayari, na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at yaong hindi yuyukod ng kanilang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, ay parurusahan ko ng tabak, at ng kagutom, at ng salot, hanggang sa aking malipol sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang (K)inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia:

10 Sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan (L)sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at aking palalayasin kayo at kayo'y mangalilipol.

11 Nguni't ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at maglilingkod sa kaniya, ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bubukirin, at tatahanan.

12 At ako'y nagsalita kay (M)Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay:

13 Bakit kayo'y (N)mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia?

14 At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan (O)sa inyo.

15 Sapagka't hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon; kundi sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan; upang aking mapalayas kayo, at kayo'y mangalipol, kayo, at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo.

16 Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta, na nanganghuhula sa inyo, na nangagsasabi, Narito, (P)ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo.

17 Huwag ninyong dinggin sila, mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia, at kayo'y mangabuhay: bakit nga ang bayang ito ay magiging sira?

18 Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, (Q)mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga (R)sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.

19 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo (S)tungkol sa mga haligi, at tungkol sa dagatdagatan, at tungkol sa mga tungtungan, at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito,

20 Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, (T)nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda, mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia, at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem;

21 Oo, ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem:

22 (U)Mangadadala sa Babilonia, at mangapaparoon, hanggang sa araw na dalawin ko sila, sabi ng Panginoon; kung magkagayo'y isasampa ko (V)sila, at isasauli ko sa dakong ito.

Si Hananias ay nanghula ng kabulaanan.

28 At nangyari, nang taon ding yaon sa pasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikaapat na taon, sa ikalimang buwan, na si Hananias na anak ni Azur na propeta, na taga Gabaon, ay nagsalita sa akin sa bahay ng Panginoon, sa harapan ng mga saserdote, at ng buong bayan, na nagsasabi,

Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Aking inalis ang pamatok ng hari sa Babilonia.

Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito, ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito, at mga dinala sa Babilonia:

At aking dadalhin uli sa dakong ito si Jechonias na anak ni Joacim, na hari sa Juda, sangpu ng lahat na bihag sa Juda, na nangaparoon sa Babilonia, sabi ng Panginoon: sapagka't aking aalisin ang pamatok ng hari sa Babilonia.

Nang magkagayo'y nagsabi ang propeta Jeremias sa propeta Hananias sa harapan ng mga saserdote, at sa harapan ng buong bayan, na nakatayo sa bahay ng Panginoon,

Sinabi nga ng propeta Jeremias, (W)Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito.

Gayon ma'y dinggin mo ang mga salitang ito na sinasalita ko sa iyong mga pakinig, at sa mga pakinig ng buong bayan:

Ang mga naging propeta bago ako at bago ikaw nang una ay nanghula laban sa maraming lupain, at laban sa mga malaking kaharian, tungkol sa digma, at tungkol sa kasamaan, at tungkol sa salot.

Ang propeta, na nanghuhula (X)ng tungkol sa kapayapaan, ay makikilala nga siyang propeta, na tunay na sinugo ng Panginoon siya, pagka ang salita ng propeta ay mangyayari.

10 Nang magkagayo'y kinuha ng propeta Hananias (Y)ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, at binali.

11 At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan, na nagsasabi: Ganito ang sabi ng Panginoon, Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap (Z)sa batok ng lahat na bansa. At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad.

Ang kamatayan ni Hananias.

12 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, na nagsasabi,

13 Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, nguni't ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal.

14 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (AA)Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod (AB)kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko (AC)rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.

15 Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi (AD)iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ikaw ay aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa: mamamatay ka sa taong ito sapagka't ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.

17 Sa gayo'y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan.