Sefanias 2
Ang Biblia, 2001
Ang Malagim na Wakas ng mga Bansa
2 Sama-sama kayong pumarito
at magtipon, O bansang walang kahihiyan;
2 bago ang utos ay lumabas, ang araw ay dadaang parang ipa,
bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon,
bago dumating sa inyo ang araw ng poot ng Panginoon.
3 Hanapin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mapagpakumbaba sa lupain,
na sumusunod sa kanyang mga utos;
hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kapakumbabaan,
maaaring kayo'y maitago
sa araw ng poot ng Panginoon.
Hahatulan ang mga Bansa sa Paligid ng Israel
4 Sapagkat(A) ang Gaza ay pababayaan,
at ang Ascalon ay magigiba;
palalayasin ang mamamayan ng Asdod sa katanghaliang-tapat,
at ang Ekron ay mabubunot.
5 Kahabag-habag ang mga naninirahan sa baybayin ng dagat,
ikaw na bansa ng mga Kereteo!
Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo,
O Canaan, lupain ng mga Filisteo;
aking wawasakin ka, hanggang maubos ang lahat ng mamamayan.
6 At ikaw, O baybayin ng dagat ay magiging pastulan,
kaparangan para sa mga pastol,
at mga kulungan para sa mga kawan.
7 At ang baybayin ay magiging pag-aari
ng nalabi sa sambahayan ni Juda;
na iyon ay kanilang pagpapastulan,
at sa mga bahay sa Ascalon ay
mahihiga sila sa gabi.
Sapagkat dadalawin sila ng Panginoon nilang Diyos,
at ibabalik mula sa kanilang pagkabihag.
8 “Aking(B) narinig ang panunuya ng Moab,
at ang panglalait ng mga anak ni Ammon,
kung paanong tinuya nila ang aking bayan,
at nagmalaki sila laban sa kanilang nasasakupan.
9 Kaya't(C) habang buháy ako,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
ng Diyos ng Israel,
“ang Moab ay magiging parang Sodoma,
at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra,
isang lupaing pag-aari ng mga dawag at tambakan ng asin,
at isang pagkasira magpakailanman.
Sila'y sasamsaman ng nalabi sa aking bayan,
at sila'y aangkinin ng nalabi sa aking bansa.”
10 Ito ang kanilang magiging kapalaran kapalit ng kanilang pagmamataas,
sapagkat sila'y nanlibak at nagmalaki
laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo.
11 Ang Panginoon ay magiging kakilakilabot laban sa kanila;
oo, kanyang gugutumin ang lahat ng diyos sa lupa;
at sa kanya ay yuyukod,
bawat isa sa kanya-kanyang dako,
ang lahat ng pulo ng mga bansa.
12 Kayo(D) rin, O mga taga-Etiopia,
kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak.
13 At(E) kanyang iuunat ang kanyang kamay laban sa hilaga,
at gigibain ang Asiria,
at ang Ninive ay sisirain,
at tutuyuing gaya ng ilang.
14 At ang mga bakahan ay hihiga sa gitna niyon,
lahat ng hayop ng mga bansa,
ang pelikano at gayundin ang kuwago
ay maninirahan sa kanyang mga kabisera,
ang kanilang tinig ay huhuni sa bintana,
ang kasiraan ay darating sa mga pasukan;
sapagkat ang kanyang mga yaring kahoy na sedro ay masisira.
15 Ito ang masayang bayan na
naninirahang tiwasay,
na nagsasabi sa sarili,
“Ako nga, at walang iba liban sa akin.”
Siya'y naging wasak,
naging dakong higaan para sa mababangis na hayop!
Bawat dumaraan sa kanya
ay sumusutsot at ikinukumpas ang kanyang kamay.
Zephaniah 2
New King James Version
A Call to Repentance
2 Gather(A) yourselves together, yes, gather together,
O [a]undesirable nation,
2 Before the decree is issued,
Or the day passes like chaff,
Before the Lord’s fierce anger comes upon you,
Before the day of the Lord’s anger comes upon you!
3 (B)Seek the Lord, (C)all you meek of the earth,
Who have upheld His justice.
Seek righteousness, seek humility.
(D)It may be that you will be hidden
In the day of the Lord’s anger.
Judgment on Nations
4 For (E)Gaza shall be forsaken,
And Ashkelon desolate;
They shall drive out Ashdod (F)at noonday,
And Ekron shall be uprooted.
5 Woe to the inhabitants of (G)the seacoast,
The nation of the Cherethites!
The word of the Lord is against you,
O (H)Canaan, land of the Philistines:
“I will destroy you;
So there shall be no inhabitant.”
6 The seacoast shall be pastures,
With [b]shelters for shepherds (I)and folds for flocks.
7 The coast shall be for (J)the remnant of the house of Judah;
They shall feed their flocks there;
In the houses of Ashkelon they shall lie down at evening.
For the Lord their God will (K)intervene[c] for them,
And (L)return their captives.
8 “I(M) have heard the reproach of Moab,
And (N)the insults of the people of Ammon,
With which they have reproached My people,
And (O)made arrogant threats against their borders.
9 Therefore, as I live,”
Says the Lord of hosts, the God of Israel,
“Surely (P)Moab shall be like Sodom,
And (Q)the people of Ammon like Gomorrah—
(R)Overrun[d] with weeds and saltpits,
And a [e]perpetual desolation.
The residue of My people shall plunder them,
And the remnant of My people shall possess them.”
10 This they shall have (S)for their pride,
Because they have reproached and made arrogant threats
Against the people of the Lord of hosts.
11 The Lord will be awesome to them,
For He will reduce to nothing all the gods of the earth;
(T)People shall worship Him,
Each one from his place,
Indeed all (U)the shores of the nations.
13 And He will stretch out His hand against the north,
(X)Destroy Assyria,
And make Nineveh a desolation,
As dry as the wilderness.
14 The herds shall lie down in her midst,
(Y)Every beast of the nation.
Both the (Z)pelican and the bittern
Shall lodge on the capitals of her pillars;
Their voice shall sing in the windows;
Desolation shall be at the threshold;
For He will lay bare the (AA)cedar work.
15 This is the rejoicing city
(AB)That dwelt securely,
(AC)That said in her heart,
“I am it, and there is none besides me.”
How has she become a desolation,
A place for beasts to lie down!
Everyone who passes by her
(AD)Shall hiss and (AE)shake his fist.
Footnotes
- Zephaniah 2:1 Or shameless
- Zephaniah 2:6 Underground huts or cisterns, lit. excavations
- Zephaniah 2:7 Lit. visit them
- Zephaniah 2:9 Lit. Possessed by nettles
- Zephaniah 2:9 Or permanent ruin
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

