Add parallel Print Page Options

14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang (A)Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon (B)na kasama ng mga ipoipo sa timugan.

15 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga (C)taza, parang mga sulok ng dambana.

16 At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios (D)sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan; sapagka't (E) magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa (F)kaniyang lupain.

17 Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga;

Ang Israel at ang Juda ay pagpapalain ng Panginoon.

10 Hingin ninyo sa Panginoon ang (G)ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang.