Roma 16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Pangungumusta
16 Itinatagubilin ko sa inyo ang ating kapatid na si Febe, na isang tagapaglingkod ng iglesya sa Cencrea. 2 Tanggapin ninyo siya alang-alang sa Panginoon, gaya ng nararapat gawin sa mga hinirang ng Diyos. Tulungan ninyo siya sa anumang pangangailangan niya sapagkat marami siyang natulungan, at ako'y isa sa mga iyon.
3 Ikumusta(A) ninyo ako kina Priscila at Aquila na mga kamanggagawa ko kay Cristo Jesus. 4 Itinaya nila ang kanilang sarili sa panganib upang iligtas ang aking buhay, at hindi lamang ako ang nagpapasalamat sa kanila, pati na rin lahat ng iglesya ng mga Hentil. 5 Ikumusta rin ninyo ako sa iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay.
Ipaabot din ninyo ang aking pangungumusta sa mahal kong kaibigang si Epeneto na siyang unang sumampalataya kay Cristo doon sa Asia. 6 Ikumusta ninyo ako kay Maria na matiyagang naglilingkod para sa inyo. 7 Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Andronico at Junia,[a] na nakasama ko sa bilangguan; sila'y kilala ng mga apostol[b] at naunang naging Cristiano kaysa sa akin.
8 Ikumusta ninyo ako kay Ampliato na aking minamahal sa Panginoon, 9 kay Urbano, na kamanggagawa natin kay Cristo, at sa mahal kong kaibigang si Estaquis. 10 Ikumusta din ninyo ako kay Apeles na subok ang katapatan kay Cristo, sa pamilya ni Aristobulo, 11 sa kababayan kong si Herodion, at sa mga kapatid sa Panginoon sa sambahayan ni Narciso.
12 Gayundin kina Trifena at Trifosa na mga lingkod ng Panginoon, at sa mahal kong kaibigang si Persida, na marami nang nagawa para sa Panginoon. 13 Binabati(B) ko rin si Rufo na magiting na lingkod ng Panginoon, at ang kanyang ina na para ko na ring ina; 14 gayundin sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at sa mga kapatid na kasama nila. 15 Binabati ko rin sina Filologo, Julia, Nereo at ang kanyang kapatid na babae; gayundin si Olimpas at ang lahat ng kapatid na kasama nila.
16 Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan.[c] Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.
Mga Dagdag na Tagubilin
17 Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila. 18 Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod kay Cristo na Panginoon natin, kundi sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap. 19 Balitang-balita ang inyong pagkamasunurin kay Cristo, at ikinagagalak ko ito. Ngunit nais kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti at walang muwang tungkol sa masama. 20 Ang Diyos ang bukal ng kapayapaan at malapit na niyang pasukuin sa inyo si Satanas.
Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesus.
21 Binabati(C) kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, gayundin ng mga kababayan kong sina Lucio, Jason at Sosipatro.
22 Akong si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa pangalan ng Panginoon.
23 Kinukumusta(D) kayo ni Gaius na tinutuluyan ko; sa bahay niya nagtitipon ang buong iglesya. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng ating kapatid na si Cuarto. [24 Nawa'y pagpalain kayong lahat ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen.][d]
Pangwakas na Pagpupuri
[25 Purihin ang Diyos na makapagpapalakas sa inyo sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko. Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang naitago sa loob ng mahabang panahon, 26 subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta, upang ang lahat ay sumunod dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
27 Sa iisang Diyos, na sa lahat ay ganap ang karunungan—sa kanya iukol ang karangalan magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.][e]
Footnotes
- 7 Junia: o kaya'y Junias; at sa iba nama'y Julia .
- 7 sila'y kilala ng mga apostol: o kaya'y sila'y mga kilalang apostol .
- 16 bilang magkakapatid na nagmamahalan: Sa Griego ay sa pamamagitan ng banal na halik .
- 24 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 24.
- 25-27 Sa ibang matatandang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga talatang ito. Sa iba nama'y nakarugtong ang mga ito pagkatapos ng 14:23, at sa iba nama'y sa 15:33.
Romans 16
International Children’s Bible
Greetings to the Christians
16 I recommend to you our sister Phoebe. She is a helper[a] in the church in Cenchrea. 2 I ask you to accept her in the Lord in the way God’s people should. Help her with anything she needs because she has helped me and many other people too.
3 Give my greetings to Priscilla and Aquila, who work together with me in Christ Jesus. 4 They risked their own lives to save my life. I am thankful to them, and all the non-Jewish churches are thankful to them as well. 5 Also, greet for me the church that meets at their house.
Greetings to my dear friend Epenetus. He was the first person in Asia to follow Christ. 6 Greetings to Mary, who worked very hard for you. 7 Greetings to Andronicus and Junias, my relatives, who were in prison with me. The apostles feel they are very important. They were believers in Christ before I was. 8 Greetings to Ampliatus, my dear friend in the Lord. 9 Greetings to Urbanus. He is a worker together with me for Christ. And greetings to my dear friend Stachys. 10 Greetings to Apelles. He was tested and proved that he truly loves Christ. Greetings to all those who are in the family of Aristobulus. 11 Greetings to Herodion, my relative. Greetings to all those in the family of Narcissus who belong to the Lord. 12 Greetings to Tryphena and Tryphosa. Those women work very hard for the Lord. Greetings to my dear friend Persis. She also has worked very hard for the Lord. 13 Greetings to Rufus who is a special person in the Lord. Greetings to his mother, who has been a mother to me also. 14 Greetings to Asyncritus, Phlegon, Hermes, Patrobas, Hermas, and all the brothers who are with them. 15 Greetings to Philologus and Julia, Nereus and his sister, and Olympas. And greetings to all God’s people with them. 16 Greet each other with a holy kiss. All of Christ’s churches send greetings to you.
17 Brothers, I ask you to look out for those who cause people to be against each other and who upset other people’s faith. They are against the true teaching you learned. Stay away from them. 18 For such people are not serving our Lord Christ. They are only doing what pleases themselves. They use fancy talk and fine words to fool the minds of those who do not know about evil. 19 All the believers have heard that you obey. So I am very happy because of you. But I want you to be wise in what is good and innocent in what is evil.
20 The God who brings peace will soon defeat Satan and give you power over him.
The grace of our Lord Jesus be with you.
21 Timothy, a worker together with me, sends greetings, as well as Lucius, Jason, and Sosipater, my relatives.
22 I am Tertius, and I am writing this letter from Paul. I send greetings to you in the Lord.
23 Gaius is letting me and the whole church here use his home. He also sends greetings to you, as do Erastus and our brother Quartus. Erastus is the city treasurer here. 24 [The grace of our Lord Jesus Christ be with all of you. Amen.][b]
25 Glory to God! God is the One who can make you strong in faith by the Good News that I tell people and by the message about Jesus Christ. The message about Christ is the secret truth that was hidden for long ages past, but is now made known. 26 It has been made clear through the writings of the prophets. And by the command of the eternal God it is made known to all nations, that they might believe and obey.
27 To the only wise God be glory forever through Jesus Christ! Amen.
Footnotes
- 16:1 helper Literally, “deaconess.” This might mean the same as one of the special women helpers in 1 Timothy 3:11.
- 16:24 The . . . Amen. Some Greek copies do not contain the bracketed text.
The Holy Bible, International Children’s Bible® Copyright© 1986, 1988, 1999, 2015 by Thomas Nelson. Used by permission.
