Roma 15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Bigyang-kasiyahan ang Kapwa, Huwag ang Sarili
15 Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. 2 Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas. 3 Sapagkat(A) maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang binagsakan ng mga pag-alipusta na sa iyo ipinapatama.” 4 Anumang(B) nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. 5 Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, 6 upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Magandang Balita ay para rin sa mga Hentil
7 Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo, si Cristo'y naglingkod sa mga Judio upang patunayang ang Diyos ay tapat, at tumutupad sa mga pangako niya sa kanilang mga ninuno, 9 at(C) upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat,
“Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin,
At aawitan ko ang iyong pangalan.”
10 Sinabi(D) rin,
“Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!”
11 At(E) muling sinabi,
“Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil,
lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”
12 Sinabi pa ni Isaias,
“May isisilang sa angkan ni Jesse,
upang maghari sa mga Hentil;
siya ang kanilang magiging pag-asa.”
13 Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Ang Dahilan ng Pagsulat ni Pablo
14 Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng kabutihan at punô ng kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa. 15 Gayunman, sa sulat na ito'y naglakas-loob akong paalalahanan kayo tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin 16 upang maging lingkod ni Cristo Jesus at gumanap ng tungkulin gaya ng isang pari sa mga Hentil. Ipinapangaral ko sa kanila ang Magandang Balita ng Diyos upang sila'y maging handog na kalugud-lugod sa kanya, dahil sila ay ginawang banal ng Espiritu Santo. 17 Kaya't sa pakikiisa ko kay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking paglilingkod sa Diyos. 18 Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa, 19 sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos.[a] Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo. 20 Ang hangad ko'y ipangaral ito sa mga lugar na hindi pa nakikilala si Cristo, upang hindi ako magtayo sa pundasyon ng iba. 21 Subalit(F) tulad ng nasusulat,
“Makakakilala ang hindi pa nakakabalita tungkol sa kanya.
Makakaunawa ang hindi pa nakakarinig tungkol sa kanya.”
Ang Balak ni Pablong Dumalaw sa Roma
22 Iyan(G) ang dahilan kung bakit hindi ako matuluy-tuloy sa pagpunta sa inyo. 23 Ngunit ngayong tapos na ang gawain ko sa lupaing ito, at dahil matagal ko na ring gustong pumunta riyan, 24 inaasahan kong magkikita-kita tayo pagdaan ko riyan papuntang Espanya. Inaasahan ko ring ako'y tutulungan ninyong makarating doon matapos nating magkasama-sama nang sandaling panahon. 25 Ngunit(H) sa ngayon ay pupunta muna ako sa Jerusalem upang dalhin ang tulong sa mga kapatid roon. 26 Sapagkat minabuti ng mga taga-Macedonia at taga-Acaya na magpadala ng tulong para sa mga mahihirap na kapatid sa Jerusalem. 27 Malugod(I) nilang ginawa iyon, at talaga namang dapat nilang gawin. Dahil ang mga Hentil ay nakabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, marapat lamang na bahaginan nila ang mga Judio sa pamamagitan ng mga pagpapalang materyal. 28 Kaya't pagkabigay ko ng nasabing tulong sa mga kapatid sa Jerusalem, daraan ako riyan pagpunta ko sa Espanya. 29 Naniniwala akong pagpunta ko riyan ay taglay ko ang masaganang pagpapala ni Cristo.
30 Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, alang-alang sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pag-ibig ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na pananalangin para sa akin. 31 Idalangin ninyong maligtas ako mula sa mga taga-Judea na ayaw sumampalataya, at nawa'y tanggapin ng mga kapatid sa Jerusalem ang paglilingkod ko para sa kanila. 32 Sa gayon, kung loloobin ng Diyos,[b] masaya akong makakarating diyan at muling pasiglahin sa inyong piling. 33 Sumainyo nawa ang Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan. Amen.
Roma 15
Ang Biblia (1978)
15 (A)Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng (B)kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.
2 Bawa't isa sa atin ay (C)magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti (D)sa ikatitibay.
3 (E)Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, (F)Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.
4 Sapagka't (G)ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis (H)at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.
5 Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, (I)na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:
6 Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo (J)ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.
7 Sa ganito'y (K)mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.
8 Sapagka't sinasabi ko na (L)si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, (M)upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
9 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,
(N)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.
10 At muling sinasabi niya,
(O)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.
11 At muli,
(P)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.
12 At muli, sinasabi ni Isaias,
(Q)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.
13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
14 (R)At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.
15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa (S)biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,
16 (T)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (U)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.
18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (V)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (W)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,
19 Sa bisa ng mga tanda (X)at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;
20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, (Y)upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
21 Kundi, gaya ng nasusulat,
(Z)Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
22 Kaya't madalas namang (AA)napigil ako ng pagpariyan sa inyo:
23 Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga (AB)lupaing ito, (AC)at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,
24 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, (AD)at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—
25 Nguni't ngayon, sinasabi ko, (AE)ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.
26 Sapagka't (AF)minagaling ng (AG)Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.
27 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. (AH)Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.
28 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila (AI)ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.
29 At nalalaman ko (AJ)na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.
30 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, (AK)na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;
31 Upang ako'y maligtas (AL)sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging (AM)kalugodlugod sa mga banal;
32 Upang (AN)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.
33 Ngayon (AO)ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Romans 15
International Children’s Bible
15 We who are strong in faith should help those who are weak. We should help them with their weaknesses, and not please only ourselves. 2 Let each of us please his neighbor for his good, to help him be stronger in faith. 3 Even Christ did not live to please himself. It was as the Scriptures said: “When people insult you, it hurts me.”[a] 4 Everything that was written in the past was written to teach us, so that we could have hope. That hope comes from the patience and encouragement that the Scriptures give us. 5 Patience and encouragement come from God. And I pray that God will help you all agree with each other the way Christ Jesus wants. 6 Then you will all be joined together, and you will give glory to God the Father of our Lord Jesus Christ. 7 Christ accepted you, so you should accept each other. This will bring glory to God. 8 I tell you that Christ became a servant of the Jews. This was to show that God’s promises to the Jewish ancestors are true. 9 And he also did this so that the non-Jews could give glory to God for the mercy he gives to them. It is written in the Scriptures:
“So I will praise you among the non-Jewish people.
I will sing praises to your name.” Psalm 18:49
10 The Scripture also says,
“Be happy, you non-Jews, together with God’s people.” Deuteronomy 32:43
11 Again the Scripture says,
“All you non-Jews, praise the Lord.
All you people, sing praises to him.” Psalm 117:1
12 And Isaiah says,
“A new king will come from Jesse’s family.[b]
He will come to rule over the non-Jews;
and the non-Jews will have hope because of him.” Isaiah 11:10
13 I pray that the God who gives hope will fill you with much joy and peace while you trust in him. Then your hope will overflow by the power of the Holy Spirit.
Paul Talks About His Work
14 My brothers, I am sure that you are full of goodness. I know that you have all the knowledge you need and that you are able to teach each other. 15 But I have written to you very openly about some things that I wanted you to remember. I did this because God gave me this special gift: 16 to be a minister of Christ Jesus to the non-Jewish people. I served God by teaching his Good News, so that the non-Jewish people could be an offering that God would accept—an offering made holy by the Holy Spirit.
17 So I am proud of what I have done for God in Christ Jesus. 18 I will not talk about anything I did myself. I will talk only about what Christ has done through me in leading the non-Jewish people to obey God. They have obeyed God because of what I have said and done. 19 And they have obeyed God because of the power of miracles and the great things they saw, and the power of the Holy Spirit. I preached the Good News from Jerusalem all the way around to Illyricum. And so I have finished that part of my work. 20 I always want to preach the Good News in places where people have never heard of Christ. I do this because I do not want to build on the work that someone else has already started. 21 But it is written in the Scriptures:
“Those who were not told about him will see,
and those who have not heard about him will understand.” Isaiah 52:15
Paul’s Plan to Visit Rome
22 That is why many times I was stopped from coming to you. 23 Now I have finished my work here. Since for many years I have wanted to come to you, 24 I hope to visit you on my way to Spain. I will enjoy being with you, and you can help me on my trip. 25 Now I am going to Jerusalem to help God’s people. 26 The believers in Macedonia and Southern Greece were happy to give their money to help the poor among God’s people at Jerusalem. 27 They were happy to do this, and really they owe it to them. These non-Jews have shared in the Jews’ spiritual blessings. So they should use their material possessions to help the Jews. 28 I must be sure that the poor in Jerusalem get the money that has been given for them. After I do this, I will leave for Spain and stop and visit you. 29 I know that when I come to you, I will bring Christ’s full blessing.
30 Brothers, I beg you to help me in my work by praying for me to God. Do this because of our Lord Jesus and the love that the Holy Spirit gives us. 31 Pray that I will be saved from the non-believers in Judea. And pray that this help I bring to Jerusalem will please God’s people there. 32 Then, if God wants me to, I will come to you. I will come with joy, and together you and I will have a time of rest. 33 The God who gives peace be with you all. Amen.
Footnotes
- 15:3 “When . . . me.” Quotation from Psalm 69:9.
- 15:12 Jesse’s family Jesse was the father of David, king of Israel. Jesus was from their family.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The Holy Bible, International Children’s Bible® Copyright© 1986, 1988, 1999, 2015 by Thomas Nelson. Used by permission.

