Mga Awit 2
Ang Biblia (1978)
Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
2 Bakit ang mga bansa ay (A)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (B)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 (C)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay (D)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (E)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (F)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 (G)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (H)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (I)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (J)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(K)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Jeremias 18:12-23
Ang Biblia (1978)
12 Nguni't kanilang sinabi, (A)Walang pagasa; sapagka't kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha, at magsisigawa bawa't isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso.
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Inyong itanong nga sa mga bansa, kung sinong nakarinig ng ganiyang mga bagay? ang dalaga ng Israel ay gumawa ng totoong kakilakilabot na bagay.
14 Magkukulang baga ng niebe sa Lebano sa bato sa parang? ang malamig na tubig na umaagos mula sa malayo ay matutuyo baga?
15 Sapagka't kinalimutan (C)ako ng aking bayan, sila'y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at sila'y nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating (D)landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag;
16 Upang gawin ang kanilang lupain (E)na isang katigilan, at walang hanggang kasutsutan; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan, at mangaggagalaw ng ulo.
17 Aking pangangalatin (F)sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway; (G)tatalikuran ko sila, at hindi ko haharapin, sa kaarawan ng kanilang kasakunaan,
18 Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at (H)tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't (I)ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.
Si Jeremias ay dumalangin laban sa mga kaaway.
19 Pakinggan mo ako, Oh Panginoon, at ulinigin mo ang tinig nila na nakikipagtalo sa akin.
20 Igaganti baga'y kasamaan sa kabutihan? (J)sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay para sa akin. Iyong alalahanin kung paanong ako'y tumayo sa harap mo, upang magsalita ng mabuti para sa kanila, upang ihiwalay ang iyong kapusukan sa kanila.
21 Kaya't (K)ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak, at mga bao; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan, at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka.
22 Makarinig nawa ng daing mula sa kanilang mga bahay, pagka ikaw ay biglang magdadala ng hukbo sa kanila; sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay upang hulihin ako, at ipinagkubli ng mga silo ang aking mga paa.
23 Gayon man, Panginoon, iyong talastas ang lahat nilang payo laban sa akin upang patayin ako; (L)huwag mong ipatawad ang kanilang kasamaan, o pawiin mo man ang kanilang kasalanan sa iyong paningin; kundi sila'y mangatisod sa harap mo; parusahan mo sila sa kaarawan ng iyong galit.
Read full chapter
1 Timoteo 3:14-4:5
Ang Biblia (1978)
14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;
15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (A)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
16 At walang pagtatalo, dakila (B)ang hiwaga ng kabanalan;
Yaong nahayag (C)sa laman,
(D)Pinapaging-banal sa espiritu,
(E)Nakita ng mga anghel,
Ipinangaral sa mga bansa,
(F)Sinampalatayanan sa sanglibutan,
(G)Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.
4 Nguni't hayag na (H)sinasabi ng Espiritu, na (I)sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga (J)espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, (K)na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
3 (L)Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na (M)may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
4 Sapagka't ang (N)bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:
5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
Mga Awit 101
Ang Biblia (1978)
Awit ni David.
101 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:
Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:
Oh kailan ka pasasa akin?
Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na (A)may sakdal na puso.
3 Hindi ako maglalagay (B)ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:
(C)Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:
Hindi kakapit sa akin.
4 (D)Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:
(E)Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa (F)ay aking ibubuwal:
Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
6 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:
Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:
Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;
Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan (G)sa bayan ng Panginoon.
2 Mga Hari 17:24-41
Ang Biblia (1978)
Mga dayuhan ay dinadala sa Samaria.
24 (A)At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia, at sa Cutha, at sa Ava, at sa (B)Hamath at sa (C)Sepharvaim, at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel: at kanilang inari ang Samaria, at nagsitahan sa mga bayan niyaon.
25 At nagkagayon, sa pasimula ng kanilang pagtahan doon, na hindi sila nangatakot sa Panginoon: kaya't ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila, na pinatay ang ilan sa kanila.
26 Kaya't kanilang sinalita sa hari sa Asiria, na sinasabi, Ang mga bansa na iyong dinala at inilagay sa mga bayan ng Samaria, hindi nakaaalam ng paraan ng Dios sa lupain; kaya't siya'y nagsugo ng mga leon sa gitna nila, at, narito, pinatay sila, sapagka't hindi sila nakakaalam ng paraan ng Dios sa lupain.
27 Nang magkagayo'y nagutos ang hari sa Asiria, na nagsasabi, Dalhin ninyo roon ang isa sa mga saserdote na inyong dinala mula roon; at inyong payaunin at patahanin doon, at turuan niya sila ng paraan ng Dios sa lupain.
28 Sa gayo'y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa (D)Beth-el, at tinuruan sila kung paanong sila'y marapat na matakot sa Panginoon.
29 Gayon ma'y bawa't bansa ay gumawa ng mga dios sa kanikaniyang sarili, at ipinaglalagay sa (E)mga bahay sa mga mataas na dako na ginawa ng mga Samaritano, na bawa't bansa ay sa kanilang mga bayan na kanilang tinatahanan.
30 (F)At itinayo ng mga lalake sa Babilonia ang Succoth-benoth, at itinayo ng mga lalake sa Cutha ang Nergal, at itinayo ng mga lalake sa Hamath ang Asima,
31 At itinayo ng mga Avveo ang Nibhaz at ang Tharthac, at sinunog ng mga Sepharvita ang kanilang mga anak sa apoy sa (G)Adrammelech at sa Anammelech, na mga dios ng Sefarvaim.
32 Sa gayo'y nangatakot sila sa Panginoon, at (H)nagsipaghalal sila sa gitna nila ng mga saserdote sa mga mataas na dako, na siyang naghahain para sa kanila sa mga bahay, na nangasa mga mataas na dako.
33 Sila'y nangatakot sa Panginoon, (I)at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios, ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila.
34 Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan: sila'y hindi nangatatakot sa Panginoon, o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan, o ayon sa kanilang mga ayos, o ayon sa kautusan, o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob, (J)na kaniyang pinanganlang Israel,
35 Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon, at pinagbilinan na sinasabi, (K)Kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios, o nagsisiyukod man sa kanila, o magsisipaglingkod man sa kanila, o magsisipaghain man sa kanila:
36 Kundi ang Panginoon, na nagahon sa inyo mula sa lupain ng Egipto na may dakilang kapangyarihan at may unat na kamay, siya ninyong katatakutan, at sa kaniya kayo magsisiyukod, at sa kaniya kayo magsisipaghain.
37 At ang mga palatuntunan, at ang mga ayos, at ang kautusan, at ang utos na kaniyang sinulat para sa inyo ay inyong isasagawa magpakailan man; at kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios:
38 At ang tipan na aking ipinakipagtipan sa inyo, huwag ninyong kalilimutan; ni (L)mangatatakot man kayo sa ibang mga dios:
39 Nguni't sa Panginoon ninyong Dios ay mangatatakot kayo; at kaniyang ililigtas kayo sa kamay ng lahat ninyong mga kaaway.
40 Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang ginawa ang ayon sa kanilang dating paraan.
41 (M)Sa gayo'y ang mga bansang ito ay nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang mga larawang inanyuan; ang kanilang mga anak ay gayon din, at ang mga anak ng kanilang mga anak, kung ano ang ginawa ng kanilang mga magulang ay gayon ang ginawa nila hanggang sa araw na ito.
Read full chapter
1 Timoteo 3:14-4:5
Ang Biblia (1978)
14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;
15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (A)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
16 At walang pagtatalo, dakila (B)ang hiwaga ng kabanalan;
Yaong nahayag (C)sa laman,
(D)Pinapaging-banal sa espiritu,
(E)Nakita ng mga anghel,
Ipinangaral sa mga bansa,
(F)Sinampalatayanan sa sanglibutan,
(G)Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.
4 Nguni't hayag na (H)sinasabi ng Espiritu, na (I)sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga (J)espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, (K)na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
3 (L)Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na (M)may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
4 Sapagka't ang (N)bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:
5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978