Add parallel Print Page Options

17 siya na sa mga dakilang hari ay pumatay,
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman,
18 at sa mga bantog na hari ay pumaslang,
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
19 kay(A) Sihon na hari ng mga Amorita,
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
20 at(B) kay Og na hari ng Basan,
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
21 at ang kanilang lupain bilang pamana'y ibinigay,
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
22 isang pamana sa Israel na kanyang tauhan,
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

Read full chapter