Mga Kawikaan 10:1-7
Ang Biblia (1978)
Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.
10 (A)Mga kawikaan ni Salomon.
Ang (B)pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama:
Nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
2 (C)Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
3 Hindi titiisin (D)ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid:
Nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
4 Siya'y nagiging dukha na gumagawa (E)ng kamay na walang kasipagan:
Nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
5 Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak:
Nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
6 Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
7 (F)Ang alaala sa ganap ay pinagpapala:
Nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978