Filipos 4:6-9
Ang Biblia (1978)
6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; (A)kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7 At (B)ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (C)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9 Ang mga bagay na inyong natutuhan (D)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (E)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978