Panaghoy 1
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagdadalamhati ng Jerusalem
1 O(A) anong lungkot ng lunsod na dating matao!
Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo;
siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod!
2 Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan;
lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya.
Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na.
3 Ang mga taga-Juda'y nabihag at dumanas ng kalungkutan at sapilitang paglilingkod.
Sa pananahanan nila sa gitna ng mga bansa'y hindi man lamang sila makapagpahinga.
Napapaligiran sila ng mga kaaway, walang paraan para makatakas.
4 Malungkot ang mga landas patungong Jerusalem, pagkat wala nang dumadalo sa kanyang mga takdang kapistahan.
Wala nang nagdaraan sa kanyang mga pintuang-bayan; dumaraing at nagbubuntong-hininga ang kanyang mga pari,
pinagmamalupitan ang mga dalagang mang-aawit sa templo. Napakapait ng sinapit niya!
5 Naging panginoon niya ang kanyang mga kaaway,
pinapaghirap siya ni Yahweh dahil sa marami niyang kasalanan.
Wala na ang kanyang mga anak, sila'y dinalang-bihag ng kaaway.
6 Naparam na ang karangyaan ng Jerusalem.
Ang kanyang mga pinuno'y parang mga usang di makasumpong ng pastulan;
nanghihina na sa pag-iwas sa mga humahabol sa kanila.
7 Ngayong ang mga taga-Jerusalem ay nasa panahon ng pagdadalamhati at paggala, nagugunita nila ang maliligayang araw na nagdaan.
Nang mahulog sila sa kamay ng kaaway ay walang sinumang sa kanila'y umalalay;
nang sila'y bumagsak, sila'y kinutya ng mga sumakop sa kanila.
8 Mabigat ang nagawang kasalanan ng Jerusalem, kaya't siya'y naging katatawanan; itinatakwil na siya ng mga pumupuri noon sa kanya.
Sa matinding kahihiyan mukha'y tinakpan,
sa isang sulok nanaghoy na lamang.
9 Ang kanyang karumhan ay di maikakaila,
malagim ang kanyang pagbagsak at wala man lamang umaliw sa kanya.
Nagtagumpay ang kanyang mga kaaway at siya'y dumulog kay Yahweh.
10 Sinamsam ng mga kaaway ang lahat niyang kayamanan;
ang mga di-dapat pumasok na mga taga-ibang bayan,
ang banal na Templo'y kanilang nilapastangan.
11 Dumaraing ang lahat ng kanyang mamamayan sa paghahanap ng pagkain;
ipinagpapalit nila ng pagkain ang kanilang mga kayamanan para lamang mabuhay.
“Yahweh, masdan po ninyo kami. Mahabag ka sa aming kalagayan!”
12 “Wala ba kayong pakialam, mga nagdaraan?
Hirap na ganito'y inyo na bang naranasan?
Ito'y parusa ni Yahweh dahil sa kanyang matinding poot.
13 “Nagpababa siya ng apoy mula sa itaas; nanuot ito sa aking mga buto;
sa nilagay na bitag, doon ako'y nahulog,
isang matinding hirap sa aki'y pinalasap.
14 “Inipon niya ang lahat kong pagkakasala at ito'y ipinapasan sa akin;
dahil sa bigat nito'y unti-unting nauubos ang aking lakas.
Ako'y ibinigay ni Yahweh sa aking mga kalaban at aking sarili'y hindi ko man lang matulungan.
15 “Tinawanan lang ni Yahweh ang magigiting kong kawal.
Nagpadala siya ng isang hukbo upang lipulin ang mga kabataang lalaki.
Dinurog niya ang buong bayan, parang ubas sa pisaan.
16 “Dahil dito, hindi mapigil ang pagdaloy ng aking luha,
walang makaaliw sa akin ni makapagpalakas ng aking loob.
Nagtagumpay ang aking kalaban, kawawang mga anak, iniwan silang wasak.
17 “Ako'y nagpasaklolo ngunit walang tumulong sa akin,
inatasan ni Yahweh ang mga karatig-bansa upang ako'y gawing isang kawawa,
kaya ako'y nagmistulang maruming basahan.
18 “Nasa panig ng katuwiran si Yahweh, ako ang naghimagsik laban sa kanyang salita;
ngunit makinig kayo, mga bansa, at tingnan ninyo ang aking paghihirap;
binihag ang aking kadalagahan at kabinataan.
19 “Tinawag ko ang aking mga kakampi ngunit hindi nila ako tinulungan;
namatay ang aking mga pari at mga pinuno ng lunsod,
sa paghahanap ng pagkaing magpapanumbalik ng kanilang lakas.
20 “Masdan mo ako, O Yahweh, sapagkat labis akong nababagabag.
Naliligalig ang aking kaluluwa, ako'y lubhang naguguluhan, sapagkat naging mapaghimagsik ako.
Kabi-kabila ang patayan, sa loob at labas ng kabahayan.
21 “Pakinggan mo ang aking daing; walang umaaliw sa akin.
Natuwa pa nga ang mga kaaway ko sa ginawa mo sa akin.
Madaliin mo ang araw na iyong ipinangako, na sila'y magiging gaya ko rin.
22 “Hatulan mo sila sa kanilang kasamaan; pahirapan mo sila,
tulad ng pagpapahirap mo sa akin dahil sa aking mga pagsalangsang;
napapahimutok ako sa tindi ng hirap at para akong kandilang nauupos.”
Lamentations 1
New International Version
1 [a]How deserted(A) lies the city,
once so full of people!(B)
How like a widow(C) is she,
who once was great(D) among the nations!
She who was queen among the provinces
has now become a slave.(E)
2 Bitterly she weeps(F) at night,
tears are on her cheeks.
Among all her lovers(G)
there is no one to comfort her.
All her friends have betrayed(H) her;
they have become her enemies.(I)
3 After affliction and harsh labor,
Judah has gone into exile.(J)
She dwells among the nations;
she finds no resting place.(K)
All who pursue her have overtaken her(L)
in the midst of her distress.
4 The roads to Zion mourn,(M)
for no one comes to her appointed festivals.
All her gateways are desolate,(N)
her priests groan,
her young women grieve,
and she is in bitter anguish.(O)
5 Her foes have become her masters;
her enemies are at ease.
The Lord has brought her grief(P)
because of her many sins.(Q)
Her children have gone into exile,(R)
captive before the foe.(S)
6 All the splendor has departed
from Daughter Zion.(T)
Her princes are like deer
that find no pasture;
in weakness they have fled(U)
before the pursuer.
7 In the days of her affliction and wandering
Jerusalem remembers all the treasures
that were hers in days of old.
When her people fell into enemy hands,
there was no one to help her.(V)
Her enemies looked at her
and laughed(W) at her destruction.
8 Jerusalem has sinned(X) greatly
and so has become unclean.(Y)
All who honored her despise her,
for they have all seen her naked;(Z)
she herself groans(AA)
and turns away.
9 Her filthiness clung to her skirts;
she did not consider her future.(AB)
Her fall(AC) was astounding;
there was none to comfort(AD) her.
“Look, Lord, on my affliction,(AE)
for the enemy has triumphed.”
10 The enemy laid hands
on all her treasures;(AF)
she saw pagan nations
enter her sanctuary(AG)—
those you had forbidden(AH)
to enter your assembly.
11 All her people groan(AI)
as they search for bread;(AJ)
they barter their treasures for food
to keep themselves alive.
“Look, Lord, and consider,
for I am despised.”
12 “Is it nothing to you, all you who pass by?(AK)
Look around and see.
Is any suffering like my suffering(AL)
that was inflicted on me,
that the Lord brought on me
in the day of his fierce anger?(AM)
13 “From on high he sent fire,
sent it down into my bones.(AN)
He spread a net(AO) for my feet
and turned me back.
He made me desolate,(AP)
faint(AQ) all the day long.
14 “My sins have been bound into a yoke[b];(AR)
by his hands they were woven together.
They have been hung on my neck,
and the Lord has sapped my strength.
He has given me into the hands(AS)
of those I cannot withstand.
15 “The Lord has rejected
all the warriors in my midst;(AT)
he has summoned an army(AU) against me
to[c] crush my young men.(AV)
In his winepress(AW) the Lord has trampled(AX)
Virgin Daughter(AY) Judah.
16 “This is why I weep
and my eyes overflow with tears.(AZ)
No one is near to comfort(BA) me,
no one to restore my spirit.
My children are destitute
because the enemy has prevailed.”(BB)
17 Zion stretches out her hands,(BC)
but there is no one to comfort her.
The Lord has decreed for Jacob
that his neighbors become his foes;(BD)
Jerusalem has become
an unclean(BE) thing(BF) among them.
18 “The Lord is righteous,(BG)
yet I rebelled(BH) against his command.
Listen, all you peoples;
look on my suffering.(BI)
My young men and young women
have gone into exile.(BJ)
19 “I called to my allies(BK)
but they betrayed me.
My priests and my elders
perished(BL) in the city
while they searched for food
to keep themselves alive.
20 “See, Lord, how distressed(BM) I am!
I am in torment(BN) within,
and in my heart I am disturbed,(BO)
for I have been most rebellious.(BP)
Outside, the sword bereaves;
inside, there is only death.(BQ)
Footnotes
- Lamentations 1:1 This chapter is an acrostic poem, the verses of which begin with the successive letters of the Hebrew alphabet.
- Lamentations 1:14 Most Hebrew manuscripts; many Hebrew manuscripts and Septuagint He kept watch over my sins
- Lamentations 1:15 Or has set a time for me / when he will
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.