Mga Bilang 27
Ang Biblia, 2001
Ang mga Anak na Babae ni Zelofehad
27 Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak na babae ni Zelofehad, na anak ni Hefer, na anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases, sa mga angkan ni Manases, na anak ni Jose. Ito ang mga pangalan ng kanyang mga anak: Mahla, Noa, Hogla, Milca, at Tirsa.
2 At sila'y tumayo sa harap ni Moises, at ng paring si Eleazar, at sa harap ng mga pinuno at ng buong kapulungan sa pintuan ng toldang tipanan na sinasabi,
3 “Ang aming ama ay namatay sa ilang, at siya'y hindi kasama ng pangkat ng mga nagtipun-tipon laban sa Panginoon sa pangkat ni Kora, kundi siya'y namatay sa kanyang sariling kasalanan; at siya'y walang anak na lalaki.
4 Bakit ang pangalan ng aming ama ay aalisin sa angkan niya, dahil ba sa siya'y walang anak na lalaki? Bigyan ninyo kami ng ari-arian kasama ng mga kapatid ng aming ama.”
5 Dinala ni Moises ang kanilang usapin sa harap ng Panginoon.
6 Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
7 “Tama(A) ang sinasabi ng mga anak na babae ni Zelofehad. Bigyan mo sila ng ari-arian na pinakamana mula sa mga kapatid ng kanilang ama; at iyong isasalin ang mana ng kanilang ama sa kanila.
8 At iyong sasabihin sa mga anak ni Israel, “Kung ang isang lalaki ay mamatay at walang anak na lalaki, inyong isasalin ang kanyang mana sa kanyang anak na babae.
9 Kung siya'y walang anak na babae, inyong ibibigay ang kanyang mana sa kanyang mga kapatid.
10 Kung siya'y walang kapatid, inyong ibibigay ang kanyang mana sa mga kapatid ng kanyang ama.
11 Kung ang kanyang ama ay walang kapatid, inyong ibibigay ang kanyang mana sa kanyang kamag-anak na pinakamalapit sa kanyang angkan, at kanyang aariin. At ito ay magiging isang tuntunin at batas sa mga anak ni Israel gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Sinabi ang tungkol sa Kamatayan ni Moises
12 Sinabi(B) ng Panginoon kay Moises, “Umahon ka sa bundok na ito ng Abarim, at tanawin mo ang lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel.
13 Kapag nakita mo na iyon, titipunin kang kasama rin ng iyong bayan, na gaya ng pagkatipon kay Aaron na iyong kapatid.
14 Sapagkat sa ilang ng Zin, sa pakikipagtalo ng kapulungan ay naghimagsik kayo laban sa aking utos na kilalanin ninyo akong banal sa harap ng mga mata nila doon sa tubig.” (Ito ang tubig ng Meriba sa Kadesh sa ilang ng Zin.)
Si Josue ang Kapalit ni Moises(C)
15 At nagsalita si Moises sa Panginoon, na sinasabi,
16 “Hayaan mong pumili ang Panginoon, ang Diyos ng mga espiritu ng lahat ng laman, ng isang lalaki sa kapulungan,
17 na(D) lalabas sa harapan nila, at papasok sa harapan nila, mangunguna sa kanila palabas at magdadala sa kanila papasok upang ang kapulungan ng Panginoon ay huwag maging parang mga tupa na walang pastol.”
18 Kaya't(E) sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalaking nagtataglay ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanya.
19 Iharap mo siya sa paring si Eleazar, at sa buong kapulungan; at sa harapan nila'y atasan mo siya.
20 Bibigyan mo siya ng ilan sa iyong awtoridad upang sundin siya ng buong kapulungan ng mga anak ni Israel.
21 At(F) siya'y tatayo sa harap ng paring si Eleazar, na siyang sasangguni para sa kanya, sa pamamagitan ng hatol ng Urim sa harap ng Panginoon; sa kanyang salita ay lalabas sila, at sa kanyang salita ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya, samakatuwid ay ang buong kapulungan.
22 Ginawa ni Moises ang ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya at kanyang isinama si Josue. Kanyang iniharap siya sa paring si Eleazar at sa buong kapulungan.
23 Kanyang(G) ipinatong ang mga kamay niya sa kanya, at siya'y kanyang inatasan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
Numbers 27
Evangelical Heritage Version
Zelophehad’s Daughters
27 Then the daughters of Zelophehad came forward. (Zelophehad was the son of Hepher, the son of Gilead, the son of Makir, the son of Manasseh, from the clans of Manasseh the son of Joseph.) These were the names of his daughters: Mahlah, Noah, Hoglah, Milkah, and Tirzah. 2 They stood at the entrance to the Tent of Meeting before Moses and Eleazar the priest, before the tribal chiefs and the entire community. They said, 3 “Our father died in the wilderness. He was not among the company of those who gathered together against the Lord along with the followers of Korah, but he died in his own sin. He had no sons. 4 Why should the name of our father be taken away from a place among his clan, because he had no son? Give us property among our father’s brothers.”
5 Moses brought their case before the Lord. 6 The Lord spoke to Moses: 7 “What the daughters of Zelophehad say is correct. You must give them property as an inheritance among their father’s brothers. You are to allow their father’s inheritance to be passed down to them. 8 You are to tell the Israelites, ‘If a man dies and has no son, then you are to have his inheritance pass down to his daughter. 9 If he has no daughter, then you will give his inheritance to his brothers. 10 If he has no brothers, then you will give his inheritance to his father’s brothers. 11 If his father has no brothers, then you will give his inheritance to his closest relative from his clan, and he will take possession of it. This will be a legal statute for the Israelites, just as the Lord commanded Moses.’”
Joshua Will Succeed Moses
12 The Lord said to Moses, “Go up onto this mountain in the Abarim range and see the land which I have given to the Israelites. 13 After you have seen it, you yourself will also be gathered to your people just as Aaron your brother was gathered. 14 For when the community quarreled in the Wilderness of Zin, you both rebelled against my command to honor me as holy in their sight at the waters.” (This refers to the waters of Meribah Kadesh in the Wilderness of Zin.)
15 Moses spoke to the Lord, 16 “May the Lord, the God of the spirits of all flesh, appoint a man over the community, 17 who will go out before them and come in before them, who will lead them out and bring them in, so that the community of the Lord will not be like sheep without a shepherd.”
18 The Lord said to Moses, “Take Joshua son of Nun, a man in whom is the Spirit, and place your hand on him. 19 Have him stand in front of Eleazar the priest and the entire community. You will commission him in their sight. 20 You will give some of your authority to him so that the entire Israelite community will listen to him. 21 He will stand before Eleazar the priest, who will inquire for him before the Lord with the decision of the Urim. He and all the Israelites with him, the entire community, will go out at his command and come in at his command.”
22 Moses did just as the Lord commanded him. He took Joshua and had him stand in front of Eleazar the priest and the entire community. 23 He placed his hands on him and commissioned him, just as the Lord spoke through Moses.
The Holy Bible, Evangelical Heritage Version®, EHV®, © 2019 Wartburg Project, Inc. All rights reserved.
