Add parallel Print Page Options

At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot:

At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (A)Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain.

Kung (B)kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y (C)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, (D)ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, (E)sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay (F)sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila.

10 (G)Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. (H)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.

Read full chapter

24 Kundi ang (A)aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa (B)at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi.

Read full chapter

37 Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay (A)nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon.

Read full chapter

38 (A)Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buháy sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain.

Read full chapter

36 (A)Liban si Caleb na anak ni Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan, at sa kaniyang mga anak: (B)sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon.

Read full chapter

14 Kaya't ang (A)Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.

Read full chapter